"Kailangan mong sumama sakin. Gusto ka makita ni Tito Caleb," bungad ni Grey sa pintuan ko nung Sabado na.
Pabalibag kong sinara yung pinto.
"Kung gusto niya akong makita pumunta siya rito!" Sabi ko naman.
A few moments later...
"Fasten your seatbelt," sabi ni Grey.
Kinailangan pa akong kaladkarin ni Grey papunta sa kotse. Kung hindi lang niya ako binantaan na bubuhatin niya ako eh di sana ako susunod sa kanya.
"Ba't mo pa ako sinama? Wala lang naman akong mapapala dun," sabi ko naman at tumanaw ako sa bintana ng kotse.
"Gusto ka na ngang makita ni Tito Caleb," sabi niya.
"Okay. Kapag nakita na ako ni Dad pwede na ako umalis?" Sabi ko.
"No. Maghapon tayo dun sa publishing house. Sasama ka sakin," sabi niya.
"At bakit ko naman gugustuhin na mapasama sayo?" Tanong ko.
"Magtatrabaho ka ngayon dun," sabi niya.
"What?!" Gulat kong tanong.
"Magtatrabaho ka. Hindi magtatagal eh ipapamana na sayo ng Daddy mo ang kumpanya kaya dapat ngayon pa lang, alam mo na ang pasikot-sikot ng kumpanya," sabi niya.
"I'm only 16! You can't expect me to run THEIR company!" Sabi ko.
"Kaya nga training mo na to. Para kapag nasa edad ka na, alam mo na ang gagawin mo," sagot ni Grey.
"At ano naman ang gagawin ko dun?" Tanong ko.
"You'll be my assistant," sagot niya.
"WHAT?!"
"ASSISTANT. Kailangang nasa tabi kita parati para naman alam mo ang gagawin mo," sabi niya.
"But-"
"No more buts. And hindi abot ang pagiging PA ko sayo sa kumpanya. Kaya ngayon, I'm your boss," sabi niya.
"FINE."
•••
"Good morning po Tito Caleb," bati ni Grey sa Dad ko pagkapasok namin sa office niya.
"Good morning din Christian. Kumusta na?"
"Okay lang po. Kasama ko na po pala si Athea," sabi niya sabay usog.
Agad namang lumapit sakin si Dad at niyak ako.
"Kumusta ka na anak? Are you doing good?" Tanong niya sakin.
"I'm fine," sagot ko naman.
"Nasabi na ata sayo ni Christian kung bakit kita pinatawag?" Tanong niya.
"Yes," sagot ko.
"Good. Gusto ko na masanay ka na sa trabaho. Hindi yung parati kang nakakulong sa bahay. Look at Christian, bata pa lang may patutunguhan na sa buhay," sabi ni Dad sabay balik sa upuan niya.
"I'm sorry. I can't be the daughter you wanted me to be. At alam ko naman na walang direksyon ang buhay ko," sagot ko naman.
"Just do your best Athea para hindi kita nakukumpara sa iba," sabi pa ni Dad.
"I am myself Dad. Kung ano ako hindi na yun magbabago. Kung gusto niyo ng anak na sasakto sa expectations niyo eh di maghanap kayo ng ibang anak," sagot ko.
"Athea!" Sabi ni Dad na biglang napatayo.
"Nasasakal ako Dad. Sakal na sakal na ko sainyong dalawa ni Mommy, puro naman kasi kayo trabaho eh," sabi ko sa flat na boses. "Just call me if may kailangan ka, labas lang ako," baling ko kay Grey diretso labas ng office.
BINABASA MO ANG
Committedly Inlove at a Tragic Moment
Teen Fiction✍︎ 𝙱𝙾𝙾𝙺 𝙾𝙽𝙴 𝙵𝙸𝙽𝙸𝚂𝙷𝙴𝙳 ☘︎ ✰ 𝗖𝗢𝗠𝗣𝗟𝗘𝗧𝗘𝗗 ✰ -- A Watty's 2020 Nominee -- Grey and Athea was the bestest of friends when they were young but something has change when Grey left the Phillipines to study abroad. Athea was left dumb...