[Ito po yung hindi nasamang scene dun sa Chapter 33: Seventeen nilagay ko lang po yung nangyari dun sa Programs! Enjoy reading!]
[Prone to Typo's and Grammatical Error so please bear with me this time, saka na ako mag eedit at magproproofreading pag sinisipag ako HAHAHAH ciao!]
Athea's P.O.V.
"Ano ba Grey bitawan mo nga ako!" singhal ko dito sa tukmol na to kasi ba naman pinilit pa akong sumali dito sa lintek na program na to eh.
"Sumama ka nalang kasi, nakakabagot na dun sa library, sayang naman yung mga pagames at papremyo nila ngayon kaya sumama ka na pleaseee," sabi niya at nag pout pa talaga psh akala naman niya ikinagwapo niya yan.
Napakamot na lang ako sa ulo dahil sa inis at wala naman na akong magagawa sa kakulitan ng mokong na to.
"Sige na sige na, sasamahan lang kita ah," sabi ko sa kanya.
Nagliwanag naman yung mukha nung loko parang nanalo lang sa lotto.
"Yes,tara dun," sabi niya sabay tangay sakin. Wala na akong nagawa kundi ang sumunod sa kanya kesa naman makaladkad ako dito.
Pagkadating namin sa Grounds eh nakita namin yung mga booths, mga stall at mga officers na siguro may pakana nito pero ang nakapagtawag sakin ng pansin eh yung mga naglalakihang mga shape na nakadrawing sa mga semento sa bawat lalakaran mo, merong heart shape, circle at box. Napakunot naman yung noo ko kung bakit ito iniiwasan ng mga dumadaan.
Nahalata ata ni Grey yung pagkunot ng noo ko at nakatingin ako dun sa mga shapes kaya inexplain niya kung para saan daw yun.
"Hey, iwasan mo yung mga nakikita mong shapes na yan sa daan," sabi niya.
"Bakit naman? Ano bang meron sa mga iyan?" tanong ko. Takang taka na talaga ako.
"Box Shapes also known as the Singers Shape, pag naapakan mo yung shape na yun either you will sing alone on the stage will typical love songs pwedeng may makaduet ka in case na may meron pa silang nahuli na naka-apak sa Box Shape or you can pay them 50 Pesos kung ayaw mong kumanta," mahabang paliwanag niya about dun sa 'Box Shape' kuno.
Tsk. Easy money mga Student Councils ngayon ah.
"Okay, proceed," sabi ko referring to two other shapes.
"Circle Shapes also known as the Criminal's Shape, dito naman eh pag naapakan mo yang shape na yan eh automatic na makukulong ka dun oh—" turo niya sa parang kulungan na ginawa ng mga officers may mga ilan nang nakulong dun, all in talaga siya kasi may pa orange shirt pa silang nalalaman na isusuot ng mga nahuli parang sa mga preso talaga.
"—and ang paraan lang para makaalis ka dun eh dapat bayaran ka ng iba para makaalis ka hindi pwedeng iba ang magbayad sayo, 20 pesos per person and bayadan kaya kailangan may kaibigan ka magpapalaya sayo," mahabang explanation niya ulit about dun sa Circle Shape.
Hayst ubos pera ko nito buti nalang wala akong masyadong kaibigan pa kundi uuwi talaga akong naglalakad. Etong mokong lang talagang to pag nahulu diko siya papalayain.
"And what about the hearts?" tanong ko ulit sabay baling sa kanya.
Nakita ko na nakangiti siya bago bumaling sakin.
"Last but not the least— Heart Shapes also known as the Wedding Shapes, pag nakatapak ka naman diyan eh automatic na ipoposas nila ang kamay mo at dadalhin ka nila dun sa Wedding Booth at mag aantay ng isa pa para kayo ang ikasal. Pag ayaw naman ng both sides na ikasal eh maghahati sila sa 100 Pesos na multa," paliwanag ulit ni Grey.
BINABASA MO ANG
Committedly Inlove at a Tragic Moment
Teen Fiction✍︎ 𝙱𝙾𝙾𝙺 𝙾𝙽𝙴 𝙵𝙸𝙽𝙸𝚂𝙷𝙴𝙳 ☘︎ ✰ 𝗖𝗢𝗠𝗣𝗟𝗘𝗧𝗘𝗗 ✰ -- A Watty's 2020 Nominee -- Grey and Athea was the bestest of friends when they were young but something has change when Grey left the Phillipines to study abroad. Athea was left dumb...