MARCH
Busy ako sa sketching habang nasa ilalim ng puno. Hapon na naman at maalinsangan ang hangin kasi papalapit na naman ang summer. Wala na kaming pasok at nagpapalipas lang ako ng oras bago ako umuwi.
"Athea. San mo ba balak mag-college?" Tanong sakin bigla ni Grey na nakasandal din sa kabilang side nung puno na sinasandalan ko rin.
"Kung saan diyan. Bahala na," sabi ko naman habang patuloy ako sa pag-sketch.
"Eh gusto ko kasi sabay tayo mag-college. Kung ano course mo, yun na din ang kunin ko," sabi ni Grey.
Binato ko siya ng isang crumpled na papel.
"Di ka naman obsessed sakin ano?" Natatawa kong sabi.
"Di naman. Slight lang," sagot naman ni Grey.
Huminga ako ng malalim sabay titig sa kawalan. "Okay na ako kahit san basta ikaw ang kasama ko," sabi pa ni Grey.
"Tama na nga. Baka ako na yung tumalbog sa kakabola mo," sabi ko.
"Totoo naman ah," sabi ni Grey.
"Tara na. Uwi na tayo. Gutom na ko tsaka gusto ko nang magpahinga," sabi ko naman sabay hatak sa kanya patayo.
"McDo?" Alok ni Grey.
"Hmm... Game. Ako taya," sabi ko sabay pulot sa bag ko.
"Sige ba. Himala ah, ikaw nanglibre," sabi ni Grey na nakangiti.
"Ayaw mo? Sige uwi na tayo," sabi ko naman.
"Nagbibiro lang. Tara na nga," sabi ni Grey.
"Nga pala Athea, may meeting yung parents bukas diba? Para sa career choice?" Sabi ni Grey.
"Oh tapos?" Tanong ko naman.
"Wala lang. Magkakaroon din tayo ng career advice. Tapos recollection, then graduation na, san mo balak magbakasyon?" Tanong niya sakin.
"Di ka naman excited? Ewan ko lang, si Ate Jasmine kasi alam ko baka pumunta ulit sa France for a workshop. Baka magpunta ako ng Japan or sa ibang lugar," sabi ko naman.
"Okay. Basta bumalik ka agad dito sa Pinas," sabi ni Grey habang papasok na kami sa McDo.
"Malamang babalik ako. Ano sayo?" Tanong ko sa kanya.
"Big Mac tsaka large coke," sabi naman ni Grey.
After naming makuha yung order namin eh naupo na kami sa isang table dun.
"Naalala ko nga, may natanggap ako na letter mula sa isang school sa Japan and sa Amerika," sabi ko.
"Ano sabi?"
"Scholarship. Yun ay kung Journalism ang kukunin kong course," sabi ko naman.
Biglang natigilan si Grey.
"Kukunin mo?"
"Ewan. Baka. I'm also considering kasi Marketing or Business Ad. Di naman ako mahilig magsulat ng kung ano-ano eh," sagot ko.
"Wag kang aalis dito sa Pinas. Baka ako naman yung iwan mo," sabi ni Grey.
Natigilan ako. Never akong nang-iwan Grey...
Binunot ko mula sa bag ko yung sketch na ginawa ko kanina, inabot ko yun kay Grey.
"Para yan sayo, I sketched you," sabi ko.
"Uy, thanks!" Sabi naman ni Grey sabay kuha nung sketch.
Ngumiti naman ako ng konti.
"Athea. Naalala mo pa ba nung unang beses mo kong dinala dito?" Tanong bigla sakin ni Grey.
BINABASA MO ANG
Committedly Inlove at a Tragic Moment
Teen Fiction✍︎ 𝙱𝙾𝙾𝙺 𝙾𝙽𝙴 𝙵𝙸𝙽𝙸𝚂𝙷𝙴𝙳 ☘︎ ✰ 𝗖𝗢𝗠𝗣𝗟𝗘𝗧𝗘𝗗 ✰ -- A Watty's 2020 Nominee -- Grey and Athea was the bestest of friends when they were young but something has change when Grey left the Phillipines to study abroad. Athea was left dumb...