Chapter 32: Double Date

11 25 0
                                    

"Mommy? Dad? Ano pong ginagawa niyo rito?"

Nakaupo sila sa sofa at si Ate Jasmine naman eh naririnig kong nangangalampag sa kusina.

Lumingon sila at agad namang lumapit sakin.

"We came here to ask if available ka ba ngayong gabi," sabi ni Mommy.

"Bakit po?" Alanganin ko namang tanong sa kanila.

"Your Mommy and I thought of having a dinner somewhere, para naman makapag-bonding ulit tayo, medyo matagal na tayong di nagkakasama since nung family day," sabi ni Daddy.

Alanganin akong napatingin dun sa dalawa. "Uhm, I already have a date po kasi with Leigh this evening," sabi ko naman.

Ngumiti naman yung dalawa. "Its okay anak. Enjoy your date. Hanggang anong oras ba date niyo?" Tanong ni Dad.

"Hanggang nine po," sagot ko naman.

"Oh? Maybe we can still have time, maaga naman pala kayo matatapos ni Leigh," sabi ni Mommy.

"I will meet po with- with Grey after," sabi ko naman.

Natigilan at nagkatinginan sina Mommy at Daddy.

"Is there something wrong Ma?" Tanong ko.

"W-wala. Enjoy the evening anak," sabi ni Mommy sabay himas sa braso ko.

"Thanks. Enjoy rin po kayo, lunch po muna kayo," sabi ko.

"No, thanks. Kakakain lang namin anak. Mauna na kami, ipagpaalam mo na lang kami ng Dad mo kay Ate Jasmine mo," sabi ni Mommy.

"Sige po," sabi ko naman.

Dumiretso ako sa kusina. Naabutan ko dun si Ate Jasmine na nagluluto.

"Oh? Kamusta? Umalis na ba sina Tito and Tita?" Tanong ni Ate Jasmine pagkakita sakin.

"Yeah," sabi ko naman sabay lapit sa niluluto niya. "What's this?"

"Para yan mamaya. Pupunta dito sina Charles and Lance for dinner, wala ka naman dito mamaya di'ba?" Sabi ni Ate Jasmine.

"Uhm, yes. But baka umuwi ako around midnight or one in the morning," sabi ko naman.

"Sure ka ba?" Malisyosang tanong ni Ate Jasmine.

"Of course," matigas kong sabi.

"Okaaay," sabi naman ni Ate Jasmine.

"Nga pala, hinanda ko na yung mga susuutin mo, and Leigh called this morning," sabi pa niya.

"And? What did he say?" Tanong ko.

"Nangumusta lang. And I assured him na aattend ka sa date niyo," sagot niya.

"Okay. Thanks," sabi ko naman.

•••

5:00 PM

"How do I look?" Alanganin kong tanong kay Ate Jasmine.

"Great!" Sabi naman ni Ate Jasmine na ngiting-ngiti.

Kinaladkad niya ako papunta sa salamin. "Oh, look, ganda mo na! But wait, parang may kulang," sabi niya sabay sipat sa reflection ko sa salamin.

Emerald green dress with matching 4 inches heels, suot ko din yung bracelet ko na bigay nina mom and dad tas naka sling bag na kulay green na babagay sa dress ko, inayos rin ng konti ni Ate Jasmine yung buhok kaya naman may konting highlights ang buhok ko.

Hinawakan niya yung magkabilang-gilid ng pisngi ko at inunat niya yun. "Hayan, smile mo lang naman ang kulang diyan sa attire mo eh. And always wear that! You look soooo preeeettyy Athea, Swerte ni Grey," sabi ni Ate Jasmine.

Committedly Inlove at a Tragic MomentTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon