A/N:
Baka po nalilito na kayo sa time frame na ginagamit ko. Pero balik na po tayo sa present. Stop ko MUNA ang mga flashbacks. May mga darating pa pong flashbacks. Hikhok.
•••
Athea's P.O.V.
"Para sa'yo yan," sabi sakin ni Grey sabay abot ng isang maliit na box.
Binuksan ko yung box at nakita ko dun ang isang smiley bagde. Kaparehong-kapareho nung binigay ko sa kanya maraming taon na ang nakakalipas.
Napatitig lang ako dun sa badge. Then nagtaas ako ng mukha sa kanya.
At bago ko pa napigilan ang sarili ko, I already found myself smiling at him.
"Napangiti na rin kita," sabi niya sabay yakap sakin.
"I love you," bulong pa niya.
"Waaaaaaahhhhhhhhhh" Nagising na rin ako sa wakas mula sa bangungot ko.
Napahawak ako sa ulo ko. Pati ba naman sa panaginip ko hindi ako pwede makapag-relax? Hindi ba ako pwedeng magkaroon ng matinong panaginip?
Bangungot lang napala ko.
"Good morning!" Bungad bigla ni Grey sa pintuan ng kwarto ko. Agad naman akong nagtakip ng kumot sa katawan ko.
"Umalis ka nga. Magpapalit ako," sabi ko.
"Tss. Bilis na, di ko naman titingnan yang katawan mo," sabi niya sabay talikod.
Kumuha ako ng damit sa drawer at sinuot ko na yun. Pagharap ko kay Grey eh nakangiti pa rin siya sakin.
"Merry Christmas!" Sabi niya.
Anong petsa ba ngayon?
Pagtingin ko sa phone ko eh December 15 na pala. Bakasyon na namin sa school.
"Merry Christmas," sabi ko naman.
"Wala ka naman sa mood bumati," sabi niya.
"Eh di MERRY CHRISTMAS!" Sabi ko sabay bungisngis.
"Kahit ngiting totoo di mo magawa," sabi niya.
"Sumasakit bagang ko kapag ngumingiti ako. Tsaka nahiya naman ako sa'yo," sabi ko.
"Yeah I know. Pero ikaw kaya tong effort ng effort na pangitiin ako dati," sagot niya.
"Shut up," sagot ko naman sabay unat sa katawan ko.
"Breakfast na sabi ni Mama. Tsaka gusto mo tumulong mamaya sa pag-decorate ng bahay? Tsaka mag-go-grocery na rin kami. Sama ka?" Tanong ni Grey.
Boring naman kung magpapaiwan ako kaya pumayag na ako.
"Kain po Ma'am Athea," bungad sakin ni Tita Clarisse.
Naupo na kami ni Grey. After naming makapag-dasal eh kumain na rin kami.
Ilang beses na rin ako naipagluto ni Tita Clarisse. Kaya masasabi ko naman na may pinagmanahan naman si Grey ng galing niya sa pagluluto.
Simpleng sinangag, tocino, sausage at itlog ang breakfast namin. May kasama pa na papaya at pinagtimpla pa ako ni Tita Jessica ng gatas. I don't drink milk that much pero nakakahiya naman kung tumanggi ako.
"Mama, sasama daw si Athea na mag-grocery ngayon," sabi ni Grey.
May napansin rin ako kay Grey. The way na makipag-usap siya kay Tita Clarisse eh hindi pa rin nagbabago. Yung childish na tono na akala mo eh may hihilingin parati.
BINABASA MO ANG
Committedly Inlove at a Tragic Moment
Teen Fiction✍︎ 𝙱𝙾𝙾𝙺 𝙾𝙽𝙴 𝙵𝙸𝙽𝙸𝚂𝙷𝙴𝙳 ☘︎ ✰ 𝗖𝗢𝗠𝗣𝗟𝗘𝗧𝗘𝗗 ✰ -- A Watty's 2020 Nominee -- Grey and Athea was the bestest of friends when they were young but something has change when Grey left the Phillipines to study abroad. Athea was left dumb...