Grey's P.O.V.• flashback •
Nakatayo lang ako sa gilid ng daan sa loob ng ospital. Puno ng benda ang mga kamay ko at binti. May mga gasgas pa ako sa kung saang-saang parte ng katawan ko.
Nasa tabi ko din si Mama. Umiiyak siya. Ako naman eh nakatayo lang at tulala. Sa sobrang bigat at sakit na nararamdaman ko eh hindi na dumadaloy ang luha ko at manhid na rin halos ang katawan ko sa hapdi.
Nasa loob ng ICU si Papa. Halos ilang araw na rin siyang nandun at pabalik-balik na kami sa ospital. Wala na kaming pera na pangtustos pa sa gastusin. Halos hindi na rin kami kumakain.
Maya-maya pa ay biglang may dumaan na nagtatakbuhang mga doktor. Napatayo bigla si Mama habang sinusundan ng tingin yung mga doktor na papasok sa ICU.
Napahawak ako bigla kay Mama.
"Magiging okay din siya," bulong sakin ni Mama sabay yakap sakin.
Maya-maya pa ay may lumabas na mga doktor mula sa ICU. Lumapit ang isa sa kanila sa amin..
"Kayo po ba ang asawa ni Mr. Azrael?" Tanong niya kay Mama.
"O-opo Dok. Ano po ba ang nangyari?" Tanong ni Mama.
"Sumunod na lang po kayo sakin," sabi nung doktor.
Sumunod naman kami. Nararamdaman ko na medyo nanginginig si Mama at naghahabol siya ng paghinga.
Pagkapasok namin eh agad na napako ang tingin namin sa katawan na natatakpan ng puting kumot.
"We did our best pero hindi na niya kinaya ang injuries na napala niya," sabi nung doktor.
Napako naman sa kinatatayuan niya si Mama at humagulgol. Ako naman eh tumakbo papunta sa hospital bed at umiiyak.
"Papa!! Papa!! Papa gising!!" Sigaw ko naman habang niyugyog ko ang malamig na bangkay ni Papa.
"Papa!" Niyakap ko na lang siya at humagulgol na lang ako.
Lumapit naman sakin si Mama at niyakap ako, kahit siya eh umiiyak rin. Wala akong nagawa kundi yakapin ang malamig na bangkay ni Papa.
Mula nun ay nagpalipat-lipat na kami ng tinitirhan. Minsan wala kaming natutuluyan. Naubos na yung natitira naming pera.
Dati kasing may negosyo si Papa. Kaso nalugi yun at na-depress siya dahil wala siyang natakbuhan para makabawi. Naghirap kami at dumating kami sa point na nung minsan nagmamaneho kami pauwi eh bigla na lang na ibinangga ni Papa ang kotse namin sa isang puno.
Yun ang dahilan kung bakit kami na-ospital. Pareho kaming nasugatan ng malala ni Mama. Pero si Papa ay nagka-injury sa ulo kaya naman yun ang dahilan para ma-coma siya at yun na din ang sanhi ng pagkamatay niya.
Ten years old ako nung nangyari yun. Bata pa ako pero tumatak talaga yun sa isip ko.
Sinubukan ni Mama na mamasukan bilang katulong pero walang tumatanggap samin. Hanggang sa isang araw sa paghahanap namin ng matutuluyan eh nakakita kami ng isang mansyon na may sign na naghahanap ng maid.
Kumatok kami at pinagbuksan kami ng may-ari ng bahay.
Nakiusap si Mama sa may-ari na tanggapin kami sa bahay nila.
"Handa po kaming magtrabaho kahit wala pong sahod, matutuluyan lang po at pagkain at konting gamot lang po para sa anak ko ang kailangan namin. Maawa na po kayo," sabi ni Mama dun sa babaeng may-ari ata nung bahay.
Akala ko eh hindi nila kami tatanggapin. Pero iba ngayon ang napakiusapan namin. Tinitingnan niya kami ng walang halong pandidiri o kawalang-tiwala. Pero sa unang pagkakataon, may tumitig samin ng may awa at pagmamalasakit.
BINABASA MO ANG
Committedly Inlove at a Tragic Moment
Teen Fiction✍︎ 𝙱𝙾𝙾𝙺 𝙾𝙽𝙴 𝙵𝙸𝙽𝙸𝚂𝙷𝙴𝙳 ☘︎ ✰ 𝗖𝗢𝗠𝗣𝗟𝗘𝗧𝗘𝗗 ✰ -- A Watty's 2020 Nominee -- Grey and Athea was the bestest of friends when they were young but something has change when Grey left the Phillipines to study abroad. Athea was left dumb...