Hanggang ngayon eh para bang umiikot pa rin ang utak ko.
Halos ilang araw na ang nakaraan pero hayun, di ko pa rin nakalimutan yung nangyari samin ni Grey nung gabing yun.
Everytime na maiisip ko yun eh napapaupo na lang ako at napapahawak sa tiyan ko. Ito na ata yung sinasabi nilang butterflies in your stomach. Sumasakit ang tiyan ko everytime na naiisip ko yung nangyari samin.
I woke up one Saturday morning. Pag-check ko sa relo ko eh bigla akong natigilan.
Wait..
Malapit na pala birthday ni Grey. Next Saturday na.
What should I do? Last kaming nakapag-celebrate ng birthday niya nung Grade Six kami. 18th birthday pa naman niya ngayon.
"Good morning!" Bungad sa kwarto ko ng isang pamilyar na boses. Si Leigh. Nagulat ako dahil may suot siya na apron. Nakasunod sa kanya si Ate Jasmine with a disapproving expression on her face.
"What are you doing here?" Alanganin kong tanong.
"Naisip ko lang na ipagluto ka ng breakfast," sabi niya. Ate Jasmine naman rolled her eyes behind her.
"Well, thanks," sabi ko naman.
"Baba ka na. Malapit na kami matapos magluto," sabi niya.
Magluto? Overstatement ata yun ah. Puro ka lang prito pag breakfast. Pritong sausage, pritong itlog, pritong tinapa o tuyo, pritong bacon, pritong hotdog, pritong kanin, ah este sinangag pala.
"I tried to stop him but to no effect. Sinabihan ko naman siya na aside sakin, luto lang ni Grey ang kinakain mo," biro niya nung nakalabas na ng kwarto si Leigh.
Tinapunan ko siya ng matalim na tingin.
"You're getting closer, you two," puna ni Ate Jasmine.
"Dati na kaming close!" Sagot ko.
"Oh? Umamin ka rin na close kayo talaga. Todo deny ka pa ah," sabi niya.
"And? Ano ngayon?" Tanong ko.
"Nothing," sabi ni Ate Jasmine, eyeing me suspiciously.
Pagkababa ko eh naabutan nga namin si Leigh na nag-aayos na ng mesa.
"Breakfast!" Sabi niya.
Naupo naman kami. Nakangiting peke naman si Ate Jasmine.
"How come that you learned how to cook?" Tanong ko naman.
"Nagpaturo ako kay Mommy. Tsaka syempre kailangan ko nang magprepare for the future," sabi ni Leigh sabay salin ng gatas sa baso ko.
Ate Jasmine was fighting hard not to laugh.
"Alam ko prito lang yan. But I can cook your favorite kare-kare na, gusto mo mamaya ipagluto kita?" Tanong niya sakin.
"Uhh.. Are you sure?" Alanganin kong tanong. Nakayuko na si Ate Jasmine at nagtatakip na ng bibig para hindi siya sumabog sa kakatawa.
"Yeah. Sure. Tsaka I'm looking forward to stay here the whole weekend para naman maasikaso kita," sabi niya.
Dun din kasi siya tumutuloy kina Tita Jena. But as of the moment eh wala si Tita Jena at Tita Dianne pati na rin si Yvon ngayon kasi nauna na silang pumunta sa Boracay, at alam ko ang rason kung bakit nagpaiwan silang dalawa ni Amethyst.
"Look. You don't have to do this. Nandito naman si Ate Jasmine, ayokong mapagod ka," sabi ko naman.
Ngumiti lang si Leigh. Lintik, akala siguro niya nag-aalala ako sa kanya nung sinabi kong ayaw kong napapagod siya.
BINABASA MO ANG
Committedly Inlove at a Tragic Moment
Teen Fiction✍︎ 𝙱𝙾𝙾𝙺 𝙾𝙽𝙴 𝙵𝙸𝙽𝙸𝚂𝙷𝙴𝙳 ☘︎ ✰ 𝗖𝗢𝗠𝗣𝗟𝗘𝗧𝗘𝗗 ✰ -- A Watty's 2020 Nominee -- Grey and Athea was the bestest of friends when they were young but something has change when Grey left the Phillipines to study abroad. Athea was left dumb...