Chapter 14: Christmas Gifts

19 28 0
                                    

A/N:

I hope na sana (I hope na sana ano yun HAHAHA) patuloy kayong hooked sa kakulitan ni Grey at sa ka-bitteran ni Athea.

Ano ba ang meron sa new chapters? SPOILER ALERT. (Scroll niyo na agad kung ayaw niyo basahin pero kung gusto niyo maintindihan pa eh basahan niyo to hikhok)

Well, Athea will try to be nice with Grey. Susubukan din ng parents niya na magkabalikan. Unti-unti na ring babalik sa dati si Athea. At isang sikreto ang malalantad sa kanya.

Ano nga ba ang totoong dahilan ng pag-alis ni Grey sa Pilipinas almost five years ago? At anong sikreto ang tinatago ni Grey na ang parents lang ni Athea ang nakakaalam?

At bakit kung kelan handa na si Athea na ngumiti ulit at patawarin si Grey, saka naman darating ang mga taong makikigulo sa kanila? Pwede pa ba sila ma-fall sa isa't-isa even if they already have their own WRITTEN DESTINIES?

Habang nagkakaroon ng kasagutan ang mga malalabong tanong sa isip ni Athea, saka niya marerealize na maybe, after all these years, hindi na talaga sila pwedeng maging magkaibigan pa ni Grey. Because she knows that something deep inside her says that she is starting to fall for the most stubborn PA she ever had.

At kung ayaw niyang masaktan, kailangan na niyang pigilan ang nararamdaman niya habang maaga pa.

I'm looking forward to finish the story before Online Classes starts! Lovelots!

•••

Athea's P.O.V.

-December 24-

Nasa mall ako at namimili ng kung anong mapagtripan ko. Naglalakad ako na may dala-dalang milk tea. Kakagutom kasi maglakad lakad dito.

Nagpaalam ako kina Grey na pupunta lang ako sa Mall. Busy kasi sila ngayon sa bahay para sa Noche Buena mamaya. At dahil kasumpa-sumpa ang luto ko eh hindi na ako nag-atubiling tumulong pa.

Nakabili na ako ng mga bagong damit at mga sapatos. Naka-isang pizza na rin ako pero bored pa rin ako. Boring naman kung mag-isa lang akong maglalaro sa Arcade. Ayoko magmukhang tanga.

Si Grey...

Reregaluhan ko pa ba yun? Nasa harap na ako ng exit habang tinatantiya kung bibilhan ko ba yun ng regalo o hindi.

Naglakad na ako palabas ng exit. Pero nasa pinto na ako nung bigla akong napahakbang paatras.

Bibili ako o hindi?

Wag na lang..

Humakbang na ako papalabas pero natigilan na naman ako.

Aaaaaaaaaarrrrggghhhh!!!

Dali-dali akong tumakbo papasok sa Mall.

Natigilan na naman ako habang nakatingin sa mga boutique dun.

T-shirt?

Yuck... So usual...

Necklace?

Kasagwaan..

Sapatos?

Cinderella lang?

Brief?

Masusuka ako.

Ano ba pwede iregalo sa mokong na yun?!

Saktong pag-ikot ko eh nakakita ako ng isang shop ng mga wrist watches.

Totek... Mamahal nito...

Committedly Inlove at a Tragic MomentTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon