Athea's P.O.V.
Hindi ko alam kung bakit buhay pa ako nung mga sumunod na araw. Gusto ko nang mamatay. Masyado nang naging masakit yung mga naranasan ko. Nakakapagod na.
Summer season already started. Pero wala ako sa mood na maglagalag. Nanatili lang ako sa bahay, wala naman akong ibang gagawin aside sa kumain, manood ng palabas sa TV or umiyak.
Bagong routine ko na pala actually yung umiyak. Yung tipong bigla-bigla na lang na tutulo yung luha ko. Di ko na alam kung ano ang mararamdaman ko.
Ate Jasmine was supposed to be in France for a workshop. But she chose not to attend, at alam ko naman yung rason niya kung bakit di siya um-attend.
Kinakausap ko naman siya. Di naman ako sa kanila nagtampo. But I cannot talk to her the way we did before. Ngayon nga ay nahihirapan na naman akong ngumiti.
"Athea. Tara na. Kakain na sa baba," tawag sakin ni Ate Jasmine. Nasa kwarto ako nun at nakahiga lang.
Tumayo naman ako. Humarap sa salamin at "nag-ayos." That was an over-statement actually. Magulong-magulo na yung buhok ko, wala pa sa ayos yung damit ko at walang nababasang expression sa mukha ko.
"Are you fine Athea?" Tanong sakin ni Ate Jasmine.
"Yeah. I think I am," sagot ko naman.
Pababa na ako sa hagdan. "I will just tell you na meron tayong bisita," sabi bigla ni Ate Jasmine.
"Who?" Tanong ko naman.
Pero sakto naman nun na may gumalaw sa sala. And I saw Grey, smiling at me.
How dare you smile na parang wala kang kasalanan sakin.
"Hi Athea-"
Tinitigan ko siya for a few seconds. "Hello." Sabi ko naman at dumiretso na ako sa kusina.
"Nga pala Athea, may sulat na dumating kanina. From the universities from US and Japan. Sabi nila accepted ka na daw to take their scholarship exam. Nandun yung sulat sa may TV," sabi ni Ate Jasmine.
"Thanks." Sagot ko naman.
"You accepted their offer?" Tanong bigla sakin ni Grey.
"Yeah. Why?" Tanong ko.
"I thought you're going to study here at the Philippines. Akala ko mas comfortable ka dito," sabi ni Grey.
"Ah yun ba? Kelan ka pa nagkaroon ng pakialam sa nararamdaman ko?" Tanong ko kay Grey.
Medyo natigilan si Grey. Ate Jasmine naman stared at me uncomfortably.
"Mas marami akong matututunan sa ibang bansa. But I'm still considering to study here in the Philippines. It's a fifty-fifty chance," sabi ko naman.
"Di mo naman gusto ang Journalism diba?" Tanong ni Ate Jasmine.
"Pwede naman akong mag-aral sa ibang bansa ng ibang course kahit walang scholarship," sabi ko naman.
Then bumaling ako kay Grey.
"What brought you here?"
"Gusto ko lang na bisitahin ka," sabi ni Grey.
"Yun lang ba? I'm fine," sagot ko naman.
"And I'm here to ask for an apology-"
"You don't have to. Sumunod ka lang naman sa utos at wala ka namang kasalanan," sabi ko.
"But still, may kasalanan pa rin naman ako. Pumayag ako na- na paasahin ka," sabi ni Grey.
"Na ginawa mo naman effectively. Umasa talaga ako. Naniwala talaga ako. Tingnan mo't akala ko nga mahal mo 'ko. Ang galing-galing mo," sabi ko naman.
BINABASA MO ANG
Committedly Inlove at a Tragic Moment
Teen Fiction✍︎ 𝙱𝙾𝙾𝙺 𝙾𝙽𝙴 𝙵𝙸𝙽𝙸𝚂𝙷𝙴𝙳 ☘︎ ✰ 𝗖𝗢𝗠𝗣𝗟𝗘𝗧𝗘𝗗 ✰ -- A Watty's 2020 Nominee -- Grey and Athea was the bestest of friends when they were young but something has change when Grey left the Phillipines to study abroad. Athea was left dumb...