[This scene directly follows the scene kung saan unang nagkakilala sina Athea and Grey. So this is a throwback. Dito niyo po malalaman ang huling revelation ng story. This is the fourth to the last chapter! I love you guys! Thanks for reading!]
Grey's P.O.V.
Nakatitig lang ako sa batang kaharap ko ngayon. Nakangiti siya sakin. Pero nakatingin lang ako sa kanya. Di ko alam kung ano ang gagawin o sasabihin ko.
"Sige po, balik na po kami sa trabaho," sabi ni Mama at bumaling siya sakin.
"Sama ka muna kay Ma'am Athea ha? Nandun lang ako sa kusina," sabi sakin ni Mama.
Tumango naman ako.
Nakaupo kami ni Athea sa garden. Sinabihan kasi ako ni Mama na sumama sa kanya kaya sumunod naman ako.
"Ilang taon ka na?" Tanong sakin ni Athea.
"Ten," sagot ko naman sa matamlay na boses.
Pinadaanan niya na naman ng tingin yung mga benda ko sa braso at binti. Kinubli ko naman agad sa likod ko yung braso ko.
"Bakit ka nagkaroon niyan?" Tanong pa sakin ni Athea.
"N-naaksidente kasi kami-" sabi ko at di ko maiwasang di mamasa yung mga mata ko.
"Ah, okay. Sorry to hear that," sagot naman ni Athea.
Tumingin ako palayo. Palihim akong nagpunas ng luha ko.
"Umiiyak ka ba?" Tanong pa sakin ni Athea.
"Hindi. Napuwing lang ako," sabi ko naman at agad kong inayos yung sarili ko.
Tinitigan niya ulit ako nang ilang segundo.
"May kukunin lang ako ha?" Sabi ni Athea at patakbo siyang pumasok sa loob ng bahay.
After ng ilang minuto eh bumalik na siya, meron na rin siyang dala-dala.
"Para sa'yo oh," sabi niya at may inabot siya sakin.
Isa yung glass globe na may lamang tubig. At sa loob ng glass globe ay dalawang tao na magkahawak ang kamay.
Kinuha ko naman yun at napatitig ako dun sa regalo niya. Halos matagal na panahon na rin akong walang laruan.
"Sa'yo na yan... Ingatan mo yan ha?" Sabi ni Athea at ngumiti siya sakin.
"T-Thank you," sabi ko sa basag na boses.
Tumitig lang siya sakin. I tried to smile pero di ko magawa. Nahihirapan pa rin akong ngumiti.
"Okay lang kung hindi mo pa kayang ngumiti. Hindi ko man alam ang rason kung bakit di ka makangiti, basta susubukan kong pangitiin ka. Hindi ako susuko hangga't di ko nakikita yang ngiti mo," sabi ni Athea.
Napatitig ako kay Athea. Di maiwasang di kumabog nang malakas yung puso ko. Maybe mababaw ang rason ko, pero pagkatapos ng matagal na panahon, may taong mag-e-effort para mapangiti ako, kaya di maiwasang di kumabog ng puso ko.
"T-Thanks," sabi ko naman.
Dun ko nakilala yung taong mamahalin ko ng buong buhay ko.. Alam ko, magmula nung araw na nakilala ko si Athea, sa kanya ko na ilalaan ang puso ko. Lumipas man ang mga taon at hindi yun magbabago. Mahal ko si Athea at yun lang ang mahalaga sakin.
•••
Nagising ako mula sa panaginip ko. Paglibot ko ng tingin eh narealize ko na nasa ospital pala ako. Nakasandal ang ulo ko sa higaan ni Athea at si Ate Jasmine eh nakahiga sa isang couch na nasa gilid.
BINABASA MO ANG
Committedly Inlove at a Tragic Moment
Teen Fiction✍︎ 𝙱𝙾𝙾𝙺 𝙾𝙽𝙴 𝙵𝙸𝙽𝙸𝚂𝙷𝙴𝙳 ☘︎ ✰ 𝗖𝗢𝗠𝗣𝗟𝗘𝗧𝗘𝗗 ✰ -- A Watty's 2020 Nominee -- Grey and Athea was the bestest of friends when they were young but something has change when Grey left the Phillipines to study abroad. Athea was left dumb...