Grey's P.O.V.
Christmas season passed quickly. Namalayan ko na lang na nasa harap na naman ako ng gate ng school namin.
"Grey!" Tawag sakin ng tumatakbong si Athea. Her aura reminded me of a ten-year old Athea na tumatakbo papunta sakin nung mga bata pa kami.
Pagkalapit niya eh nakatitig lang siya sakin. She hesitated, but spoke, "G-good morning."
"Tsk.. Anong ginawa mo kay Athea?" Sarkastiko kong tanong.
"Eh di wag," sagot niya sabay lakad papasok sa gate.
"Huy. Nagbibiro lang. Sayang. Ang tamis pa naman nung good morning," sabi ko na nakangiti.
Pinadaanan niya lang ako ng matalim na tingin.
"You know what, I'm getting used to the cold and sarcastic Athea. Imagine? That was the first time you greeted me ever since na bumalik ako dito sa Pilipinas," sabi ko.
"Di na yun mauulit," sagot niya.
"Huy. Sorry. Pinapatawa lang kita-"
"Pwes di ka nakakatawa," sagot niya.
"Sorry!" Sagot ko na nakataas ang dalawang kamay.
Di na siya nagsalita.
"Seriously, that was a start! Keep it up!" Sabi ko sabay gulo sa buhok niya. Natigilan lang siya.
"Huy. Tatayo ka lang diyan? Late na tayo," sabi ko.
"Ang aga pa," sagot niya.
After kasi ng New Year eh bumalik na ulit siya sa bahay nila. Medyo kampante na ako ngayon kasi kasama na niya si Ate Jasmine. Pero bibisitahin ko pa rin naman siya kahit papano. Naghahanap kasi ng trabaho ngayon si Ate Jasmine as a fashion designer.
And as you could see, dala ata ng New Year, eh medyo umaliwalas na ang aura ni Athea. Hindi na siya ganun kagagalitin at kanina nga eh nag-good morning pa siya sakin.
I am really hoping na sana eh bumalik na siya sa dati. I become excited everytime na naiisip ko na ulit yung dating Athea.
After matapos ng morning period namin sa klase eh agad ko naman siyang inaya papunta sa canteen.
"Dadaan ako sa library," sagot niya sakin.
"Okay. Samahan na kita. Baka pag nawala ka sa paningin ko may mangyari na naman sa'yo," sabi ko.
Pinadaanan niya ako ng matalim na tingin.
"Hindi ako war freak. Ginawa ko lang yun dahil-"
"Dahil you care for me," sagot ko naman agad.
Nanginig yung kamay niya na nakahawak sa libro. Pa-simple naman akong tumakbo palabas ng room bago ko narinig yung lagapak ng libro at yung sigaw niya.
"Bumalik ka dito! Wag kang mag-ilusyon!" Sigaw niya.
Ngumiti na lang ako. Maya-maya pa ay lumabas na rin siya. Kulang na lang umapoy yung mga mata niya sa titig niya sakin.
"Sorry," sabi ko naman agad. Baka ma-ruin ko pa yung effort niyang magbago.
"Tara na," sabi niya sakin. Tinaas niya yung kamay niya para kaladkarin ako sa kuwelyo ko pero napamali siya ng hawak, instead, kamay ko ang nahawakan niya. Diba nga kasi ano nakataas yung kamay ko.
For a fraction of a second eh tumayo lang kami dun, nakatitig sa magkahawak naming kamay.
Sabay kaming napatalon at nagbawi ng kamay namin.
BINABASA MO ANG
Committedly Inlove at a Tragic Moment
Novela Juvenil✍︎ 𝙱𝙾𝙾𝙺 𝙾𝙽𝙴 𝙵𝙸𝙽𝙸𝚂𝙷𝙴𝙳 ☘︎ ✰ 𝗖𝗢𝗠𝗣𝗟𝗘𝗧𝗘𝗗 ✰ -- A Watty's 2020 Nominee -- Grey and Athea was the bestest of friends when they were young but something has change when Grey left the Phillipines to study abroad. Athea was left dumb...