Wala akong ibang ginawa the next day kundi ang tumunganga sa bahay. Wala naman kasi akong ibang gagawin maliban sa manood ng palabas sa TV, mag-internet, kumain, ang productive ko diba?Pagkagising ko kanina eh agad akong nabadtrip sa text na natanggap ko.
From: Grey
Mag-iingat ka diyan. If sakaling magbago ang isip mo nasa publishing house lang ako.
Kumakain naman ako ng pananghalian ko nung tumawag siya sakin.
"Oh ano? Buhay pa naman ako. Wag kang mag-alala," sarkastiko kong bungad sa kanya.
"Kumakain ka ba?" Tanong niya.
"Yeah," sagot ko naman.
"Cup noodles?" Tanong niya.
"Sausage," sagot ko.
"IN CAN?" Tanong ni Grey.
"Shut up!! Basta ang mahalaga eh kumakain ako!" Sagot ko naman.
"Ilang sausage ang nasunog?" Tanong pa niya.
"For your info marunong naman ako magprito kahit papano!" Sigaw ko naman.
"Okay. Eat well. Pasensya na wala ako diyan to give you a proper lunch, medyo busy kasi ako dito sa publishing house," sabi pa niya.
"Ang pake ko parang battery ng phone ko, malapit na mawala! Bye!" Sagot ko naman sabay off sa phone ko.
Door bell...
Agad naman akong pumunta sa gate para buksan yung asungot na gumambala sa pagkain ko.
Pagkabukas ko sa gate eh agad ko yung isinara pabalik. Pero mas malakas yung nasa kabilang side kaya naman nabalibag ako nung gate.
"Don't be stupid. Dinalhan kita ng lunch mo," sabi ni Grey sabay abot sakin ng isang paper bag.
"KELAN MO BA AKO BALAK PATAHIMIKIN?" Irita kong tanong sa kanya.
"Kapag natuto ka nang mag-identify ng matinong pagkain sa hindi," sabi niya sabay kaladkad sakin papasok ng bahay.
"Busog na ako. Thanks." Sagot ko naman at kumawala ako sa kamay niya.
Nakatitig siya sa mesa kung san ako kumakain.
"Mabubusog ka neto?" Tanong niya sakin.
"Yes!" Sabi ko naman.
Kinuha niya yung paper bag ko at kinuha niya dun ang dalawang styrofoam container na may kasamang chopsticks.
"May dala ako ritong sushi, kumain ka na," sabi niya sabay abot sakin ng chopsticks.
Umupo naman ako at nagsimulang kumain.
"Akala ko ba busy sa publishing house?" Tanong ko sa kanya.
"Biniro lang kita, maaga akong pinauwi ngayon, wala naman kasi masyadong ginagawa dun eh, last day lang halos na-publish yung mga dapat i-publish kaya naman wala silang hinahabol ngayon na deadline," sagot naman niya.
"Pinapakumusta ka pala ng Daddy mo," dagdag pa niya.
"Pakisabi I'm fine," sagot ko naman.
Door bell ulit.
"Ako na magbubukas," sabi ni Grey sabay tayo.
Pagbalik niya eh medyo nagulat ako dahil kasama na niya si Mommy.
"Athea, anak, kumusta na?" Sabi niya sabay halik sa pisngi ko.
"I'm fine, Ma," sagot ko naman.
"Buti naman nandito si Christian para naman asikasuhin ka," sabi pa niya.
BINABASA MO ANG
Committedly Inlove at a Tragic Moment
Jugendliteratur✍︎ 𝙱𝙾𝙾𝙺 𝙾𝙽𝙴 𝙵𝙸𝙽𝙸𝚂𝙷𝙴𝙳 ☘︎ ✰ 𝗖𝗢𝗠𝗣𝗟𝗘𝗧𝗘𝗗 ✰ -- A Watty's 2020 Nominee -- Grey and Athea was the bestest of friends when they were young but something has change when Grey left the Phillipines to study abroad. Athea was left dumb...