Madilim na nung dumating sina Mommy at Daddy kasama si Tita Dianne.
Malapit na ring matapos yung mga niluluto sa kusina. Samantalang ako heto, kaharap si Leigh sa may garden ng bahay namin.
Nakilala ko nga siya nung malapit na ako mag-first year. Naging classmate ko pa nga siya dati eh. Kaso nung natapos na kaming mag-Second year eh lumipat siya ulit sa Japan.
Business partners ang parents namin. Kaya naman di na ako nagulat nung kulang na lang eh ipakasal nila kami ng wala sa oras.
"Kumusta ka na Athea? Are you doing good?" Tanong sakin ni Leigh.
"Yeah. I'm fine," sagot ko naman habang sinusundan ng tingin si Grey na dumaan bigla sa harap namin.
"Dito ko balak mag-college," sabi pa ni Leigh.
"Really? That's great," sabi ko naman, wala akong ibang maisip na isasagot.
Nakita ko naman sina Mommy at Daddy na pasimpleng tumatanaw samin mula sa sala. Si Ate Jasmine naman eh napatitig lang samin. Tinitigan niya ako ng makahulugan.
Nakita ko si Grey na kausap si Amethyst sa may kusina. Nakangiti pa si Grey habang kausap si Amethyst, maya-maya pa ay nakita ko silang nagtatawanan.
"Athea?" Tawag sakin ni Leigh.
"Sorry. What?" Tanong ko naman.
"I'd like to take the same course as yours. Same school din tayo papasok," sabi ni Leigh.
Huminga ako ng malalim. In love ba to o obsessed?
"Uhm.. Good. At least makakasama na kita," sabi ko naman.
Ngumiti naman siya.
"Do you still like me Athea?" Tanong niya bigla sakin.
"I- I don't know," sagot ko naman bago ko pa napigilan ang sarili ko.
Yumuko naman si Leigh.
"I still love you Athea. Kahit ilang taon din tayong di nagkita di ka pa rin mawala sa isip ko," sabi niya.
Di ako nakasagot. Namumula na ako sa pagkapahiya.
"I really- well, thanks," sagot ko naman.
"I'll understand kung ayaw mo pang magpaligaw, alam ko na busy ka sa school niyo. But I'll wait for the right time," sabi niya na nakangiti.
Napangiti na lang ako ng alanganin. Gusto ko sabihin sa kanya na wala akong nararamdaman sa kanya aside sa friendship. As in WALA. Pero ayoko naman siyang mapahiya. At malamang pag sinabihan ko tong di ko siya mahal eh para na rin akong nakipag-break sa kanya. Buhay nga naman...
"Dinner na raw po Ma'am Athea," sabi ng isang boses sa likuran ko.
Napalingon ako, si Grey lang pala.
Wait...
Po?!
Ma'am Athea?!
"Tara na sa loob Athea," sabi ni Leigh.
"Susunod na lang ako. Mauna ka na, may kukunin lang ako," sabi ko naman.
Nung nakaalis na si Leigh eh saka ko hinarap si Grey.
"It's urgent Ma'am Athea. Kailangan niyo na dung pumunta," sabi pa niya.
"Kelan mo pa ako tinawag na Ma'am Athea?" Irita at nagtataka kong tanong.
Di siya sumagot.
"At kelan ka pa nag-po sakin?" Dagdag ko pa.

BINABASA MO ANG
Committedly Inlove at a Tragic Moment
Teen Fiction✍︎ 𝙱𝙾𝙾𝙺 𝙾𝙽𝙴 𝙵𝙸𝙽𝙸𝚂𝙷𝙴𝙳 ☘︎ ✰ 𝗖𝗢𝗠𝗣𝗟𝗘𝗧𝗘𝗗 ✰ -- A Watty's 2020 Nominee -- Grey and Athea was the bestest of friends when they were young but something has change when Grey left the Phillipines to study abroad. Athea was left dumb...