(A/N: Flashback po ito mga ante ah.)
"Bakit niyo inaaway si Grey?!" Sabi ko naman habang tumatakbo ako papunta kay Grey na nakayuko lang.
"Anak kasi siya ng katulong eh! He's dirty and poor!" Sabi nung isa kong classmate.
Tumayo ako sa harap ni Grey.
"Wala kayong pakialam kung anak siya ng katulong! Maganda namang trabaho yun! At ang mahalaga eh hindi niya yun kinakahiya! Kesa naman sa inyo na puro panlalait ang alam!" Sigaw ko naman.
"Tara na nga, wala kaming oras makipag-usap sayo! Spoiled brat!" Sabi nung classmate ko dun sa mga kasama niya sabay talikod at alis.
Agad naman akong humarap kay Grey na umiiyak pa rin.
"Okay ka lang? Sabi ko naman sayo na dito ka lang sa tabi ko eh.." Sabi ko sabay bunot ng extra kong panyo at binigay ko yun sa kanya.
Inakay ko siya palabas ng grounds. Umupo kami sa ilalim ng isang puno. Pero si Grey iyak pa rin ng iyak.
"Grey. Wag ka nang umiyak oh.. Wag mo silang pansinin. Smile ka na," sabi ko.
Pero wala..
Naghalungkat ako sa bag ko. Nakakuha ako run ng isang candy at binigay ko yun sa kanya.
"Eto oh.. Wag ka nang umiyak.." Sabi ko naman sabay abot sa kanya nung candy.
"Thanks," sabi niya at medyo bumawas na yung pag-iyak niya.
"Basta wag mo silang papansinin okay? Tsaka wag kang aalis sa tabi ko.. Alam mo naman na maraming bully dito sa school natin eh," sabi ko naman.
Tumango lang siya.
Sumandal ako sa puno at nag-isip. Pa'no ko ba to papasayahin si Grey?
Then biglang pumasok sa isip ko ang isang idea..
"Tara!" Sabi ko sabay hawak sa kamay niya at diretso takbo.
"San tayo pupunta?" Tanong sakin ni Grey.
"Basta, bilisan mo, para makabalik agad tayo sa school, baka pagalitan tayo ni Mommy kapag di niya tayo naabutan dun," sabi ko.
Maya-maya pa ay tumigil na ako..
"Nakakain ka na dito?" Tanong ko.
Tiningala naman niya yung fastfood chain na nasa harap namin.
"Hindi pa," sabi niya sabay yuko.
"Tara!" Sabi ko at inakay ko na siya papasok.
"Ate dalawa pong float tsaka dalawang fries!" Sabi ko sa counter.
Ngumiti sakin yung babae. "Dadalhin ko na lang sa table niyo ha? Sige upo na kayo dun," sabi niya.
Inaya ko naman siya sa table.
"Ang tawag dito McDo. Bawal naman ako dito papuntahin ni Mommy kaso pumupuslit ako minsan. Masarap kasi dito eh," sabi ko.
"McDo?"
"Oo! Meron sila ditong chicken, burger, fries, spaghetti, tsaka marami pa, kukulangin daliri ko," sabi ko sabay tawa.
Nakahinga naman ako ng maluwag nung nakita ko na siyang ngumiti ng konti.
Dumating na yung order namin. Yung nagdala naman nung order namin eh binigyan ako ng isang maliit na laruan. "Para diyan sa kaibigan mo," sabi niya sakin sabay ngiti.
"Ito yung fries," sabi ko sabay taas ng box nung fries.
"Ito naman yung float. Softdrinks yan na may vanilla ice cream at chocolate syrup sa ibabaw," sabi ko naman sabay taas din nung float.
BINABASA MO ANG
Committedly Inlove at a Tragic Moment
Fiksi Remaja✍︎ 𝙱𝙾𝙾𝙺 𝙾𝙽𝙴 𝙵𝙸𝙽𝙸𝚂𝙷𝙴𝙳 ☘︎ ✰ 𝗖𝗢𝗠𝗣𝗟𝗘𝗧𝗘𝗗 ✰ -- A Watty's 2020 Nominee -- Grey and Athea was the bestest of friends when they were young but something has change when Grey left the Phillipines to study abroad. Athea was left dumb...