Athea's P.O.V.
"Wala nga ako sa mood sumama!" Sabi ko naman sabay takip ulit ng kumot sa katawan ko.
"Bubuhusan kita ng tubig pag di ka sumunod," sabi sakin ni Grey.
"Eh di gawin mo," sagot ko.
"Sumama ka na nga!" Sabi niya sabay hawak sa paa ko sabay kaladkad sakin. Binitawan niya lang ako nung bumagsak na ako sa sahig.
"Gising ka na?" Tanong sakin ni Grey.
Inirapan ko lang siya sabay pulot ng tuwalya sa cabinet ko. Pagtingin ko sa relo eh alas-tres pa lang pala ng umaga.
"Four ang misa. Sasama si Mama and ang parents mo, they'll be here any moment kaya maligo ka na," sabi niya.
Hindi ako sumagot. Dumiretso na lang ako sa CR at pabalibag kong sinara yung pinto.
"And let me remind you to be nice with your parents," tawag ni Grey mula sa kabilang side ng pinto.
Pumikit ako at nagkuyom ng kamay. "PWEDE BA GREY!? KAKASIMULA PA LANG NGA NG ARAW KO SINIRA MO NA AGAD. PWEDENG WAG MO NANG DAGDAGAN ANG INIS KO SAYO?!" Sigaw ko naman.
Hindi na siya sumagot. Maya-maya pa ay nakarinig na ako ng pintong isinasara.
"Bwisit," bulong ko habang nagpapalit na ako ng damit.
"Athea-"
"Di'ba sabi ko sa'yo-" Pero natigilan ako pagkaharap ko. Si Tita Clarisse pala.
"Ay pasensya na po. Masama lang po gising ko. Ano po yun?" Tanong ko.
"Nakahanda na yung breakfast. Nandiyan na rin ang parents mo," sabi niya.
"Sige po. Susunod na lang po ako," sagot ko naman.
Napaluhod na lang ako sa sahig. Argh.. Magpapacheck up na ako. Ang bilis tumaas ng inis ko. Huminga ako ng malalim.
Pagkababa ko sa kitchen eh naabutan ko sina Mommy at Daddy dun. Lahat sila eh nakaupo na at kumakain ng breakfast.
"Kain na anak," sabi sakin ni Mommy.
Natigilan ako. May bakanteng upuan sa pagitan nina Mommy at Daddy. May bakante ring upuan sa pagitan nina Tita Clarisse at kay Grey. At wala akong gustong tabihan ni isa kina Grey or sa parents ko.
"Upo na Athea," sabi ni Grey na di tumitingin sakin.
Medyo stiff ang boses niya kaya napatitig ako sa kanya ng ilang segundo.
Umupo na lang ako sa gitna nina Grey at Tita Clarisse.
"We're planning to have a vacation, maybe out of the country. Matagal-tagal na rin nating di nabibisita si Tita Jena mo," sabi ni Dad.
Tumitig lang ako sa kanya.
"Sasama ang Mommy mo," dagdag ni Daddy.
"Ayoko sumama," sagot ko naman.
"Athea-"
"Madali ako magkasakit sa biglaang palit ng weather. Winter ngayon sa Japan," sagot ko naman.
"Athea, just please-"
"At ayokong sumama kung wala man lang akong mapapala kundi pagtatalo niyo," sagot ko sabay tayo.
"Athea-" simula ni Grey pero di ko na siya pinatapos pa.
"Lalabas lang ako," sabi ko.
Pumikit ako at nagkuyom ng palad. Halos dalawang oras pa lang na nakakasimula ang araw ko sira na agad.
BINABASA MO ANG
Committedly Inlove at a Tragic Moment
Genç Kurgu✍︎ 𝙱𝙾𝙾𝙺 𝙾𝙽𝙴 𝙵𝙸𝙽𝙸𝚂𝙷𝙴𝙳 ☘︎ ✰ 𝗖𝗢𝗠𝗣𝗟𝗘𝗧𝗘𝗗 ✰ -- A Watty's 2020 Nominee -- Grey and Athea was the bestest of friends when they were young but something has change when Grey left the Phillipines to study abroad. Athea was left dumb...