Chapter 9: Unexpressed Feelings

22 28 0
                                    

Grey's P.O.V.

Lumipat na sa bahay namin si Athea the next day. Nanghihina pa rin siya kaya kahit malapit lang naman ang bahay namin eh kinailangan pa namin siyang pasakayin sa kotse.

"Gusto ko po kina G-Grey."

Naalala ko na naman yung sinabi niya. Hindi ko maiwasan na magtaka at matuwa at the same time. Himala naman kasi na sa dami ng pwede niyang puntahan sa amin pa talaga ang gusto niya. Pero masaya naman ako nung sinabi niya yun, para naman kahit papano eh araw araw ko siyang makakasama dito sa bahay.

"Feel at home," sabi ko naman nung nakaupo na siya.

"Thanks," sagot naman niya.

"Kukunin ko lang mga gamit mo okay?" Sabi ko.

Pumunta ako sa kotse at dun ako kinausap ni Tita Karla.

"Christian. Thank you for everything na ginagawa mo para sa anak ko. I know that mahirap pagsabayin ang pagiging PA at estudiyante. Thank you very much. Alam ko na madalas mong bisitahin si Yvian para lang ipagluto siya," sabi niya.

"Wala pong anuman Tita. Basta kay Athea po eh ayos lang sakin. Ayaw niyo na po bang tumuloy?" Tanong ko.

"Wag na siguro. Mukhang ayaw ako makita ni Yvian as of the moment, mauuna na ako. Salamat talaga," sabi ni Tita.

"Sige po, mag-iingat po kayo," sagot ko.

Pagkapasok ko sa bahay eh naabutan ko si Athea na kumakain ng prutas.

"Kelan ka last time na kumain ng prutas? Buhay pa kaya yung binilhan mo?" Tanong ko sabay ngiti.

"Shut up," sagot naman niya.

"Aww.. May sakit ka na nga ganyan ka pa rin. Baka di ka niyan tanggapin sa heaven," sabi ko.

"Mas gugustuhin ko pang ma-stranded sa purgatoryo kesa naman makasundo kita!" Sabi pa niya.

Nagbago nga si Athea. Pero isa to sa good side ng pagbabago niya. Pilit niya akong tinataboy, ako naman eh approach nang approach sa kanya. Challenge para sakin na mabalik ang dating Athea.

Nakita kong napako ang tingin niya sa mga pictures sa ibabaw ng desk namin sa sala. Majority ng mga pictures dun eh mga childhood pictures namin. Agad naman siyang tumingin palayo.

"Yung unang kwarto sa kanan pagka-akyat mo ang magiging kwarto mo. Pasensya na at di yun kasing-laki ng kwarto mo dun sa mansion niyo, pero maaliwalas dun," sabi ko.

"Okay lang. Di naman ako maarte," sagot niya sabay tayo.

"Kaya mo na ba?" Tanong ko sabay lapit sa kanya.

"Again, don't touch me," sabi niya na umilag sa kamay ko. "Kaya ko mag-isa," dugtong pa niya.

Napatitig na lang ako sa kanya. Hirap nga naman kapag masyadong mataas ang pride...

"Safety mo lang ang iniisip ko kaya please? Pwede babaan mo naman ang pride mo? I'm trying to help-"

"I don't need your help," sagot niya agad.

Pinadaanan ko siya ng matalim na tingin.

"Aakyat na ako," sabi niya sabay nanghihinang naglakad paakyat ng hagdan.

Wala akong ibang nagawa kundi sundan siya ng tingin. Never kong in-expect na magiging ganito ka-sour ang trato niya sakin. Kung hindi lang mahaba ang pasensya ko eh baka ano nang nagawa ko sa kanya.

Di ko maiwasan na hindi maalala yung dating siya. Nung bata pa kami at parati kaming magkasama. Nung magkasundo pa kami at nung parati niya akong pinoprotektahan. I admit na nami-miss ko na ang dating Athea.

Committedly Inlove at a Tragic MomentTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon