Chapter 37: Sooner or Later

11 26 0
                                    

Athea's P.O.V.

A day before our graduation.

"Mommy! May good news ako!" Sabi ko naman at patakbo akong pumasok sa bahay.

"What is it anak?" Tanong naman ni Mommy.

"I'm the batch Salutatorian Mommy! Si Grey po yung Valedictorian," sagot ko naman.

"Naku, congrats! Ang galing talaga ng anak ko. Lapit ka dito't bibigyan kita ng hug," sabi ni Mommy.

Lumapit naman ako sa kanya at niyakap niya ako ng mahigpit.

"Attend po kayo bukas ah? Kayo ni Daddy," sabi ko.

"Of course anak, we will. Pasabi rin na congrats kay Grey," sabi ni Mommy na nakangiti.

"Thanks Ma. I love you po," sabi ko.

"I love you too, anak," sagot naman ni Mommy.

Almost one week nang nandito sa bahay si Mommy. Nag-leave siya sa kumpanya at dito na siya nag-stay sa bahay. Kaya naman siya na ang nag-aasikaso sakin at sa mga gawain dito sa bahay.

"What do you want anak?" Tanong ni Mommy.

"Pumunta lang po kayo okay na ako," sabi ko naman.

Sakto naman nun yung pagpasok ni Ate Jasmine mula sa kusina. "Ba't nagkakagulo dito?" Tanong niya na may suot pang apron.

"I'm the Salutatorian Ate Jas," sabi ko na nakangiti.

"Woah! Congrats! Galing mo talaga. You are really a Hye-Rin! Don't worry, ako na bahala sa reception," sabi niya sabay ngiti.

Nagkatitigan sila ni Mommy for a few seconds. Medyo nag-iba yung aura ni Ate Jasmine. Pero pagbaling niya sakin eh nakangiti na ulit siya.

"I'm very happy for you Bunso, good job," sabi niya sabay gulo sa buhok ko.

"And you can tell Grey na pwede na nating pag-isahin ang celebration niyong dalawa, I will invite my officemates and you can invite your classmates," sabi ni Mommy.

"Sige po Mommy," sabi ko naman. "Pupunta po ulit ako ng school. May inaasikaso lang po kasi ako," sabi ko naman sabay labas ulit ng bahay.

Napatakbo kasi ako palabas ng school nung nalaman kong ako yung Salutatorian. Naiwanan ko gamit ko kay Grey sa sobrang excitement.

Di ko naman maiwasang di matuwa. Of course kahit Salutatorian lang nakuha ko eh malaking achievement na yun, tsaka alam ko naman na deserve talaga ni Grey na maging Valedictorian. Baka nga kung hindi niya ako tinutulungan sa pag-aaral baka di nga ako pumangalawa sa kanya.

Pagkarating ko sa school eh halos nagkalat ang mga tao, palibhasa kasi wala nang pasok. Tsaka bukas na yung graduation namin kaya naman medyo busy na yung majority ng mga estudiyante rito.

"Hoy. Hayan na yung gamit mo. Bigla ka na lang nagtatatakbo kanina," sabi ni Grey na dala-dala yung sling bag ko.

"Thanks. Excited lang," sabi ko naman na nakangiti.

"Tara, kain tayo sa labas," sabi ni Grey sabay hawak sa kamay ko.

"McDo na naman?" Tanong ko.

"Eh san mo gusto?" Tanong ni Grey sabay baling sakin.

"Bahala ka na. Okay lang kung McDo. Nag-iinarte lang ako," sabi ko naman sabay lakad. Tumawa lang si Grey.

"Sabi nga pala ni Mommy congrats daw, tsaka pag-isahin na lang daw natin yung celebration, sila na daw bahala," sabi ko.

"Talaga? Pasabi salamat," sagot ni Grey.

"Yeah, welcome. Nga pala, nalibre mo na ba classmates natin? Baka mamaya may maningil niyan sayo," sabi ko naman.

Committedly Inlove at a Tragic MomentTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon