Nagising ako na umiikot ang paningin. Kinusot ko yung mata ko at after niyang luminaw eh nakita ko na nasa kwarto ako ni Grey. Wala akong natandaan sa mga nangyari kagabi. Masakit lang na ulo ang napala ko.
"Gising ka na pala," si Grey, nakatayo sa pinto ng kwarto, shirtless.
Biglang nag-init yung pisngi ko.
"Uhh.. Sorry.. Dinala mo pa ko dito kagabi. Sorry sa abala," sabi ko naman sabay ayos sa sarili ko, pero napansin kong may mga pula-pula ako sa katawan ko.
Tinitigan ako ni Grey. "Wala ka bang naaalala kagabi?"
Biglang kumabog yung dibdib ko. "Huh? Nag-inuman lang naman tayo diba? May ginawa pa ba tayo?" Tanong ko naman.
Tinitigan niya lang ako.
"Uhm, sorry sa abala, kailangan ko nang umalis," sabi ko sabay tayo.
Pero sa pagtayo ko eh biglang sumakit yung buo kong katawan at pasubsob akong nadapa sa sahig. Napapikit ako sa sakit.
"Shet. Ang sakit ng balakang ko."
Pero bigla akong natigilan.
Masakit yung balakang pati buong katawan ko. May mga pula-pula pa ako sa katawan ko.. Di kaya nag-
.. No.. No..
Sinubukan kong tumayo pero na-out of balance lang ako at sinalo na ako ni Grey. Medyo na awkward ako kasi nakapulupot yung kamay niya sa katawan ko at nakasubsob ako sa dibdib niya.
"Wag kang gagalaw masyado. Alam kong masakit pa yang katawan mo," pilyo niyang bulong sa tenga ko.
"Let go of me!" Sabi ko naman pero masakit talaga yung katawan ko, lalo na yung balakang, ang sakit talaga...
Huminga ako ng malalim.
"W-wala ka bang painkiller? Ang sakit talaga ng katawan ko." Namumula kong sabi.
Tumawa lang si Grey. "San ba masakit?"
"Lahat. Lalo sa balakang. Ano ba kasi nangyari kagabi? Nalaglag ba ako?" Tanong ko naman.
"Di ka nalaglag," sabi ni Grey sabay alalay sakin na makahiga ulit.
"Then what?" Tanong ko.
"Wala ka talagang naaalala?" Tanong ni Grey.
"Wala nga eh. Kulit kulit," sabi ko naman.
"Hayy. Then wag mo na munang alalahanin. San ba masakit? Gusto mo himasin ko?" Pilyong tanong ni Grey.
"Yah! Painkiller lang kailangan ko!" Sabi ko naman.
Pero hinalikan niya lang ako sa pisngi. "Sana makaalis yan ng sakit ng katawan. Pasensya na, kasalanan ko kung bakit ganyan ang katawan mo ngayon. Ikaw kasi eh, tsk tsk..."
"First time mo pala di ka nagsabi..." Narinig kong bulong niya.
"WHAT?!"
"Wala. Nevermind. Gusto mo hug na lang kita para maalis yang sakit ng katawan mo?" Sabi ni Grey.
Ewan ko ba pero imbes na mainis, parang gumanda pa yung mood ko lalo. Wala lang, ang lambing kasi ng boses ni Grey tsaka alagang-alaga pa ko. Napangiti na lang ako ng palihim.
"Mag t-shirt ka kaya muna?" Sabi ko naman sabay usog.
"Sus ilang beses mo naman nang nakita to eh," sabi naman ni Grey.
"Eh kahit na," sabi ko naman.
"Saka na lang. Bilis, hug na kita," sabi niya at pinulupot na niya yung kamay niya sa katawan ko sabay haklit sakin palapit sa kanya.
BINABASA MO ANG
Committedly Inlove at a Tragic Moment
Teen Fiction✍︎ 𝙱𝙾𝙾𝙺 𝙾𝙽𝙴 𝙵𝙸𝙽𝙸𝚂𝙷𝙴𝙳 ☘︎ ✰ 𝗖𝗢𝗠𝗣𝗟𝗘𝗧𝗘𝗗 ✰ -- A Watty's 2020 Nominee -- Grey and Athea was the bestest of friends when they were young but something has change when Grey left the Phillipines to study abroad. Athea was left dumb...