"No matter how hurtful it can be, the truth must be told, because it was only the truth that can set you free from the grasp of the deceiving lies in this world."
- Anonymous
•••
Athea's P.O.V.
"Thank you very much. Goodnight once again. Mabuhay po tayong lahat." Kasabay nun ay ang palakpakan ng daan-daang tao na nasa harapan ko.
It was our graduation, at kakatapos ko pa lang i-deliver ang speech ko. Panay palakpak sakin si Grey na katabi ko lang sa upuan, may designated seats kasi ang Top 10, nasa likod naman namin yung parents namin.
Pababa na ako sa stage at ngiting-ngiti sakin sina Grey, Tita Clarisse, at ang parents ko.
"Uy congrats. Galing ng speech ah, nosebleed ako," sabi naman ni Grey sabay hampas sa balikat ko.
"Oo na. Kakabahan ka ring loko ka," sabi ko. Malapit na rin kasing mag-speech si Grey.
Si Ate Jasmine naman eh nasa gilid ng crowd, kasama niya si Charles, silang dalawa yung taga-kuha ng picture namin. Kumaway naman sila sakin nung nabaling ako ng tingin sa kanila.
"And now the Valedictory Speech will be delivered to us by the Batch Valedictorian, Mr. Christian Grey Azrael," sabi naman nung MC.
Pumalakpak naman kami. Tumayo na si Grey at naglakad papunta sa stage.
Well, usual na laman ng mga Valedictory Speech lang naman ang laman ng speech ni Grey. But of course nakikinig naman ako. Pero medyo nagulat ako dun sa part na nagpapasalamat na siya.
"And above all, I would like to express my gratitude to all the people who helped me to pave my way toward success. First of all to the Hye-rin's for trusting us not just with professional matters but with personal matters as well," pinadaanan ako ng tingin ni Grey. "Thank you, you were the ones who helped us during our darkest hours. And of course to my mother who is always at my back. For taking care of me, for working tirelessly so that I can attend a good school. Thank you and I love you Ma. And even though Papa's already gone, I know he's always with us. I dedicate this achievement to both of you," sabi ni Grey.
Ngumiti naman ako. Alam ko na mahirap ang sitwasyon ni Grey ngayon na wala siyang tatay. Kahit papano eh naramdaman ko rin kung ano ang nararamdaman niya. Lalo na nung mga panahon na pakiramdam ko eh iniwan na ako ng lahat.
"... To God be the glory! Good evening." Pagtatapos ni Grey sa speech niya. Pumalakpak naman kami.
Pagkaupo ni Grey eh sinuntok ko siya ng marahan sa braso niya. "Senti," sabi ko sabay tawa.
Ngumiti lang siya sakin.
Bigla akong na-excite nung nagsimula na yung awarding.
"The Batch Salutatorian goes to Athea Yvian Seki Hye-Rin. The ribbon and medal of honor will be given to her by her parents," sabi nung adviser namin.
Agad ko namang hinawakan sa kamay sina Mommy at Daddy sabay lakad papunta sa stage. Di ko mapigilang ngumiti. Isa to sa pinakamasayang part ng buhay ko sa high school, dahil after almost four years, naramdaman ko na nabuo na ulit yung pamilya namin.
Nag-thumbs up sakin si Ate Jasmine na nagte-take ng mga pictures. Nakangiti naman sakin si Grey. At that very moment, wala na akong mahihiling pa.
After matapos ng event eh nauna na kami ni Grey na umuwi sa bahay. Naiwan yung parents namin kasi ininvite pa nila yung mga teachers namin para sa dinner. Ininvite na rin namin yung ilan naming classmates. At sabi ni Ate Jasmine eh may mga bisita na sa bahay namin. Mostly nga katrabaho nina Mommy at Daddy sa publishing house.
BINABASA MO ANG
Committedly Inlove at a Tragic Moment
Teen Fiction✍︎ 𝙱𝙾𝙾𝙺 𝙾𝙽𝙴 𝙵𝙸𝙽𝙸𝚂𝙷𝙴𝙳 ☘︎ ✰ 𝗖𝗢𝗠𝗣𝗟𝗘𝗧𝗘𝗗 ✰ -- A Watty's 2020 Nominee -- Grey and Athea was the bestest of friends when they were young but something has change when Grey left the Phillipines to study abroad. Athea was left dumb...