[ Another flashback. This is the scene kung saan last day na ni Athea sa Pilipinas. ]
"Ready ka na? Papunta na rin dito sina Tito and Tita," Tanong sakin ni Ate Jasmine.
Tumango naman ako.
Ngayon na kasi ang alis namin papunta ng Japan. Dun na ako mag-aaral at kailangan ko na munang lumayo dito sa Pilipinas. Kailangan ko munang ayusin ang sarili ko.
"But first, may-may gusto sana akong puntahan," sabi ko.
"Saan?" Nagtatakang tanong ni Ate Jasmine.
"G-gusto ko lang sana magpaalam kay- kay Grey. Madali lang ako Ate Jasmine," sabi ko.
Pinisil naman niya ako sa balikat.
"Goodluck," sabi naman ni Ate Jasmine na nakangiti.
Lumabas na ako ng bahay. Tinawagan ko na si Grey na magkita kami sa dati naming pinupuntahan.Hapon na ngayon at medyo malamig na. Mamula-mula na ang langit dahil sa papalubog na yung araw.
Nakarating na ako sa park na pinagdalhan sakin ni Grey dati. Paglibot ko ng tingin eh agad ko naman siyang nakita na nakaupo. Lumapit naman ako sa kanya.
"Grey." Tawag ko sa kanya.
Umikot siya ng tingin. Pagkakita niya sa ayos ko eh medyo nawala yung ngiti niya sa labi.
"Aalis ka na talaga?" Tanong nito sakin.
"Yeah. Kailangan eh," sabi ko naman.
Huminga ng malalim si Grey...
"Babalik ka naman agad diba?" Tanong sakin ni Grey.
"Mm.. I really don't know. Baka matagalan ako sa Japan. Mag-aaral din kasi ako dun. Ngayon pa lang hihingi na ako ng sorry kung sakali man na hindi na ako makikipag-contact sayo. Kailangan ko lang talaga ng space," sabi ko naman.
"Yeah, I know. Alam ko kasalanan ko kung bakit aalis ka ngayon. I'm sorry," sabi ni Grey.
"Nah. Okay lang yun. Basta ang mahalaga, kahit ga'no man ako katagal manatili dun sa Japan, ito parati ang tatandaan mo, babalik at babalik ako," sabi ko naman at ngumiti ako kay Grey.
"Nga pala, dalhin mo to," sabi niya at inabot niya sakin yung smiley na binigay ko sa kanya nung mga bata pa kami.
"Ba't mo na sakin to sinosoli?" Tanong ko.
"Para naman di mo makalimutan na ngumiti. Baka kasi pag nandun ka na makalimutan mo na naman ang process ng pag-smile," sabi ni Grey.
"Di ko naman kakalimutan na ngumiti. Kailangan ko lang talagang ayusin ang buhay ko. Sabi ko naman sayo diba na di ko naman agad agad makakalimutan lahat ng nangyari? Mahal kita Grey pero kailangan kong magsimula ulit, kailangan kong buuin ang sarili ko, para naman pag minahal kita, pwede mo ko mahalin nang buo," sabi ko naman.
"Can I just hug you?" Sabi ni Grey.
Tumitig ako sa mga mata ni Grey. Bakas dun ang matinding kalungkutan.
"Please. Let me hug you, for the last time," sabi pa ni Grey.
Lumapit ako sa kanya at niyakap ko siya nang mahigpit. Naririnig ko na nagpipigil ng luha si Grey. Maging ako man ay namamasa na ang mga mata.
"Mami-miss kita Athea," sabi ni Grey.
"Mami-miss din kita," sabi ko naman.
Bumitaw na ako mula sa pagkakayakap ni Grey.
Tumayo na ako. "Promise mo na magiging good boy ka ah. Be good kay Tita Clarisse and take good care of the company!" Sabi ko.
Tumango naman si Grey. "Promise!"
Ngumiti naman ako.
"Kahit ano mangyari always remember na hinding-hindi kita kakalimutan. Kasi ikaw ang taong mahal ko, at ikaw ang pinakamakulit kong PA sa buong buhay ko. From this day forward, you are now free from my slavery," sabi ko na nakangiti.
Tumawa lang ng marahan si Grey. "Willing ako magpaka-alipin, basta ikaw ang amo ko."
Tumawa lang ako.
"Bye. Ingat ka parati," sabi ko at tumalikod na ako.
Pero di pa ako nakakalayo nung naramdaman kong tumakbo papunta sakin si Grey at bigla niya akong hinaklit paharap sa kanya.
And then our lips met.
Tumigil yung oras at biglang tumahimik yung paligid. Humawak ako kay Grey dahil nawalan ako ng lakas bigla. If this is a dream, ayoko nang magising pa.
"I love you Athea," bulong niya sa tenga ko.
Ngumiti naman ako ng malamlam.
"I love you too Grey."
Tumalikod bigla si Grey. "Umalis ka na."
"Huh?"
"Ayaw kitang makita umalis. Umalis ka na! Habang nakapag-pigil pa ako. Kapag humarap ako, baka di ko mapigilan sarili ko, baka di na kita pakawalan. Umalis ka na please." Sabi ni Grey
Umatras na ako at naglakad palayo...
A few meters apart eh muli akong humarap kay Grey. Humihip yung hangin at nagliparan yung mga dahon sa paligid namin. Huminga ako ng malalim at hindi ko na kinubli yung mga luha ko.
"Grey, babalikan kita."
Humarap na sakin si Grey. Ngumiti naman siya nang konti.
"Maghihintay ako, Athea. Hihintayin kita."
To be continued...
TIME STARTED: March 24, 2020 | 11:55 PM
PUBLISHED: August 19, 2020 | 8:17 PM
FINISHED: September 13 | 4:00 PM
❏ ❐ ❏ ❒ ❏ ❐ ❏ ❐ ❑ ❒ ❏
A/N:
Huhu guyz so yun nga tapos na siyaaaaa and happy po ako kasi nairaos ko itong story na to kahit unti lang nagbabasa I know naman na may mga silent readers diyan kaya yun salamat sainyo don't worry may special chapter pa to! Comment naman kayo kung anong oras niyo to natapos tapos favorite line ng kahit sinong characters naten hehe request ko lang naman!
Date | Time | Favorite Line
Vote (kung worth it basahin)
Comment (kung may gustong sabihin)
Follow (kung gusto niyo lang naman)
@Blue_Peppermint (alam niyo na yan HAHAHA)
— Blue_Peppermint💙
BINABASA MO ANG
Committedly Inlove at a Tragic Moment
Teen Fiction✍︎ 𝙱𝙾𝙾𝙺 𝙾𝙽𝙴 𝙵𝙸𝙽𝙸𝚂𝙷𝙴𝙳 ☘︎ ✰ 𝗖𝗢𝗠𝗣𝗟𝗘𝗧𝗘𝗗 ✰ -- A Watty's 2020 Nominee -- Grey and Athea was the bestest of friends when they were young but something has change when Grey left the Phillipines to study abroad. Athea was left dumb...