Chapter 10: Shattered Into Pieces

19 28 0
                                    

Athea's P.O.V.

Walang araw na hindi kita inisip. Walang araw na dumaan na hindi ako nag-alala sayo. Walang araw na dumaan na hindi ko hiniling na bigla ka na lang babalik sakin. Pero umasa lang ako.. Umasa, nabigo, nasaktan.. I'm left with nothing but the crumpled pieces of my heart..

Magmula nung umalis si Grey eh parati na akong nag-iisip sa kanya. Minsan eh tinatawagan ko si Tita Jena pero hindi sa kanya nasasakto ang tawag ko..

"Grey?" Sabi ko sa telepono.

"Yvian!! Kumusta na?" Sagot sakin ni Grey na nasa kabilang linya.

"Okay lang ako. Kumusta na diyan?" Tanong ko naman.

"Okay lang din. Heto medyo busy sa pag-aaral pero nakapag-adjust naman ako na," sagot niya.

"Wala ba diyang umaaway sayo?" Tanong ko.

"Wala naman. Tsaka big boy na ako," sagot niya sabay tawa.

"Sana nandito ka Yvian," sabi niya.

Hindi ako nakasagot.

"Yvian? May problema ba?" Tanong niya.

"Wala. Wala. Ayos lang ako," sabi ko na nagpupunas ng luha.

Kung alam mo lang kung gaano kasakit ang pinagdadaanan ko ngayon...

Namimiss ko na siya. Hindi sapat ang boses niya para sakin. Gusto ko siyang makita at mahawakan. Gusto ko ng masasandalan.

Sana nandito ka rin Grey...

Bulong ng isip ko. Nung mga panahon kasing yun eh nagsisimula nang magkalamat ang relasyon nina Mommy at Daddy.

Pinaghinalaan ni Mommy si Daddy na nambababae at nasakto pang napag-alaman ni Mommy na may nawawalang mga pera sa kumpanya. Hindi naman pinagbibintangan ni Mommy si Daddy pero mukhang na mis-interpret yun ni Dad. Dun na sila nagsimulang mag-away na mas lalo lang na nagpalala ng sitwasyon.

Nasa iisang bahay pa rin naman kami nun nakatira. Pero ramdam mo na yung lamig at yung pakiramdam na unti-unti nang bumabagsak ang pamilya niyo. Buti nga at nandun si Tita Clarisse para pagaanin ang loob ko.

Hanggang dumating yung araw na kinakatakutan ko...

"Wala lang naman papupuntahan tong pagtatalo na to Karla! Aalis na lang ako!" Sabi ni Dad.

"Sige! Umalis ka! Dun ka tumuloy sa babae mo!" Sagot naman ni Mommy.

Nag-aaway na naman sila nun. At ang malala, mukhang maghihiwalay na sila.

Si Tita Clarisse naman eh nasa kwarto ko. Pilit niyang tinatakpan ang tenga ko pero naririnig ko pa rin ang pagtatalo ng parents ko. Iyak lang ako dun ng iyak. Sumasakit na rin yung dibdib ko.

"Sshh.. Magkakasundo rin sila," sabi niya sakin.

Nung hindi pa rin tumatahimik yung dalawa eh agad namang lumabas si Tita Clarisse.

"Alam ko po wala akong karapatang makialam sa pamilya niyo. Pero maawa naman po kayo sa bata! Naririnig niya kayo! Wag niyong hintayin yung araw na magtanim siya ng galit sa inyo!" Sabi niya.

Tumayo naman ako sa may pintuan at tinanaw ko sila.

Dun lang natigilan yung dalawa.

"I'm sorry Clarisse," sabi ni Mommy.

Then bumaling siya sakin.

"Tara na anak, sasama ka sakin," sabi niya.

"No. Sakin siya sasama," sabi naman ni Dad.

Committedly Inlove at a Tragic MomentTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon