Characters (in relation to MBBA):
Lyka Nadine Santiago - Lance and Nadine's daughter
Keith Jeric de Chavez - Jasmine and Clark's son
Piper Marie de Chavez - Jasmine and Clark's daughter
Bliss Evelyn Castaneda - Kate and Alex's daughter
Blair Ericka Castaneda - Kate and Alex's daughter
Bendix Ericson Castaneda - Kate and Alex's son
Drake Vinston Samonte - Andrew and Vanessa's son
Valerie Antonette Samonte - Andrew and Vanessa's daughter
Dustin Casper Medina - Ralph and Camille's son
Craig Devin Medina - Ralph and Camille's son
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
Preview
Bumangon ako mula sa kama at umunat. Narinig ko ang pag-agos ng tubig mula sa shower sa banyo, na siyang pinasukan ni Keith kani-kanina lang. Sinuri ko naman ang sarili ko nung mga sandaling iyon, mula sa magulo kong damit, pati na rin sa buhok ko.
Teka lang, wala naman talagang nangyari sa amin diba? Siyempre, dapat walang mangyari. Hindi yun pwede. Dahil ayoko namang magkailangan kami ni Keith. Ayokong masira ang pagkakaibigan namin. Lalo na dahil mag-bestfriends kami.
Ayun na nga, hanggang bestfriends lang kami.
Ilang beses akong pwersahang umiling, pinagpapalo na rin ang pisngi ko para tuluyang matauhan.
Ano ba yan Lyka! Hindi ngayon oras para magdrama! Ayusin mo na kaya yang sarili mo no? Mukha kang sinugod ng bagyo sa itsura mong yan! (-_-)
Hinanap-hanap ko sa kwarto ang handbag ko, at nakita kong nakapatong iyon sa recliner na malapit sa kinauupuan ko. Naglakad ako papunta doon at madali itong kinuha. Dun ko naman napansin ang papel na nakaipit sa ilalim nito. Agad namang nanlaki ang mga mata ko nang mabasa ko ang mga nakalagda doon. Saktong-sakto, lumabas si Keith mula sa banyo, basa ang buhok at may suot na maluwag na t-shirt at pantalon.
"Oh, ano yang binabasa mo at mukhang takot na takot ka diyan?" Ang naguguluhang tanong niya, sabay lapit sa akin.
"K-Keith..." Umpisa ko, nanginginig ang boses. "Natatandaan mo ba ang mga nangyari kagabi?"
Napaisip siya at pinagkibit ang kanyang mga balikat.
"Nalasing tayo. Tapos tinulungan tayo ng manager na maka-book ng hotel room dito. Tapos nakatulog tayo pagkapasok natin. Ayun lang naman diba?" Tanong niya.
Ilang beses akong napailing, at inabot ko sa kanya ang papel, hinding-hindi talaga makapaniwala sa mga nabasa ko.
"Keith, hindi lang yun ang nangyari." Sabi ko, kabadong-kabado.
Binasa na rin niya ang papel, at mamaya-maya'y nanlaki na rin ang kanyang mga mata.
"J-joke lang 'to diba...?" Ang nag-aalinlangan niyang tanong, hindi na rin mapalagay.
Napabuntong-hininga ako at malungkot na umiling. This was definitely no joke. Hindi ko talaga alam kung paano nangyari ang lahat-lahat, pero meron na kaming proweba sa mga totoong naganap kagabi. Mga kaganapang sigurado akong pagsisisihan naming dalawa nang sobra-sobra.
"Keith, last night while we were drunk, WE GOT MARRIED BY ACCIDENT."
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
[Please click on the external link at the side to read the prologue of the My Boyfriend by Accident Sidestory, "Mutually Unrequited".]

BINABASA MO ANG
Married by ACCIDENT
Teen Fiction[Accidental Romances Series Book II] [Summary] Matagal nang in love si Lyka Santiago sa best friend at childhood friend niyang si Keith De Chavez. Malas niya lang dahil girlfriend naman ni Keith ang kaibigan niyang si Denise Raymundo. Pero siyempre...