Chapter 3
Enemy
Janice’s POV
Pagdating ko sa hotel at umaga na. Nagtext ako kay Kath na sunduin niya ako sa lobby ng hotel. Tinaasan ko ng kilay yung mga tumitingin sa akin. Ano bang kasi? Para namang ngayon lang sila nakakita ng maganda. Wala bang maganda dito, bukod sa akin?
Sabagay litaw na litaw ako sa suot kong purple dress and sandal. Kasi ako lang naman ang nakasuot nito at idagdag mo pa ang kagandahan ko Kaya talagang pansin na pansin ako dito.
Dumating si Kath at talagang kasama pa niya ang idol naming model. Si Ate Ericka. OMG. Napakaswerte ko talaga.
"Nag-breakfast ka na ba? We're our way na kasi sa isa sa mga restaurant dito to eat. Pwede ka ng sumabay sa amin." Biglang tanong ni ate Ericka.
“"Hindi pa eh. Tamang tama." Sabi ko. Hindi pa din kasi ako naguumagahan kasi maaga akong umalis sa bahay. Tinapay lang ang kinain ko.
"Ok. So let's go na. Gutom na ako eh!" Sabi ni Kath.
Sabay sabay kaming lumabas ng hotel at pumunta sa isang restaurant na sinasabi ni Ate Ericka.
Lumapit na naman ako ay Kath. “"Excited na akong ma-meet yung crush mo. I expect na gwapo siya at mabait." Pabulong na Sabi ko sa kanya. Nginitian niya ako.
Pinagmamalaki niya sa akin yung crush. Ngayon makikilala ko na. Tingnan na lang natin kung gwapo niya at mabait tulad ng pagkakasabi niya. Hindi puwedeng kung sino sino lang yung magiging crush niya.
Dahil nahihiya ako ay pumunta ako sa likod niya. Nakita long may lalake na papunta sa gawi niya para salubungin siya pero agad akong pumagitna at laking gulat ko ng makilala kung sino siya.
Natigilan ako. Nanlaki naman ang mga mata niya ng makita ako.
“Ikawww???!!” Sigaw naming dalawa sabay turo sa isa't isa.
Putek na buhay ito. Nameet ko na naman ang malas sa buhay ko. Siya ang may kasalan eh.
Nagtatakang nakatingin sa amin yung mga tao sa paligid namin. Tumikhim na lang ako at nagiwas ng tingin sa lalakeng yun. Nagpakilala na lang ako sa kanila.
Buti naman at kilala ng magulang ni Jake ang parents ko.
Habang kumakain kami ay panay ang batuhan namin nung lalake ng masamang tingin. Hindi ako makapaniwalang siya yung crush ni Kath. Bumaba na ba standard ni Kath. Noon lang ay mga almost perfect na ang mga crush nito. Yung macho, gentleman, mayaman, at mabait.
“"So, care to explain kung ano yung eksena ninyo ni Kyle kanina?!" Tanong ni Kath sa akin. Andito na kami malapit sa cottage namin.
Kumunot ang noo ko. “Sinong Kyle?” Tanong ko sa kanya. Sino naman yung lalakeng yun?
Nagulat na lang ako ng bigla niya akong batukan. “Hindi mo kilala pero kung sigawan mo yung tao kanina parang kilalang kilala mo. Ayun si Kyle.” Sabi niya at tinuro yung lalakeng kinaiinisan ko sa buong buhay ko.
Sinusumpa ko siya. Sumama ang timpla ng mukha ko. Makita ko pa pang siya ay kumukulo na yung dugo ko. Parang gusto ko siyang lunurin sa dagat o kaya’y ipakain na lang sa pating kung mayroon man.
“Ano na naman yan? Dali na magkwento ka na!” Utos niya sa akin na parang excite na excite pa.
“Wow hah! Atat na atat. Hindi naman halatang excited ka masyado. Oo na magkwenkwento na po.” Sabi ko sa kanya at nagsimulang nagkwento.
“Ganito kasi yun! Habang sinusundan ko ang sasakyan ng crush ko at yung higad of the day niya sa kung kung saan sila papunta. Because naka-concentrate ako sa sasakyan nila hindi ko napansin na may muntik na ako mabangga. Buti na lang at magaling ako at napigilan ko ang kotse kong bumangga sa sasakyan ng Kyle na yan!” Salubong ang kilay na kuwento ko sa kanya.
Kaya huwag lang niyang subukan na mas sirain pa ang vacation kung hindi ilulublub ko yung upo niya sa dagat.
Napatango tango si Kath.
“Ehh bakit ka nagagalit! Dapat si Kyle ang mainis sayo kasi muntik mo na pala siyang mabangga. Kung maka-react ka naman parang ikaw yung muntik mabangga.” Sabi niya.
Salubong ang kilay na ngumuso ako. I crossed my arms. “Bakit siya yung kinakampihan mo? Di ba ako yung best friend mo? Dapat ako yung kinakampihan mo.” Nagtatampong Sabi ko sa kanya.
“Aysusss!!! Inaaway mo yung crush ko eh!” Sabi niya at tiningnan ko siya na parang hindi ako makapaniwala. Nabilog ba ng lalakeng yun si Kath? Ginayuma Kaya?
“"WHAT!!! Y-yun yung crush mo? Bakit yun pa? Ang baba naman ng standards mo bes!" Sabi ko sa kanya. Baka sakaling marealize niya.
Napasimangot naman siya sa sinabi ko. “Anong mababa ang standards? Buti nga yung crush ko hindi playboy na kung sino sino lang ang pinaglalaruan. Eh yung sayo! Playboy.” Sagot niya.
I gasped. Ininsulto niya any crush ko. “Kahit na. Hindi nga playboy yung sayo pero arogante naman. Sinigaw sigawan pa ako noon.” Sabi ko sa kanya.
Talagang yun pa yung kinakampihan niya. Samantalang ako yung nandiyan sa kanya palagi. Nahurt ako. Slight lang.
“Muntik ngang mabangga diba? Alangan namang sobrang kalmado 'nun? Utak naman bes!” Sabi pa niya.
“Kahit na. Naiinis talaga ako sa kanya dahil siya yung dahilan kung bakit next month gagawin ko ang isa sa mga pinaka-ayaw kong gawin. Ang maging maid. Parusa ko daw yun. Nakita kasi ng spy ng papa ang nangyari kaya ayun.” Sabi ko pa.
“So? At least ngayon alam mo na ang feeling ng maging maid. Good luck sayo.” Sabi niya at nginisian ako. Parang sayang saya pa na magiging maid din ako.
Pagkatapos ng girl talk namin ni Kath ay tinawag na kami ni Ate Ericka sa cottage para tumulong na mag-ayos ng mga gamit doon at mga mga pagkain.
Yung boys naman ay wala ng ginawa kung hindi ang maglaro ng volleyball. Talaga bang required na mga babae ang magayos ng mga ito? Dapat kami ang nagpapahinga kasi mga prinsesa kami. Hubad pa sila at binabalandra pa nila yung mga katawan nila.
Napatingin naman ako dun sa Kyle. Pwe! Bakit ko ba yun titignan. Nagselfie na lang sa isang sulok. Imamy day ko lang sa Instagram para makita ni crush ang kagandahan ko. Magtitake din kami mamaya ng mga photos na nakabikini lang kami para may mapost sa ig namin.
Maswerte si crush kasi and ganda ko na ang sexy ko pa. Per ang malas lang niya kasi Hindi niya ako makita.
“Janice and Stacey, pwedeng pakitawag na si Kyle at Jake para makakain na tayo ng lunch.” Utos sa amin nung mommy ni Jake.
Pumayag na an agad si Kath. Nilapitan niya ako at hinila.
“Bakit pa natin tatawagin yung mga kumag na mga kinaiinisan natin?” Tanong ko sa kanya. Kasi kung ako ay hahayaan kong magutom yung Kyle na yun. Buwiset siya.
Natawa na lang siya. “Alam mo bes. Ang daldal mo talaga. By the way dala mo ba yung mga waterproof na mga makeup mo? Need ko kasi.” Sabi niya.
“Oo meron. Bigay ko na lang sayo mamaya.” Sabi ko sa kanya at pinuntahan na namin yung mga tatawagin namin.
Nakita naming may kausap sila mga babae. Akala ko ba hindi babaero itong crush ni Kath. Parang babaero din naman eh. Halata pa sa mukha.
Napatingin ako kay Kath. Salubong na ang mga kilay at umuusok na sng ilong sa galit. Haha selos siya eh.
“Uhm...sorry girls pero taken na ang puso ko.” Rinig ko Sabi ni Kyle sabay tingin kay Kath. Wow ha? Totoo ba? Baka joke joke lang. Pafall lang parang ganun. Naku subukan niya lang huwag saluhin best friend ko at may kalalagyan siya. Sa maleta ko at itatapon ko siya sa bangin. Nakalocked pa yung maleta para hindi makalabas.
Nakita ko namang nagpigil ng ngiti si Kath. Kilig siya girl. Sana all na lang
Nanlaki na lang ang mga mata namin ng nilapitan ni Jake si Kath at hinila sabay hapit sa beywang.
“Ako din Taken na. Meet my girlfriend Stacey.” Sabi ni Jake. Tuluyan ng nalaglag ang mga panga namin.
Anong ibig sabihin niya? May gusto rin ba siya kay Kath? Oh no? May love triangle ba dito?
Nagpaalam naman ang agad yung dalawang babae. Sorry girls, taken na itong dalawa. Taken ang mga puso sa iisang babae. I feel them.
Pagkaalis nung mga babae ay agad na umalis so Kath sa pagkakahawak ni Jake.
“Anong bang pinagsasabi mo diyan master? May sakit ka ba? Hindi ka nambabae eh?” Sabi ni Kath.
Natawa kami kasama si Kyle per nakita ko sa kanya na parang nalilito siya sa nakikita.
Umiling iling na lang ako. Balak pa yata akong gawing referee sa kanilang tatlo. Para kasing may namumuong awayan at ayokong madamay.
Pumunta na kami sa cottage para kumain. Nahuli kong nakatingin siya sa akin. Inirapan ko siya. Anong tinitingin tingin niya?
Inirapan niya din ako. Napanganga na lang ako. Bakla ba siya? Mas magaling pa siyang umirap sa akin. Omg.BFLOWER | B.F :)
Sorry sa errors
BINABASA MO ANG
My Commander And Me (Maid Series #2)[Completed]
Romance[Maid Series #2] Janice, also known as the spoiled brat at sakit sa ulo ng mga magulang. Pero ng masagad na niya ang mga pasensiya ng mga magulang niya ay ginawa nila itong maid ng kanilang business partner para parusahan. pero hindi niya inaasahan...