Chapter 14
He likes…
Janice’s POV
Napairap na lang ako sa hangin habang nakatingin sa kanya na nakakunot ang noo habang nakasubsob sa dining table at nakatingin sa akin. Hindi kasi ako pumayag sa kanya. Kumain na kami ng tanghalian. Para siyang bata na hindi napagbigyan ang gusto. Nakapout pa ang mga mapupulang labi.
“Tigilan mo nga yan.” Sabi ko sa kanya. Naiirita na ako sa kanya.
“Ang alin? Ang maging guwapo? Sorry hindi na matitigil yun.” Mayabang na Sabi niya.
“Gusto mo talagang naiinis ako sayo no.” Sabi ko sa kanya.
“Sorry na. Basta pansinin mo lang ako. Namimiss ko ng makapagaway sayo.” Sabi niya.
Binato ko siya ng tissue at napatawa siya. “Tumigil ka diyan. Naiinis na ako sayo. Lalayasan kita dito.” Sabi ko sa kanya.
“Hindi ka makakalayas dito. Babantayan kita.” Sabi niya. Sinamaan ko siya ng tingin.
“Hindi ka rin makakalabas ng village na ito.” Dagdag niya.
“Malapit ng matapos ang parusa ko. Kaya malapit na akong umalis dito sa bahay mo.” Sabi ko sa kanya at naging seryoso ang mukha niya at natigil siya sa pagtawa.
“Hindi ko hahayaan yan. I'll do something para hindi yan matuloy. Let’s see.” Sabi niya tumayo at nagpunta kung saan. Beast mode?
Bigla akong napatampal sa noo ko ng marealize na ako ang mag-aayos ng mga pinagkainan namin. Bakit ba kasi yun nabeast mode?
Inis na tinapos ko na ang pagkain ko at tamad na inayos yung mga pinggan. Dahil medyo marunong na akong maghugas ng pinggan ay hinuhasan ko na din. Nakakahiya naman sa amo. Lagi na lang siya ang naghuhugas.
Pagkatapos ay naligo na ako dahil balak kong ipasyal ni Griffin. Kahit na diyan lang sa labas ng bahay. Lagi na lang kasing busy yung amo niyang bipolar Kaya hindi siya naaasikaso. Nagalaga siya ng aso pero hindi naman maasikaso.
Nag-suot ako ng jogging pants at tshirt at rubber shoes. Pagkatapos kong ipasyal si Griffin ay magwowork out na lang ako. Pamapatanggal ng stress. Naiistress ako kay Kyle.
Nasa labas na ako kasama si Griffin. Hawak ko ang tali niya at ang phone ko. Naging makulit si Griffin. Galaw ng galaw. Tuwang tuwa siguro kasi nakalabas na siya ng bahay. Paano na lang kung umalis na ako sa bahay ni Kyle, edi Wala ng mag-aalaga sa kanya. Kawawa naman siya.
“Hindi bale. Kukunin na lang kita mula sa amo mo.” Kausap ko kay Griffin.
May ilang mga dumadaan at tumitingin sila sa akin. Bumalik din agad kami ni Griffin. Nakita naming nasa labas din si Commander nakapameywang na nakatingin sa amin ni Griffin.
“Bakit kayo nasa labas?” Nakakunot noong tanong niya sa akin. Tinutukoy niya kaming dalawa ni Griffin.
“Namasyal lang. Bakit? Bawal ba?” Sagot ko sa kanya. Huwag niyang sabihin na pati pamamasyal lang sa loob ng village ay ayaw rin niya. Masasakal ko na siya.
“Hindi naman. Dapat sa susunod magsabi ka para naman masamahan kita. Hindi yung ibinabalandra mo dito sa labas yung sarili m Alam mong may mga lalake dito sa village.” Sabi niya.
Wow ha!
Bumuga ako ng hangin. “Anong ibig mong sabihin? At saka kung makareact ka naman parang tatay kita. Hindi niya ganyan si daddy sa akin eh. At ano naman kung may lalake dito.” Sabi ko sa kanya. Super strict naman nito.
“They’re fantasizing you. Nakakahakot ka ng mga manliligaw. Hindi pa nga kita nililigawan, tapos humahakot ka ba ng dadagdag. Masasakal ko na sila.” Sabi niya at lumapit sa akin
Napairap na lang ako. Nagulat ko ng hilain niya ako papasok ng bahay.
“Ano na naman?!” Pagalit na Sabi ko sa kanya.
“Dito lang kayo sa loob.” Sabi niya. Umiling na lang ako at pumunta sa gym room ng bahay niya. Hindi naman siguro masamang makigamit ano. Malapit ito sa pool.
Pagpasok ko ay iniwan ko na lang na nakabukas yung pinto. Hinubad ko yung t-shirt ko kasi may sando naman ako. Wala kasi akong sports bra kaya sando na lang yung ginamit ko.
Gumamit ako ng treadmill tapos kinuha ko yung isang yoga mat. Doon ako nagwork out. Kailangan nasa magandang shape pa rin yung katawan ko. Napapadami pa naman ang mga kain nitong mga nakaraang araw. Sobrang dami pa na calories.
Gumawa akong work out for butt and abs.
Pagkatapos lahat ng work out ko ay agad na kinuha ko yung bottle ko na may lamang tubig at uminom.
“Nice. Hindi ko alam na nagwowork out ka talaga.” Napatigil ako bumaling sa may pinto.
Nandoon pala si Kyle at kasama pa si Griffin.
“Huwag mo akong inisin.” Banta ko sa kanya. Baka masuntok ko na lang siya bigla dahil sa inis ko. Tinignan niya ang kabuuan ko. Tumaas pa ang kilay niya.
Nanlaki ang nga mata ko at dali daling isinuot ang t-shirt ko. Bastos na nilalang.
He chuckled. Humilig din siya sa pintuan. “Bakit ka pa nahihiya. Nakita ko na mga lahat eh. Feeling virgin.” Sabi niya. Nilapitan ko siya.
“Kasalanan mo kung bakit hindi na ako virgin.” Sabi ko sa kanya at nag crossed arms.
“Alam ko.” Sabi niya. Gago talaga.
Bigla namang kumahol si Griffin at doon na namin nakita si Mommy and Daddy. Anong ginagawa nila dito?
“Mom? Dad? Anong ginagawan ninyo dito?” Tanong ko sa kanila.
“May sasabihin lang kami sa inyo.” Sabi ni Dad.
“Doon na lang po tayo sa living area.” Sabi ni Kyle at pumunta naman kami doon at umupo sa sofa.
“So ano yung sasabihin ninyo?” Tanong ko agad.
“May gaganapin na party. Dadalo din kayo doon. Pinapasabi din ito ng daddy mo, Kyle.” Sabi ni daddy at may inilapag na invitation card.
Napangiti naman ako. “Wow party.” Sabi ko. Mukhang masaya ito. Matagal tagal din mula noong huli kong punta ng nga ganitong party.
“Sayang saya ka na naman.” Sabi ni mommy sa akin.
“Oo naman mom—”
“Babantayan ka ni Kyle.” Putol ni daddy sa sinasabi ko at sa kasayahan ko. My forehead creased and my brows furrowed.
“Bakit naman dad?” Reklamo ko.
“Bakit? Alam kong may mga kalokohan ka hija. At kailangan may bantay ka pa rin doon.” Sabi niya. Panira naman oh. Ayaw ko ng may bantay, ano ako? Bata? Batang kailangan pang bantayan.
“Don’t worry Tito. Babantayan ko pa talaga siyan. Habulin pa naman ng disgrasya tapos matigas pa ang ulo.” Sabi ni Kyle. Sinamaan ko siya ng tingin. Nagtawanan naman sila.
Tingnan lang natin kung kayanin mo ang tigas ng ulo ko. Sabi ko sa isipan ko.-------
Hello!
BINABASA MO ANG
My Commander And Me (Maid Series #2)[Completed]
Romance[Maid Series #2] Janice, also known as the spoiled brat at sakit sa ulo ng mga magulang. Pero ng masagad na niya ang mga pasensiya ng mga magulang niya ay ginawa nila itong maid ng kanilang business partner para parusahan. pero hindi niya inaasahan...