Chapter 9
Mad and concern
Janice's POV
Hinila ako ni Commander hanggang sa parking lot, kung nasaan yung sasakyan niya. Sinundan lang kami ni Darren at Kath.
"Wait lang! Bitawan mo nga ako." Sabi ko sa kanya pero ayaw pa rin niya akong bitawan. Hawak hawak ko pa rin yung unicorn na binili namin ni Darren kanina.
Tumigil kami ng makarating kami sa tapat ng kotse niya.
"Kyle, bitawan mo si Janice." Sabi ni Darren kay Kyle.
"Oo nga kasi. Ano bang problema mo?" Sabi ko sa kanya at pinilit na tinanggal ang pagkakahawak niya sa akin pero mas lalong humigpit. Mamumula na ang balat ko.
"Alam mo bang nagalala kami? Kapag may nangyaring masama sayo sinong sisihin? Ako. Kaya uuwi na tayo. Huwag kang makulit." Sabi niya sa kanya at nagpaalam Kay Kath at take note, sobrang kalmado niya pero kapag sa akin galit na galit.
"Bye bes! Kita na lang tayo bukas. Bibisitahin kita." Pahabol na sigaw ni Kath bago ako makapasok sa kotse ni Kyle. Hindi na ako nakapagpaalam kay Darren.
"Ang sama mo talaga!" Singhal ko kay Kyle at pinagpapantasyahan siya.
"Ano ba!! Tumigil ka nga! Baka maaksidente tayo. Huwag kang makulit." Sabi niya sa akin.
Tumigil na ako baka kasi maaksidente kami. Gusto ko pang magkaasawa at mahanap siya at magkaanak. Hehe lande ko!
Buong biyahe at wala kaming imikan. Tinignan ko na lang yung photos namin ni Darren habang kumakain. Para kasi kaming couple. Haha cute!
"Anong mayroon sa inyo ng pinsan ko?" Tanong niya habang papasok na kami sa village kung nasaan yung bahay niya.
"Wala naman." Sagot ko sa kanya. Bakit ba nangengealan siya? Malay ba natin kung si Darren na pala yung hinahanap ko.
Hanggang sa makarating kami ng bahay niya. Lumabas ako para buksan yung gate para makapasok yung sasakyan niya. Ang yaman yaman kasi walang katulong. Independent daw si siya eh.
"So anong gagawin nating dito?" Tanong ko sa kanya. Atat na atat kasing umuwi. Mabobored lang pala kami dito. Titigan yung tv. Wala pa naman siyang magandang mga movie. Boring ng bahay niya.
"Bahala ka siyang magluluto ako ng pagkain ko." Sabi niya. Binalingan ko siya.
"Bakit pagkain mo lang?" Tanong ko sa kanya.
"Kasi gusto ko." Sagot niya at nagpunta sa kitchen.
"Commander! Lutuan mo din ako." Sabi ko sa kanya.
"Kumain ka na sa mall hindi ba? Ako kasi nagutom kakahanap sayo. Kaya hindi na kita kailangan lutuan. Doon ka Kay Darren magpaluto ng kakainin mo." Sabi niya. He sounds like my jealous boyfriend. Parang lang naman.
Ngumuso ako. "Konti lang naman eh at saka gusto ko lang naman na masolo mo si Kath. Sabi mo kasi tulungan kita. Bakit nagagalit ka pa diyan." Sabi ko at umupo sa counter. Hinanda niya yung mga iluluto niya.
Bumaling siya sa akin. "Mukha ba akong galit? Hindi ako galit." Sabi niya at binalingan ulit ang hinahanda.
"Ok. Edi Hindi ka galit." Sabi ko sa kanya at pumunta sa sala. Kinuha ko si Unicorn at pumunta ako sa kuwarto ko para magpalit ng damit.
Pagkatapos magpalit ng damit ay inilabas ko mula sa kulungan niya si Griffin. I'm his mom. Hehe. Mas gusto pa ako nito kaysa sa totoo niyang amo.
"Hello. Griffin. How's your day? Gusto mo kumain?" Tanong ko sa kanya. Kumahol naman siya at iginalaw pa ang buntot. Cute!
Dinala ko siya sa sala at doon ko pinakain. Ang cute niya talaga. Hinaplos haplos ko ang ulo niya habang kumakain. Napatayo ako ng maamoy ko yung liluluto ni Kyle. Pero napakadamot na tao ni Kyle. Hanggang amoy lang talaga ako.
Gusto ko tuloy siya ipakagat kay Griffin. Rawr.
Binuksan ko yung tv at puro balita lang ang mapapanood. Seriously? Kahit yung mga pamabata lang eh. Boring!
Nakita kong papunta dito si Kyle ay may dala dalang tray ng mga niluto niyang pagkain. Napasimangot ako. Magiingit pa siya eh. Napakasama takaga ng ugali.
"Gusto mong kumain?" Tanong niya. I nodded as a response.
"Puwede kang kumain pero ikaw sng maghuhugas ng pinggan mamaya." Sabi niya. Nanlaki naman ang mata ko.
Sabi na eh. May kapalit na naman.
"Bakit pa may ganun?" Sabi ko sa kanya. Suko na talaga ako dito. Hindi na ito babait. Kasi demonyo siya.
"Ayaw mo?" Tanong niya at inalok sa akin ang isang plato na may lamang pagkain na niluto niya. Napalunok ako. Ang bango! Mukhang masarap. Naglalaway na ako.
"Eh.... Okay." Sabi ko sa kanya. Binigay naman niya sa akin. Nilantakan ko yun at Tama nga masarap. Hihi!
Pagkatapos naming kumain ay dito na nagsisimula ang tunay na paghihirap ko. Maghuhugas ako ng plato. Gosh! Never pa akong naghugas ng plato pero nanonood naman ako noon sa mga kasambahay namin.
Nandidiri pa ako sa mga matirang residue sa mga pinagkainan namin. Hahawakan ko ito? Hindi ko nga alam kung paano ko uumpisahan. Tatanungin ko ba si Commander? Or itanong na lang Kay Google.
Inopen ko yung faucet at tinanggal yung nga nakakadiring tira tira. May mga mantika pa Kaya madulas. Nanlaki ang mga mata ko ng dumulas sa kamay ko yung pinggan. Para itong nag slow motion na nahulog sa sahig. Napasigaw pa ako at hindi ko na nasalo.
Napapikit ako ng bumagsak ito sa sahig dahilan para lumikha ito ng malakas na tunog. Nabasag ito. Bigla naman dumating si Commander.
"Anong nangyari?" Tanong niya sa akin. Naiiyak na napatingin ako sa kanya. Kita ko sa mukha niya ang pag-aalala.
Tumingin ako sa nabasag na plato. "Commander, sorry nabitawan ko eh." Dahilan ko sa kanya. Baka magalit na naman siya sa akin at baka patulugin na niya ako sa labas. Nagiinit ang gilid ng mga mata ko. Hanggang sa nagsilabasan na nga yung mga luhang pinipigilan kong lumabas.
"Commander!! Hindi ko sinasadya. Sabi ko naman kasi sayo hindi ko alam eh." Sabi ko sa kanya at napaiyak na lang. Masakit din yung paa ko.
Inaasahan Kong sisigawan niya ako pero lumuhod siya Hindi para linisin ang mga nagkalat na piraso ng nabasag na pinggan kung hindi para tingnan ang paa Kong puno pala ng sugat.
"Hindi ka kasi nagiingat." Malumanay na Sabi niya sa akin.
Tumayo siya at impit ako napasigaw ng buhatin niya ako in a bridal style. Kumapit ako sa leeg niya para hindi mahulog.
Dinala niya ako sa sala at inilipag niya ako sa sofa.
"Saglit lang kukuha ako ng panggamot para diyan. Huwag ka munang gagalaw." Sabi niya sa akin at kinuha yung first aid kit niya.
Tumigil na yung pagiyak ko. Pero gusto kong maiyak sa sakit ng paa ko. Mommy! Huhu.
Bumalik si Commander at umupo sa sofa at kinandong ang paa ko.
"Lagi mo bang kasama yung kapahamakan? Ingat ingat naman minsan." Sabi niya sa akin.
"Opo. Commander...ahhhh!!!" Sagot ko pero bigla akong napasigaw ng lagyan niya ng sandamakmak na alcohol. Tapos balak pa niya lagyan ng betadine.
"Commander! Masakit." Sabi ko sa kanya.
"Hindi ka na bata. Huwag kang makulit." Sabi niya sa akin at dinahan dahan na yung pagdampi ng cotton ball na may alcohol.
"Ito yung dahilan ko kaya ayaw kong humiwalay ka sa akin. Kaya sa sususnod. Mag-iingat ka. Hindi sa lahat ng oras nandiyan ako. Pero hanggat andito ako, aalalayan kita hanggang sa umalis ka sa poder ko." Sabi niya.
_____
Hehe ;)
BINABASA MO ANG
My Commander And Me (Maid Series #2)[Completed]
Romance[Maid Series #2] Janice, also known as the spoiled brat at sakit sa ulo ng mga magulang. Pero ng masagad na niya ang mga pasensiya ng mga magulang niya ay ginawa nila itong maid ng kanilang business partner para parusahan. pero hindi niya inaasahan...