Chapter 15

305 15 0
                                    

Chapter 15
Party pooper

Janice’s POV

“Napakatagal talaga ng mga babae.” Reklamo ni Kyle pagkalabas ko pa lang ng main door ng bahay niya.

Sinamaan ko siya ng tingin.

“Bakit ka na naman ba nangingialam?” Masungit na Sabi ko sa kanya. Lagi na lang siyang may sinasabi. Mahahampas ko siya ng purse na hawak ko. Dada ng dada, parang babae. Sobra pa kung manermon.

“Wala. Sabi ko nga tayo na. Para maaga tayo doon.” Sabi niya.

Sumakay na kami sa kotse niya. Magkatabi kami sa likod at yung driver niya ang nagdadrive. Panay ang kulit niya sa akin habang nasa biyahe. Nakakainis kasi yung pisngi ko pa yung naisipan niyang pagdiskitahan. Pinisil pisil niya. Loko loko. Sarap tadyakan palabas ng kotse.

Pagdating namin sa venue ay nagulat ako. Sobrang ganda kasi. Halatang para sa mga mayayaman. Sobrang garbo. Magagarbo din ang mga kasuotan at syempre hindi ako papahuli. Maganda yung damit ko at syempre ako.

Nakita ko naman sa isang banda yung mga echoserang frog na panay ang irap dahil sa ganda ko. Inggit kasi sila. Sa ganda ko ba naman hindi ako kakainggitan?

Kasunod ko yung si Commander—ay oo nga pala bodyguard ko yan ngayon. Sabi ni Dad bantayan niya ako eh edi parang bodyguard na din yun.

Nanlaki ang mga mata ko ng makita ko ang isang lalake. Wait? Si Crush. Omg andito si Crush.

Akmang pupunta sana ako Kay crush ng pigilan ako ni Kyle.

“Saan  ka pupunta?” Kunot noong tanong niya sa akin.

“Sa crush ko.” Napatakip ako bigla ng bibig ng masabi ko ang katotohanan sa kanya.

Dumulim ang kanyang mukha habang nakatingin sa akin. Sobrang talas na din ng tingin niya na parang pinapatay na ako ngayon. Bakit siya galit? Bawal magkaroon ng crush? Crush lang naman eh.

Siya nga crush ko din pero secret muna.

“Crush mo yun? Ang pangit. Bawal mo siyang lapitan.” Sabi niya at hinila na lang ako bigla sa isang table.

“Ano ba?!” Sigaw ko sa kanya. “Bakit bawal?”

“Bawal nga. Huwag kang makulit.” Sabi niya at nakatingin sa akin. Makalipas ang ilang minuto ay nakatingin pa rin siya sa akin.

“Balak mo ba akong tingnan buong magdamag?” Sabi ko sa kanya. Naiirita na ako eh. Dapat siya itong naiinis sa akin ngayon kasi plano ko yun.

“Paano ko kung oo?” Sabi niya.

“Wala akong pake.” Sagot ko sa kanya. Napatawa na lang siya ng mahina at hindi na nga kami natigil sa pagtatalo.

Hanggang sa dumating na si Kath ay nagtatalo pa rin kami. Nakakainis na siya. Sarap niya sapakin. Isusumbong ko na talaga siya kay daddy.

“Hey guys! Nag-aaway na naman kayo.” Sabi ni Kath sa amin.

“Ito kasing lalaking ito. Pinagbabawalan akong lapitan yung crush ko kasi nandito siya.” Sabi ko kay Kath at sumimangot. Napakakill joy ni Kyle. Sobra.

“Ayaw ko lang naman na mapahiya ka mamaya kasi baka mamaya hindi ka na naman pansinin 'nun at kasama kita kaya baka mapahiya pa ako.” Palusot ni Kyle. Ibang iba sa mga sinasabi niya kanina. May gusto ko pa yata ito Kay Kath.

“Edi ok.” Sabi ko na lang.

Bigla namang dumating yung si Jake. Napirap na lang ako.

“Anyway nagugutom na ba kayo? Kuha na tayo ng pagkain?” Tanong ni Kyle sa amin. Wow so generous naman sana.

“Hindi pa ako nagugutom. Kung nagugutom ka na umalis ka na at kumuha ng pagkain mo at iwan mo ako dito.” Sabi ko sa kanya. Pagkakataon ko na ito para matakasan niya eh.

“Kung hindi ka pa kakain edi hindi pa din ako kakain. Hindi kita pwedeng iwan dito kasi pinabantayan ka sa akin ng daddy mo.”Sabi niya. I heard Kath and Jake gasped. Nagulat lang ako kasi sinabi niya talaga yun. Papansin na lang?

Nainis naman kami ni Kath kasi pati pala siya pinabantayan kay Jake ng daddy niya. May nakakainis kaming mga bodyguard.

Biglang may lumapit na mga babae sa table namin. Binati nila sila Kyle at Jake. Napataas ang kilay ko. Napakunot naman ako ng noo ng batiin sila ni Kyle. “Hello ladies.” Bati niya. Halos masuka na lang ako sa kanila.

Napatingin ako Kath. Kitang kita ko ang selos sa kanya.

Wala kami sa bar para makipagharutan. Ang lalandi. Tumikhim kami ni Kath para makuha namin ang pansin nila.

“Pupunta muna kami ng restroom. Maiwan na naming kayo.” Sabi ni Kath at pumunta na kami sa restroom. Yes. Nakatakas. Buti nga sa inyong mga bodyguard.

Pagkatapos namin magcr ay hindi na kami bumalik sa table namin. Bahala na sila doon.

“Buti na lang at nakatakas tayo sa dalawang iyon.” Sabi ko sa kanya pagkarating namin sa isang bakanteng table. Napataas ang isang kilay niya.

“Hay!! Hayaan mo na ang mga yun. Hanap na lang kaya tayo ng hot na guy diyan.” Sabi niya at napatango naman ako. Hindi ko na nga lang din hahanapin si Crush. Paasa lang yun. Akala niya siya lang yung gwapong lalake dito sa mundo.

Hanggang sa mag umpisa na ang tunay na party at biglang may lumapit sa aming dalawang lalake. At mga gwapo. Ha ano kayo ngayon Kyle. Kung kayo nakahanap ng babae kami ay may nakahanap din. Kami pa nilapitan.

“Hi! Beautiful ladies!” Bati nila sa amin. Napangiti naman ako. Binati din naman namin sila pabalik.

“ I'm Jasper.” Pakilala naman nung isa.

“Hi I'm Tristan.” Pakilala din nung isa. Nakipagkamay sa amin ni Kath.

Nagpakilala din kami ni Janice sa kanila. Okay naman sila pero mga manbobola lang. Pero okay naman pagtiyagaan. Kinakausap ako nung Jasper at comedian pala siya eh. Pero corny ng mga jokes niya. Yun ba yung way niya para paamuhin ang isang babae?

Nagumpisa na ding magsayawan pero mabagal lang ang tugtog. Bagay bagay para sa mga couple. Bigla naman akong inaya ni Jasper at umoo naman ako. Why? Not? Sa tingin ko naman ay Wala siyang gagawin sa akin masama.

“Bakit ba ngayon lang kita nakilala?” Tanong niya bigla.

“Hindi ko alam. Tanong mo kay God.” Sabi ko sa kanya at napatawa naman siya. Hindi naman nagkakalayo ang height namin. 5’2 lang ako at sa tingin ko 5’4 lang siya. Pero si Kyle 6 yata yung height nun. Napakatanggad. Pero bakit ko nga ba siya iniisip.

Nagulat na lang kami ng biglang may humatak sa akin palayo kay Jasper at biglang may sumuntok kay Jasper. At si Kyle ito.

“Kyle!” Tawag ko sa kanya ng makita ko ng balak pa niyang suntukin ulit si Jasper. Hinatak ko siya palayo. “Tama na.” Sabi ko sa kanya. Nagulat yung mga taong nakapaligid sa amin. Bakit ba kasi bigla na lang itong sumusulpot. Hindi ba kasaman niya yung mga haliparot niyang babae?

Akmang tutulungan ko sanang tumayo si Jasper ng pigilan niya ako.

Hinawakan niya ang kamay ko. “Uuwi na tayo.” Sabi niya habang madilim ang mukha. Hinila niya ako at dumeretso kami sa parking lot at nakita namin doon ang driver namin.

“Sir? Uuwi na po tayo?” Tanong nung driver niya.

“Yes.” Sagot niya.

“Teka? Bakit tayo uuwi?” Tanong ko bigla.

“Kasi gusto ko. Pasok na.” Sagot niya at pinagbuksan ako ng pinto. Kahit nalilito ay pumasok na rin. Baka masuntok na niya ako. Sobrang sama na ng tingin niya sa akin. Ano bang ginawa ko?

My Commander And Me (Maid Series #2)[Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon