Chapter 13

288 15 0
                                    

Chapter 13
Talk just talk

Janice’s POV

Napadaing ako sa sakit ng katawan ko lalong lalo na sa maselang bahagi ng katawan ko. Agad akong napamulat ng maramdamang wala akong damit. Kahit undergarments lang. May kumot naman pero wahhh.

“Anong nangyari???” Naiiyak na Sabi ko Lalo na’t para akong lalagnatin sa sakit ng katawan ko.

Nagpapanic na ako. Iniisip ko yung mga nangyari. Nag-usap kami ni Kath tapos napadami ako ng inom at pagkatapos ay sumayaw ako at may lalake…..

Lalong nanlaki ang mga mata ko ng napabaling ako sa tabi ko at may lalake.

“Ahhhhhh!!!” Sigaw ko kinuha yung unan at pinagpapalo siya.

“Walang hiya ka!!” Sigaw ko sa kanya at nagising siya mula sa pagkakatulog.

“Ano ba?!” Sabi nito at humarap sa akin kasi nakatalikod siya.

Napaiyak ako ng makilala ko kung Sino ito. Bakit? Bakit siya?

“Anong ginagawa mo sa akin?” Tanong ko sa kanya at napaluha. No hindi ito puwede. Hindi.

“Janice.” Sambit niya.

“Bakit ako nandito? Commander anong nangyari? Hindi puwede ito.” Sabi ko at tumayo kahit na sobrang sakit ng buong katawan ko.

Hinila ko ang kumot na nakatabing sa amin dahilan kaya nakita ko ang hubad na katawan niya. Napasigaw ako at napaupo sabay takip ng mata.

“Magtakip ka!” Sigaw ko sa kanya pero tinawanan niya lang ako. Naiiyak na nga ako pero ito siya tumatawa na parang Wala lang yung nangyari?

“Why are you crying?” Tanong niya. Ayaw Kong alisin yung pagkakatakip ng mga kamay ko sa mata ko. Malay ko ba kung nakatewangwang pa rin yung hubad niyang katawan at makita ko pa yung…….yung Commander niya sa ibaba—

Huhu. Ano ba yung iniisip ko? Ang dumi. Pero nakakalito. Bakit parang natutuwa pa siya sa nangyari? Akala ko ba ay may iba siyang gusto. Bakit parang wala siyang pakialam.

“Bakit ka ba tumatawa ha? Nakuha mo pang tumawa? Nagtake advantage ka sa akin!!!! Tapos tatanungin mo ako ng gangyan?!!” Bulyaw ko sa kanya.

Sobrang nalilito na ako sa kanya. I know that my heart is starting to like him pero hindi dapat ito nangyari.

“Janice, calm down. Mag-uusap tayo mamaya.” Pagpapakalma niya sa akin. Napahikbi ako. Anong gagawin ko? Paano kung mabuntis ako. Fertile ako at halata naman sa kanyang healthy siya.

Tumayo ako napatingin sa kanya at buti na lang at nakatapis na siya ng tuwalya. Lumabas ako ng kuwarto niya? At sa kuwarto niya pa talaga ako dinala. Walang hiya siya.

Pumasok ako sa kuwarto ko at doon umiyak. Anong gagawin ko? Ayaw kong mabuntis. Pumunta ako sa cr at naligo pero kahit ang pagligo ay hindi ko magawa ng maayos at mapapasigaw na lang ako ng mahina dahil sa sakit.

Pagkatapos ay para akong hinang hina na nahiga sa kama ko. Sobrang sakit ng katawan ko. Ano bang uri ng hayop ang pumasok sa akin parang. Hindi na ako makalakad ng maayos. Gutom na rin ako pero ang gusto lang ng katawan ko at ang matulog maghapon.

Hindi na ako nagdalawang isip at ipinikit ang mga mata ko at natulog. Bumibigay na din kasi ang mga talukap ng mga mata ko.

Nagising ako dahil may naramdaman akong gumising sa akin.

“Janice. Kain ka muna. Hindi ka pa kumakain ng umagahan. Pinagluto kita ng pagkain.” Malumanay na sabi ni Commander. Nakita ko siyang nakupo sa kama ko.

May nakalagay na bimpo sa noo ko. Pero bakit?

“Bakit ka nandito sa kuwarto ko?” Tanong ko sa kanya.

“Nagaalala lang naman ako sayo. Hindi ka na kasi bumaba para kumain. Kinatok pa kita kanina pero wala akong narinig na sumagot kaya pumasok na ako.” Paliwanag niya. Tumayo siya at kinuha ang isang tray na naglalaman ng mga pagkain.

“Bakit may bimpo ako sa noo?” Tanong ko.

Inilapag niya at tray sa tabi ko. Sa bakanteng space ng kama ko.

“Kasi may sinat ka. Hindi naman alam na magkakalagnat ka pagkatapos nating gawin yun. Sorry.” Sagot niya at hindi nakalagpas sa akin ang pigil niyang pagngiti.

Kinuha ko yung bimpo sa noo ko at ibinato ko sa mukha niya. He chuckled. Maglalo akong nainis sa kanya.

“Sorry na nga. Hindi ko naman alam na virgin ka. At saka binalaan kita.” Sabi niya.

“Itinuloy mo pa rin kahit na lasing ako.” Sabi ko sa kanya.

Tumawa lang ang gago. Tumayo siya at inayos ang mga pagkain.

“Kumain ka na. I know you’re already hungry. No need to deny it. Babalikan kita mamay para makapag-usap tayo. I’m going to tell you something.” Sabi pa niya at hinawakan ang pisngi ko.

Sa gulat ko ay agad ko yun inilayo. Sinamaan ko siya Ng tingin.

“Umalis ka na at ayaw kong makipagusap sayo.” Sabi ko sa kanya. Mas lalo akong naiinis sa kanya.

“Janice. Huwag kang makulit.” Sabi niya sa akin.

“Ano ako bata? Ikaw ang huwag makulit diyan. Isusumbong kita kay daddy at mommy.” Pananakot ko sa kanya.

Tumawa naman siya. “Anong sasabihin mo sa kanila na may nangyari sa atin?” Sabi niya. Uminit naman ang pisngi ko. Oo nga no. Nakakahiya naman kung sasabihin ko pa yun.

Lumabas na siya ng kuwarto ko. Napatingin na lang ako sa pintuan na nilabasan niya. Ano bang ipinapahiwatig ng mga kilos niya? Ang hirap niya basahin. Ayaw ko na sa bahay na ito. Para siyang baliw.

Napatingin ako sa mga pagkain na inihanda niya sa akin. Kinain ko na lang ito. Gutom na din ako.

Pagkatapos ay nag palit ako ng damit na mas giginhawa yung nararamdaman ko. Hindi naman sobrang lala ng sinat ko. Kaya nga sinat eh.

Kinuha ko yung mga pinagkainan ko at dinala sa kusina. Pagdating ko doon ay nakita kong nandoo si Commander at nakaharao sa laptop niya habang naka-upo.

Napatingin siya sa akin at nanlaki ang mga mga mata niya. Tumayo siya.

Kinuha niya yung dala dala ko at siya na ang naglagay sa sink. “Are you okay? Bakit ka ba bumaba?” Tanong niya sa akin.

“Uhmm…. Dinala ko lsng yung nga pinagkainan ko. Babalikan na din ako sa kuwarto ko.” Sabi ko sa kanya at aalis na sana ng pigilan niya ako sa braso ko.

“Magusap na tayo dito. Balak Sana kitang puntahan sa kuwarto mo but since nandito ka na ay dito na tayo mag-usap.” Sabi niya at ngumiti sa akin.

Tinanggal ko ang pagkakahawak siya sa braso ko.

“Wala tayong dapat pag-usapan.” Sabi ko sa kanya. “Nagsisi ako sa nangyari. Hindi dapat yun nangyari.” Sabi ko sa kanya at tinalikuran siya para bumalik na sa kuwarto ko.

“Pero hindi ako nagsisi sa nangyari.” Sabi niya na nakapagpatigil sa akin. Anong ibig niyang sabihin?

Hinarap ko siya.

“Bakit hindi ka nagsisi? Trip mo lang ba? Ganun?” Sabi ko sa kanya.

Naglakad niya palapit sa akin. “Alam mo kung bakit? Tatapatin na kita. Gusto kita. Sapat na ba 'yun na dahilan?”

Umawang ang labi ko at napatanga ako sa kanya. Parang tumigil ang mundo ko. Hindi ako nakagalaw. Tama ba ang narinig ko? Hindi ako makapaniwala sa mga salitang binitawan niya. Magpaladala ba ako sa mga salita niya?

“Gusto ko sanang maniwala. Pero hindi ko nakakalimutang may gusto ka pang iba. Hindi ako tanga para mapaniwala mo sa mga ganyan. Oo may nangyari sa atin pero hanggang doon lang Yun. Kung sinasabi mo lang yan para gumaan ang loob ko ay itigil mo na lang kasi hindi nakakatulong.” Buong lakas na Sabi ko sa kanya at pumunta sa kuwarto ko.

Ayokong umasa sa mga salita niya na hindi naman kapanipaniwala.

Pagkapasok ko ay agad kong isinadaro ang pinto at sumandal doon. Ang bilis ng tibok ng puso ko. Marahas akong bumuga ng hangin. Parang kanina ko pa pinipigilan ang paghinga ko.

Napaigtad ako ng may kumatok sa pinto ko.

“Janice. Lumabas ka diyan. Maniwala ko sa sinasabi ko. Gusto kita. Bakit ba ayaw mong maniwala.” Sabi niya sa labas ng kuwarto ko.

“Bahala ka sa buhay mo.” Sigaw ko sa kanya at humiga sa kama ko.

Lumipas ang isang linggo at hindi ko siya masyadong kinikibo. Nagsasalita lang ako kapag kailangan. Nagtataka na sila mommy, daddy at Kath kung anong nangyayari sa akin.

Nandito ako sa sala kasama ko si Griffin. Nanonood lang kami dito sa tv. Kakatapos ko lang magwalis ng buong bahay. Lagi ko yung ginagawa dito.

Biglang sumulpot si Kyle.

“Hindi ko ba ako kakausapin?” Tamong niya. Hindi ko siya sinagot.

“Ok. Tumayo kana diyan at magpalit ng damit. May papatunayan lang ako sayo. Papatunayan ko na Wala n akong ibang nararamdaman pa kay Kath.” Sabi niya at napatingin ako sa kanya.










Bflower 👩‍⚕️😁

My Commander And Me (Maid Series #2)[Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon