Chapter 1

999 25 0
                                    

Arrogant Jerk

Janice's POV

Tago doon, tago dito. Kasalukuyan kong ini-stalk ngayong yung gwapo at babaero kong crush. Tsk! Kung sino sino ang mga ka-date. Bawat araw iba iba. Ibang klase! Kung hindi ko lang crush yung babaerong ito baka matagal ko na siyang nasuntok. Kaso na-fall ako eh!

At ngayon nakakainis dahil hindi pa rin ako pinapansin ni crush. Sa ganda kong ito hindi niya ako pinapansin? May sira ata yung mata niya. Try ko ngang ipagamot minsan para makita niya ang kagandahan ko at halaga ko.

Nasa isang restaurant ako ngayon. Ini-stalk siya kasama yung bago niyang babae na chinita. Pero mas maganda naman ako kaya mas bagay kami ni crush.

Nakita kong tapos na silang kumain at umalis na. Tumayo na din ako at nagbayad. Pagkatapos ay sinundan pa rin sila.

Pagkalabas ko ay nakita kong sumakay sila sa kotse ni crush kaya. Sumakay na din ako sa mamahalin kong kotse at sinundan sila.

Saan ba sila pupunta? Tsk!

Binilisan ko na ang pagpapatakbo ng kotse ng bumilis sila. Nagulat na lang ako ng may muntik na akong mabanggang isa pang kotse. Itinigil ko ang kotse sa isang gilid.

Badtrip naman eh! Hindi ko na tuloy masusundan sila crush. Natampal ko na lang ang noo ko. I'm so reckless.

Nagulat na lang ako ng may kumatok sa bintana ng kotse ko. Nakita ko ang isang lalake na mukhang galit. Sh*t! Ito yata yung driver ng kotse na muntik ko ng mabangga. Lagot ako nito! Baka ipakulong ako? Magagalit si daddy at mommy sa akin. Lalo na't hindi ako nawawalan ng spy ni dad sa paligid. Siguradong makakarating na naman ito kay dad.

Kahit ayaw ko ay ibinaba ko ang bintana ng kotse ko. Bumungad sa akin ang isang lalake na makikita mo talaga sa mukha ang inis at galit.

"Buti naman at ibinaba mo ang bintana mo! You almost hit me!" Galit na sabi nito sa akin.

Nag-peace sign ako. "Hehe. Sorry talaga! May sinusundan talaga ako eh! Pwedeng umalis na ako? Kasi baka makalayo na sila." Sabi ko sa kanya.

"Miss, hindi ako naniniwala sa reason mo." sabi niya.

Aba! Totoo naman ang sinabi ko ah! Sinusundan ko si crush at yung higad at linta niyang babae.

"Alam mo, kung ayaw mo sa aking maniwala edi wag! Hindi ko namang sinasabing maniwala ka. Pero yun ang totoo." Sabi ko. Gagawin pa ako nitong sinungaling.

"Ng dahil sayo miss ay muntikan na akong madisgrasya at dahil sayo ay late na ako sa trabaho ko." sabi pa niya.

So? Eh ano naman.

"Kung hindi ka naman kasi tanga at kung kanina ka pa kasi umalis para hindi ka ma-late sa trabaho mo edi wala kang problema. So, ngayon ay kailangan ko ng umalis so pwedeng tumabi ka na diyan para makaalis na ako." Sabi ko pa sa kanya.

Inilapit niya yung mukha niya sa akin. "Sa tingin mo ba miss ay papayagan kitang umalis ng ganon ganon lang? I can sue you! You know?" Banta niya sa akin.

"Aba! Ang liit na problema pero pinapalaki mo. Nabangga ka ba? Hindi naman di ba! Muntik lang naman. And for your information nagmamadali po ako. Kaya tsupi!" sabi ko.

Buti na lang at walang masyadong dumadaang mga sasakyan kundi nag-cause na kami ng traffic dahil sa lalaking ito na ayaw mag-paawat.

"Sige pagbibigyan kita miss. Pero sa susunod na magkita tayo. Lagot ka sa akin." Banta niya akin at lumayo sa kotse ko.

Ini-stast ko na ang kotse ko. "Oo na. As if naman na gusto pa kitang makita. Bye Arrogant jerk!" Sabi ko at isinigaw pa ang salitang arrogant jerk.

I smirked. Buset na yan! Panira ng araw. Buti na lang at nakalusot.

Napatigil ako sa pagsasaya ng nakita kong tumatawag si daddy. Kinabahan ako bigla. Sinagot ko.

"Hi! Daddy!" Bati ko.

"Go home now, young lady. We need to talk." Sabi nito at binaba na ang tawag.

“Why daddy?” Kabadong tanong ko.

Lagot. Alam na ni daddy ang nangyari kanina.

“I know what happened to you earlier, young lady. Go home now or else I will give you a punishment again.” Sabi ni daddy.

Napabuntong hininga na lang ako. “Ok Dad.” Sabi ko at pinatay ang tawag.

Kabado akong umiwi ng bahay namin. Pagkapasok ko ng bahay ay nakita ko si Manang Linda na isa sa mga katulong namin na naglilinis.

"Manang Linda!" Tawag ko dito.

Napaigtag naman ito. Nagulat ko yata. Sorry na kabado eh. Baka hindi na naman ako makalabas ng mag-isa ko lang. Mawawala ang freedom ko.

"Ayy..diyos ko!! Ikaw pala yan Janice. Aatakihin ako dahil sayo." Sabi niya habang nakahawak sa dibdib. Nag peace sign ako.

"Sorry po. Nasaan po ba sila mommy at daddy?" Tanong ko sa kanya.

“Ayy kanina ka pa nila iniintay. Nandoon sila sa office ng daddy mo, kanina ka pa nila hinihintay. Sabi nila sa akin doon ka daw papuntahin. O siya pumunta ka na doon.” Sabi niya.

“Ok po. Sige po.” Sagot ko at sa pag-akyat ko pa lang ng hagdan ay kabadong kabado ako. Sobrang tagal pa ng mga pag-akyat ko at nagisip ng mga dahilan para mamaya.

Kumatok muna ako. Pinagbuksan ako ni mama.

I gave them my sweetest smile. Yung tipong malalasahan nila joke. Para Hindi na sila magalit sa akin.

Nakita ko agad si daddy na naka-upo sa pang isahang sofa at nakatingin ng seryoso sa akin.

“Hi! Daddy and mommy.” Bati ko sa kanila.

“Muntik ka na daw mabangga kanina?” seryosong tanong ni daddy.

Peke akong napangiti. “hehe daddy. Muntik lang naman eh. Hindi naman ako nabangga. Promise next time mag-iingat natalaga ako.” Sabi ko. Kasalanan ito ng lalakeng iyon.

Panira siya sa buhay ko.

“Ahh talaga lang ha? Wala ng next time next time. We’re going to give you a punishment. You’re so brat. Lagi lang nasa mall, bar o Kaya naman sinisundan yung lalaking yun.” Sabi ni daddy.

“Anak Hindi babae ang hahabol. Tayong mga babae ang hinahabol. Alam kong mana ka sa daddy ko sa katigasan ng ulo pero huwag na yung naghahabol ka ng lalake.” Sabi ni mommy.

Napaface-palm na lang ako at si daddy naman ay nanlaki ang mga mata.

“Hon naman.” Reklamo ni daddy. Ayan na naman sila, feel ko maghaharutan na naman sila.

“Why? Hindi ba totoong hinabol habol mo ako noon. Haha hon, huwag mo ng itanggi. Matatalo ka lang.” Sabi ni mommy. Napailing na lang ako. Walang magawa si daddy pagdating kay mom. Under eh.

“Pero dad. Ang gusto ko lang naman ay freedom. Ayaw ko ng bodyguard and please huwag na ninyo akong pasundan.” Sabi ko.

All of my life may bodyguard sa tabi ko. Minsan pinapayagan ako na walang bodyguard o kaya’y tinatakasan ko na lang. Kung hindi bodyguard ay mga spy ni papa na pinapasunod sa akin bilang bantay.

Feel ko laging may nakatingin sa akin.

“Hindi na talaga young lady. Dahil buo na ang desisyon ko. Magiging maid ka ng Isa sa mga ka business partner ko and that’s final.”

bratcatzz

My Commander And Me (Maid Series #2)[Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon