Chapter 16

289 18 0
                                    

Chapter 16
Swollen lips and hickey

Janice’s POV

Hindi niya ako kinibo buong biyahe. Galit pa rin siya. Hanggang sa makauwi kami sa bahay niya. Napaigtad pa ako ng pabigla niyang isinarado ang main door ng bahay niya pagkapasok namin.

“Pasok sa kuwarto ko.” Utos niya sa akin.

Tamad ko siyang tiningnan. “Ano na naman? Pasok ako? Sa kuwarto mo? Hindi naman doon ang kuwarto ko.” Sabi ko sa kanya.

He crossed his arms. Masama niya akong tinitigan. “Punta na.” Utos niya ulit.

“Anong gagawin ko doon?” Takang tanong ko sa kanya. Bakit ba pinagpiiplitan niya?

Matiim lang niya akong tinitigan. Super seryoso niya.

“Alam mo. Pupunta na ako sa kuwarto ko. Ipagluto mo na lang ako ng dinner. Kasi naman bakit ba umuwi na tayo. Sayang yung mga pagkain.” Sabi ko sa kanya at naglakad na papuntang kuwarto ko.

Nakasunod sa akin ang gago na galit at nang nasa tapat na kami ng kuwarto niya ay agad niya akong hinawakan at hinila papasok ng kuwarto niya. I heard that he locked the door.

“Ano ba? Napaka mo naman! Aalis na ako dito. Tumabi ka diyan.” Sabi ko sa kanya at sinubukan kong buksan yung pinto ng pigilan niya ako. Nakaharang pa siya doon. Bigla niyang tinanggal ang coat niya.

Nanlaki ang mga mata ko. “Anong ginagawa mo?” Tanong ko sa kanya. Pinaluwangan naman niya yung neck tie niya.

“Ano bang parusa ang dapat ibigay ko sayo?” Sabi niya at nag-smirk.

“Anong parusa? Punyemes ka. Tumabi ka diyan. Lalabas ma ako dito. Dito sa lungga mo.” Sabi ko sa kanya.

“Hindi ka aalis. Upo ka sa kama.” Sabi niya. Umupo na lang ako. Inayos ko pa yung gown ko. Sayang naman itong gown. Umalis kasi kami agad. Dapat andoon ako ngayon. Inaadmire ng mga kalalakihan. Mapa binta man o matanda pero kadiri naman yung may edad. Dapat binata lang.

“Sino yung lalakeng kasayaw mo kanina?” Biglang tanong niya. Nakaupo na pala siya sa couch ng kuwarto niya.

“Si Jasper.” Sagot ko sa kanya.

“Nalingat lang kami sandali tapos malalaman naming nakikipagsayaw na kayo sa mga pangit?” Sabi niya. Kumunot naman ang noo ko.

“Anong pangit? Hindi naman siya pangit. Napakalaitero mo.” Sabi ko sa kanya. Judgemental si Commander.

“Anong gwapo? Nagwagwapuhan ka doon? Pangit naman ng taste mo sa lalake kung ganun.” Sabi niya.

“Anong pangit ang taste? So pangit din ang taste ko kasi crush kita—”

“Aha! Sabi na nga may gusto ka sa akin.” Putol niya sa sinasabi ko. Napatigil naman ako. Sinabi ko yun?

“Ha? May sinabi ba ako?” Tanong ko sa kanya. Wahh may sinabi ako. Peste itong madaldal kong bibig. Lagi na lang may sinasabi na hindi dapat eh. Lah. Pano nayan. Siguradong akong ipapamukha niya Yun sa akin.

Tumawa siya. “Huli ka na. Huwag ka na magdeny. May secret CCTV itong kuwarto ko. Nakukuha pa nito kahit yung mga sound dito sa kuwarto ko.” Sabi niya. Wahhh….ano ba naman kasi eh. Nadulas lang naman.

Kung may CCTV dito edi nakuhanan niya ng video yung nangyari sa amin? Unless nakapatay yung ilaw ng gabing iyon.

“May CCTV dito?” Paninigurado ko.

“Yep.” Sabi niya at malawak na ngumiti. Nagiinit naman ang mgs pisngi ko. Hinawakan ko ang mga pisngi ko. Gosh. Bakit ba Wala akong maalala ng gabing yun? Sayang naman Hindi ko maalala ang hitsura ng Commander sa ibaba ni Commander—joke. Bastos ng utak ko.

My Commander And Me (Maid Series #2)[Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon