Chapter 21
Girlfriend
Janice’s POV
ALMOST ONE MONTH passed. Sobrang dami na ang nangyari. Naging sobrang close namin ni Kyle at sobrang dami ang nalaman namin sa isa't isa. Marami akong natutunan sa kanya tulad ng magluto kahit mga prito lang. Naka ko na din ang maghugas ng pinggan. Itinuro niya sa akin yung mga alam niya. At minsan na kakainis pa kasi may nagkakagusto sa kanya.
Si Jake naman ay nagising na, ang kaso nagka amnesia ang loko. Hindi niya kami kilala ni Kath. Naawa tuloy ako kay Kath. Sarap batukan minsan ng matauhan at bumalik ang mga memories niya. Pero kahit na hindi niya maalala si Kath ay todo alaga pa rin si Kath sa kanya.
“Bibisitahin kita ulit sa kompanya ninyo.” Sabi ko sa kanya habang inaayos ang damit niyang pang-office. Sinuklay din niya and buhok niya.
“Okay. Dala mo si Griffin sa Clinic ni Darren at saka paalala ko sayo huwag kang magpapahawak sa loko na yun.” Sabi niya at tumango lang ako. Tinutukoy niya si Darren na hanggang ngayon ay pinagseselosan pa rin daw niya. Napatingin lang ako sa kabuuan niya. Ang gwapo niya talaga. Kaya pala panay ang dalaw sa kanya ng mga admirer niya.
He has this mesmerizing eyes, sobrang pulang labi, pointed nose na parang sobrang perfect. Katamtaman na kulay ng balat, hindi naman kakapalan na kilay at idagdag mo pang pinagpala siya sa height. Sobrang hulmado rin ang jawline. Jusko! Itatanong ko nga Kay Tita o sa mommy ni Kyle kung ano ang sekreto nila sa paggawa ng gwapong anak.
“Janice.” Sabi niya sa akin at kumaway Kaya nabalik ako sa reyalidad. Pinagpapantasyahan ko na talaga siya. I really like him. Mabait naman siya but most of the time bully. Lagi niya akong inaasar.
“Bakit ka nakatulala hahang nakatingin sa akin?” Tanong ni Kyle habang may malokong ngiti sa labi. Ano na naman ang nasa isip nito?
“May iniisip lang at hindi ako nakatingin sa'yo.” Sabi ko sa kanya. Sige Janice deny pa. Baka mas lalong tumaas ang tingin sa sarili. Hilig pa naman niya ang buhatin ang sariling bangko.
“Hindi ako naniniwala.” Sabi niya pa.
“Edi Huwag kang maniwala.” Sabi ko sa kanya.
Nauna siyang umalis kaysa sa akin. Maaga din kasi ang schedule ng meeting niya with their clients.
I went to Darren’s Clinic with Griffin. Kailangan din kasi siyang ma check up minsan. Griffin's check up quickly ended. Magaling din kasi yung si Darren. Madami din siyang mga patient.
“Thanks a lot Darren. Mauuna na kami ni Griffin.” I said to Darren.
Ngumiti naman siya. “Okay. Ingat kayo.” He replied.
Umalis na kami sa clinic at pumunta naman ako sa company nila Kyle. Pero bago ako makarating ay may nakita akong nagtititnda ng mangga. Itinigil ko ang sasakyan ko at bumaba.
Parang kuminang ang mga mata ko habang nakatingin sa mga mangga. Naglalaway na ako. I can’t understand myself, hindi ko naman favorite yung mangga pero parang gustong gusto ko na ngayon.
I bought two kilos. I can’t wait to eat these lovely mangoes. Lalagyan ko Kaya ng baggoong? I giggled.
Sumakay na ulit ako sa kotse ko at nagmaneho. Mabilis na lang akong nakapasok kasi kilala na ako ng mga guard doon.
Pumasok ako at agad kong nakita si Ken ang secretary ni Kyle na may hila hilang babae. Namukhaan ko ito.
“What are you doing here bitch?” Tanong ko sa kanya. Si Susie Anne. My blood suddenly boil. She’s smirking. Binitawan siya ni Ken.
“Dinadalaw ko lang naman si Kyle.” Sabi niya.
“Tapos?” Sabi ko at tinaasan siya ng kilay. I crossed my arms while waiting for her answer. She’s lucky, nabibigyan ko siya ng oras.
“We talked, at Alam mo ba ang pinsgusapan namin?—” I cut her.
“Wala akong pake.” Sabi ko at humarap kay Ken. “Paalisin mo na yan.” Sabi ko at pumunta na sa office ni Kyle. Pagkapasok ko ay nakita ko siyang nakaupo sa swivel chair niya. He’s massaging his temple. Hindi man lang niya ako napansin na pumasok. Bukas kasi ang pinto.
“Kyle.” Tawag ko sa kanya at napaangat siya ng tingin sa akin. Bigla siyang tumayo then he hugged me tight.
“What happened? Nakita ko sa labas si Susie. Bakit nandito Yun?” Tanong ko sa kanya habang yakap pa rin niya ako. Ipinatong ko ang ulo ko sa balikat pero nabigo ako. Maliit kasi ako at ang tanggad niya. Hanggang dibdib niya lsng ako.
“Kung ano man ang sasabihin niya ay huwag kang maniniwala. Just trust me.” Sabi niya. My brows furrowed. He looks frightened. Nanatili akong tahimik.
Nag-stay pa kami ng konti sa company niya. May meeting pa kasi siya. Habang nasa meeting siya ay kumain muna ako ng mangga. Kailangan ko pang magpabilis kay Ken ng baggoong. Nagtataka nga ako kasi noon ay ayaw ko sa baggoong kasi mabaho at ngayon ay gusto ko na. Sobrang weird.
Naging matakaw din ako nitong mga nakaraang linggo. Feeling ko tuloy pumapangit na ang figure ko. Tinatamad naman akong magwork out. Naiinis nga ako kasi hindi man lang ako ginigising ni Kyle, tuwing umaga na magja-jogging siya. Ayaw daw istorbohin sa pagtulog.
Paiba iba din ang mood ko. Mabilis magpalit.
Mabilis na natapos ang meeting niya. Madalas na siyang half day lang sa trabaho at hinahayaan naman yun ng daddy niya kasi maganda naman yung dahilan ni Kyle. Binibisita namin si Jake sa hospital at minsan ay sinasamahan namin si Kath na bantayan siya.
Lumipas ang ilang araw at nalungkot ako sa nalan ko. Aalis si Kath papunta sa ibang bansa, para daw magmoveon kay Jake.
Aalis na siya ngayon at nandito na kami sa airport. Paalis na siya. Nakakainis naman si Jake. Naiiyak tuloy ako.
“Bes! Naman kasi. Talaga bang aalis ka?” Tanong ko kay Kath.
“Oo eh. Hindi naman siguro masamang magbakasyon diba?” Kath replied.
“Mamimiss din kita. Kaya habang wala ako huwag kang gagawa ng kalokohan malalagot ka sa akin pag-uwi ko.” Sabi pa niya.
Bumaling siya kay Kyle na nasa tabi ko. “Kyle huwag mo pababayaan itong si Janice. Isumbong mo sa akin kung may ginawang kalokohan at ng masuntok ko siya pagnakauwi na ako.” Bilin niya Kay Kyle na ikinatawa namin.
Tinawag na sila kaya pinanood na lang namin sila na umalis. Kasama din niya ang daddy niya at ang pinsan niya.
“You’re sad. Do you want mangoes?” Tanong niya. Nasa biyahe na kami pabalik ng bahay niya.
“Oo.” Sabi ko at hinilot ang ulo ko.
“Ayos ka lang ba? Napapansin long nahihilo ka na palagi. Patingin ka na Kaya sa doktor.” Sabi niya sa akin.
“Ayos lang ako.” Sabi ko sa kanya ng bigla akong nakaramdam ng pagkasuka.
“Kyle itabi mo.” Sabi ko sa kanya habang naduduwal. Pinigilan kong masuka. Agad naman niyang inihinto ang kotse.
Bumaba ako at doon nagsuka. Nasa likod ko naman si Kyle at hinahaplos ang likod ko.
Lumipas ulit ang ilang araw. Lagi kong dinadalaw si Kyle sa company kasi parang gusto ko siyang awayin at syempre ang makita siya. Nagsusuka ako tuwing umaga Kaya panay ang pilit niyang pumunta na kaming doktor pero ayaw ko.
At pagdalaw ko ngayon ay nadatnan ko siyang may kausap na babae at sobrang dikit nila. Naiiyak na nag-walk out ako. Hindi pa nga kami eh nagtataksil na niya.
“Janice. Mali ka ng nakita.” Habol niya sa akin.
“Ayoko na sayo. Nangbabae ka. Balak pa naman kitang sagutin eh. Malapit na. Naiinip ka na ba? Kaya ka naghahanap ng iba? Hindi ba ako sapat?” Umiiyak na Sabi ko.
“Hindi ako naiinip okay? May pinakita lang siya sa akin Kaya magkalapit kami. Sorry na. Please? Huwag ka ng umiyak.” Sabi niya pero pinagpapalo ko lang siya.
“Ayoko na sayo. Maghahanap na ako Ng iba. Marami pa namang iba diyan. May mga interested parties namang manligaw sa akin.” Sabi ko sa kanya.
“Hindi ko yan papayagan. Bakit kasi Hindi mo pa ako sagutin para naman wala ng mangaagaw sa akin mula sayo. Para buong buo na ako at legal mo na akong angkinin.” Sabi niya at napatingin naman ako sa kanya.
“Edi sinasagot na kita!!” Bulyaw ko sa kanya at nanlaki ang mga mata niya at napangiti siya Ng malawak.
------Hehe
BINABASA MO ANG
My Commander And Me (Maid Series #2)[Completed]
Romance[Maid Series #2] Janice, also known as the spoiled brat at sakit sa ulo ng mga magulang. Pero ng masagad na niya ang mga pasensiya ng mga magulang niya ay ginawa nila itong maid ng kanilang business partner para parusahan. pero hindi niya inaasahan...