Chapter 7
Heart beats
Janice’s POV
Buong umaga ay nasa kuwarto lang ako. Nakausap ko din si Kath at gulat na gulat siya at pinsgtatawanan pa niya ako. Pero hindi ko sinabi sa kanyang sinigawan at inaway ako ni Kyle.
One o’clock na kaya gutom na gutom na ako. Yung favorite biscuit at chocolate ko lang ang kinain ko. At buti na lang ay may natira pang konting tubig sa baon kong tubig kanina. Kaya lang ay kulang. Ang tamis pa naman ng chocolates.
“Huhu!”
Gusto ko sanang lumabas Kaya lang ay ang sabi ni Kyle ay ayaw niya akong makita edi Hindi ako magpapakita sa kanya. Baka sigawan niya na naman ako at sabihan ng masasakit na salita.
Bigla kong naalala yung purple facemask ko sa bag. Bumangon ako at kinuha ang bag ko at hinanap sa loob yung mask ko. Napangiti ako ng makita ko yun.
Lalabas na lang akong nakamask. Para makainom ako ng tubig. Kakargahan ko na lang yung bottle ko at dito na lang ako sa kuwarto ko iinom. Baka makita niya ako sa kusina edi lagot na naman ako sa kanya.
Inayos ko muna yung sarili ko at naglagay ng lip tint sa labi at polbo para fresh pa rin akong tingnan. Pagkatapos ay lumabas na ako at isinuot ang mask ko. Mabilis pero tahimik Kong tinahak ang daan papunta sa kusina. Diretso lang at walang tingin tingin kung saan saan. Baka nandiyan pala siya sa tabi tabi.
Pagdating ko doon ay agad akong nagtungo sa tapat ng ref at binuksan yun. Kinuha ko ang pitsel na may lamang malamig na tubig at nagsalin ng tubig sa bottle. May natapon pa pero konti lang naman.
Naghanap din ako ng tinapay buti na lang at may loaf bread. Kaya kumuha na lang ako at yung palaman at isang kutsara. Sa loob na lang ako ng kuwarto ko kakain.
Pagkatapos ay hindi ko alam na nakaidlip na pala ako. Pero bago ako tuluyang makatulog ay narinig kong nagbukas ang pinto ng kuwarto ko pero dahil sa antok ay wala na akong lakas para bumangon.
Pagkagising ko at kumakalam na ang sikmura ko pero nanlaki ang mga mata ko ng makita ang pagkain na pang dinner sa may table dito sa kuwarto ko.
Tumayo ako para tignan Yun. Full meal. May kanin, ulam, dessert at umumin. May gatas pa. Lumapit pa ako para amuyin Yun.
“Wow! Ang bango!” Sabi ko. Mukhang masarap.
Nakita ko ang isang sticky note na nakadikit sa kutsara.
May nakasulat na:
- Sorry. Ito peace offering ko sayo. Hindi ka din kasi kumain kaninang tanghali.
By: Commander
Ok na sana forgiven na siya pero dahil maarte ako gusto kong sa harap ko siya mismo mag-sorry. Ayaw ko ng ganito.
I sighed. Napatingin ako sa pagkain. Niluto Kaya niya ito? Baka binili lang niya. Baka hindi siya marunong magluto. Echos lang pala niya.
Umiling na lang ako at umupo para magsimula ng kumain. Pero paano kaya kung may lason ito?
Tanga lang self? Peace offering daw eh. At saka Wala na akong pagpipiliian kung Hindi ang kainan ito o kaya’y ang mamatay na lang sa gutom.
Unang subo ko at napapikit ako sa sarap. Masarap eh. Siya Kaya ang nagluto nito? Wala sa hitsura niya ang marunong magluto.
Pagkatapos kumain ay ginawa ko na yung routine ko tuwing gabi. Buti na lang at may sariling cr ang kuwarto at hindi ko na kailangan pang lumabas pa. Pagkatapos ay natulog na ako agad.
Kinabukasan ay nagising ako sa tahol ng isang aso? Napabangon ako bigla.
“May aso dito?” Tanong ko. Isa itong golden retriever. At tuta pa lang ito.
“Awww!!” He's so cute. Binuhat ko siya at hindi naman siya nagpumiglas. Mabait siya.
Paano siya nakapasok dito? Napatingin ako sa pinto ko. Nakabukas iyon. Siguro nakalimutan kong isara. Napatingin ako sa kanya. Para siyang nakangiti.
Noon gusto kong magkaroon ng aso Kaya nga lang ay hindi ako pinayagan kasi tamad ako mag-alaga at saka hindi ko din alam eh. Maarte din ako Kaya kung sakaling mag-poop siya ay hindi ko kakayaning linisan
“Griffin?!” Sigaw Ng isang lalake at tuluyang binuksan ang pinto kong konti lang ang pagkakabukas.
Nanlaki ang mata niya at pati na rin ako.
“Sino ka?” Tanong ko sa kanya.
Nagpasalamat na lang ako at nakapajama akong natulog at hindi shorts.
“Ikaw Sino ka?” Tanong niya sa akin.
“Darren!” Tawag ng isang lalake. Si Commander pala.
Bigla siyang napatingin sa hawak kong tuta.
Biglang lumapit si Kyle at kinuha sa akin yung tuta pero nagpumiglas ito. Binaba ito ni Kyle at nagulat na lang kami ng pumunta sa akin at gustong magpabuhat.
Napatawa na lang ako at yung isang lalake.
“I think Griffin likes you. I'm Darren by the way and you?” Sabi nung isang lalake. So Darren pala.
“I’m Janice.” Sagot ko at napatingin sa asong buhat ko. Ako na muns bahala sa kanya. Aayusin ko lang sarili ko at lalabas na kami.” Sabi ko sa kanila at umalis na lang sila.
Pagkaalis nila ay agad along nag-ayos ng sarili ko. Naligo alo saglit kasi kahol ng kahol yung si Griffin parang pinapamadali niya ako.
Pagkatapos ay lumabas na ako. Nakasuot lang ako ng color black na short na hanggang knee at isang purple na shirt. Hanggang sa paglabas namin ay gusto niya magpabuhat.
Pumunta ako sa sala kasi nandoon sila.
Kinuha siya sa akin ni Darren at binigyan ng pagkain.
“Kaninong aso ba yan?” Tanong ko.
“Mine.” Sagot ni Kyle.
“Pero parang hindi ko naman siya nakita kahapon.” Sabi ko. Inilibot niya ako sa buong bahay pero wala akong asong nakita.
“Kakahatid ko lang yan kanina. Isa yan sa mga aso sa vet clinic ko. Binili na niya. Kawawa naman kasi magisa na lang siya. Nabili na yung mga kapatid niya.” Sabi ni Darren.
“So you’re a veterinarian?” Tanong ko sa kanya.
“Yes. A very handsome vet.” Sabi niya na ikinatawa ko. I heard Kyle tsked.
“Ikaw bakit ka nandito sa bahay ng pinsan ko?” Tanong niya. Natigilan naman ako.
“She’s my maid.” Agad na sagot ni Kyle. Sinamaan ko siya ng tingin.
“A very special maid. Parusa lang ito sa akin ng parents ko.” Sabi ko agad. I rolled my eyes on him.
“Oh! Kaya pala. Hindi halata sayo. You’re beautiful.” Sabi niya sa akin.
“Haha thank you. Gwapo ka din naman eh.” Sabi ko sa kanya at natawa. Masarap pala siyang kausap.
Pagkatapos ng usapan ay naghanda na si Commander ng breakfast namin. Omelette, hotdogs at fried rice. Nandito kaming dalawa sa dining table at nagaayos.
Nasa sala pa si Darren para ayusin si Griffin. Wala aking imikan na dalawa.
“Uhmm…tatawagin ko lang so Darren.” Sabi ko sa kanya at akmang aalis ng pigilan niya ako sa braso.
Napatingin ako sa sakanya.
“Am I forgiven?” Tanong niya. Naalala ko naman yang topic na yan. Umiling ako.
“Then hindi ka kakain.” Sabi niya.
Napanguso ako at kumunot ang noo. “Ano? Wala ka namng puso.” Sabi ko sa kanya.
He grinned. “Then forgive me para makakain ka.” Sabi niya. Nakita kong nsgpipigil siya ng tawa.
“Niloloko mo ba ako?” Tanong ko sa kanya.
“No. I’m serious.” Sabi niya at umayos. Tinaasan niya ako ng kilay.
“Okay you’re forgiven.” Sabi ko sa kanya at ngumiti naman siya at sumimangot naman ako.
Aalis na sana ako ng may pahabol pa siyang sinabi.
“You’re cute by the way.” He said, causing my heart beats faster. Super fast.---------
Hehe :)
BINABASA MO ANG
My Commander And Me (Maid Series #2)[Completed]
Romance[Maid Series #2] Janice, also known as the spoiled brat at sakit sa ulo ng mga magulang. Pero ng masagad na niya ang mga pasensiya ng mga magulang niya ay ginawa nila itong maid ng kanilang business partner para parusahan. pero hindi niya inaasahan...