Chapter 22

292 14 0
                                    

Chapter 22
Period

Janice’s POV

MALAWAK ang pagkakangiti ni Kyle habang pauwi na kami sa bahay niya mula sa opisina niya. Dumaan pa kami hospital para dalawin si Jake na pagaling na. Tsk!

Sorbang saya ni Kyle sinagot ko na siya. Nauto naman ako ng loko. Naiinis ako sa pangiti ngiti niya. Naiirita ako na gusto kong tanggalin yung mukha niya.

“Why are you looking like that to me?” Tanong niya at bumaling sa akin saglit at bumaling agad sa daan namin.

“Nakakainis ka. Nakakainis yan mukha mo.” Sagot ko sa kanya. Sarap niyang sakalin pinaguuto niya lang pala ako kanina.

“Why?” Kunot noong tanong niya. Mas lalo akong nairita dahil sa panay ang English niya sumasakit ang ulo ko. Nakakahilo.

“Tumigil ka nga sa kaka-english mo! Nahihilo ako sa iyo.” Sabi ko sa kanya at tumingin sa bintana. Kumunot naman ang noo niya at sinamaan ko siya ng tingin.

Bigla naman nagbago ang mood ko ng makita ko ang ale noon na pinagbilhan ko ng mga mangga. Bigla akong naglaway sa mga tinda niyang mangga. Nawala agad ang pagkairita ko kay Kyle.

Binalingan ko si Kyle. “Itigil mo nga ang kotse. Bibili ako ng mangga.” Sabi ko sa kanya at itinigil nga naman niya. Agad akong lumabas ng kotse at sinabi sa aleng bibili ako ng isang kilo. Nakita ko namang sumunod sa akin si Kyle na nasa tabi ko.

Binuksan ko yung sling bag ko para Sana kunin yung wallet ko pero Wala akong makuhang wallet. Saan ko ito nailagay?

“Nawawala yung wallet ko.” Baling ko kay Kyle.

Naglabas siya ng pera at siya na ang nagbayad ng mga mangga. Binigay niya sa akin yung mga mangga. Para tuloy akong naguilty kasi nairita ako sa kanya kanina.

“Thank you sa mangga. Bayaran na lang kita kapag nakita ko na yung wallet ko.” Sabi ko sa kanya pagkasakay namin sa kotse niya. Saan ko ba kasi yun naiwan? Sana naman sa mabait na tayo Yun naiwan. Andoon pa naman yung mga credit cards ko at mahahalagang bagay. Maibalik Sana ng mabait na tao yun.

“Saan mo ba naiwan yung wallet mo?” Tanong niya sa akin. Napaisip ako. Sana ko nga ba kasi yun naiwan. Nung nagpunta kami sa hospital ay meron pa Yun.

“I think sa hospital ko yung naiwan.” Sabi ko sa kanya.

“Tatawagan ko na lang si Ate Ericka para tanungin kung naiwan mo nga doon yung wallet mo.” Sabi niya sa akin tumango na lang ako.

Mabilis naman kaming nakauwi sa bahay niya. Ewan ko pero ramdam na ramdam ko ang pagod sa katawan ko. Hindi naman ako ganito noon. Gusto kong matulog pero maaga para sa karaniwan kong oras ng pagtulog. Parang hinihila na talaga ng kama ko ang katawan ko.

Humiga ako sa kama ko at hindi ko namalayang nakatulog na talaga ako. Nagising ako dahil may tumatapik sa mukha ko. Iminulat ko ang mga mata ko at nakita ko sa Kyle na naka-upo sa kama ko.

“Anong ginagawa mo dito?” Tanong ko sa kanya.

“Gabi na. I’m worried. Baka gutom ka na. Gusto ko sanang huwag ka ng gisingin pero malilipasan ka ng gutom. Baka sabihin ng parents mo na pinababayaan kita. So, bumangon ka na at kakain na tayo.” Sabi niya.

Kumunot ang noo ko. “Anong oras na ba?” Tanong ko sa kanya at tumingin sa bintana. Madilim na pala sa labas. Gabi na.

“Seven o’clock. Nag-aalala na ako sayo. Madalas ka ng mahilo at nagsuka ka pa. I think you need to have a check up sa hospital.” Sabi niya. Bumangon ako mula sa pagkakahiga ko at inayos ang buhok ko.

“Hindi na kailangan. Masama lang talaga ang pakiramdam ko.” Sabi ko sa kanya. Hospital na naman. Nagsasawa na kaya ako sa hospital. Nakakasawa na ang amoy ng hospital. Iba't ibang kemikal ang naamoy.

“Malay ba natin kung may iba ka ng sakit na kailangan seryosohin. Worried lang ako para sa girlfriend ko.” Sabi niya at nahuli ko siyang ngumiti. Sayang saya. Pero bakit ako parang naiinis akong makita siya.

“Kumain na nga lang tayo. Ano bang ulam?” Tanong ko sa kanya.

“Beef steak.” Sagot niya. Bigla ko namang naalala yung mangga ko. “Yung mangga ko? Ihanda mo yung mangga ko.” Utos ko sa kanya at tumayo.

Sabay kaming lumabas ng kuwarto ko at pumunta ng kusina para kumain. Sinalubong ako ni Griffin at pumunta sa paa ko na parang gustong magpabuhat.

“Mamaya na lang tayo magalaro Griffin.” Sabi ko kay Griffin.

“Bakit ba gustong gusto mong kumain ng mangga? Hindi ka naman ganito noon.” Takang tanong naman ni Kyle habang nagbabalat siyang ng mangga ko. Napaisip naman ako. Yan din ang pinagtataka ko.

“Pero Wala namang masama di ba?” Sabi ko sa kanya at sumandok ng kanina. Pagkatapos naman ay kinuha ko yung beef steak agad akong pumunta sa cr kasi na duduwal ako. What’s happening to me?

Napaisip ako. Agad akong naghanap ng calendar at nanlaki ang mga mata ko ng marealize ko na hindi pa ako dinadatnan. Super delay na. Kinabahan ako. What if may nagbunga sa nangyari sa amin ni Kyle? Omg!

KINABUKASAN ay maaga kaming pumunta sa hospital. Lalabas na ng hospital yung si Jake. Kung puwede ko lang siyang sakalin ay gagawin ko na. Sinaktan si Kath. In love pa rin yata kasi sa ex. Napairap ako. Naiwan ko din naman kasi yung wallet ko at mahahalagang yung mga gamit ko doon.

Nagsalubong namin si Ate Ericka habang papunta palang kami sa kuwarto ni Jake. Papunta na din pala siya sa kuwarto ni Jake.

“Hello! Yung wallet mo Janice nakay Jake. Siya yung may hawak.” Sabi niya sa amin. Kumunot naman ang noo ko. Bakit nasa kanya?

Agad naman kaming nakarating sa kuwarto niya. Yung una ay ayaw pa niyang ibigay sa sa akin yung wallet ko. Tapos may rason naman pala. Nakita niya Yung picture namin ni Kath noon simula noong mga bata palang kami at ito pala yung matagal na ding hinahanap ni Jake. Like what the! Childhood friend din pala sila tulad namin ni Kyle.

Saglit namang nagpaalam kami ni Ate Ericka dahil inaayos niya yung mga kailangan para makalabas na si Jake dito sa hospital. Nag-usap naman yung dalawa.

“Ate may itatanong lang ako.” Sabi ko Kay ate Ericka. Kumunot naman ang noo niya habang nakatingin sa akin. “Ano yun?”

“Kasi nitong mga nakaraang araw ay may kakaiba along nararamdaman. Yung pang buntis? Delayed din yun period ko at hindi naman ako ganun. Possible bang buntis ako?” Sabi ko sa kanya na ikinalaki ng mata niya.

“Possible, Lalo na kung may nangyari na sa inyo ni Kyle. Kung meron nga ay kailangan mo ng kumunsulta sa doktor.” Sabi niya na ikinatango ko. Bumiling ang tibok ng puso ko. Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko pero kailangan ko na yatang magpatingin sa doktor.

“Ano bang nararamdaman mo?” Tanong niya.

“Madalas akong mahilo, naduduwal, nagke-crave ako ng something at parang gusto kong matulog at lagi along tinatamad at madalas din na paiba iba yung mood ko. Naiinis pa nga ako sa mukha ni Kyle.” Sabi ko sa kanya.

“Possible ngang buntis ka. Pero hintayin mo lang ulit ng ilang araw, baka magkaroon ka na pero kung wala pa rin edi hello baby.” Sabi niya.

Damn that period.





______

Yezzzzz🐣🍼

My Commander And Me (Maid Series #2)[Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon