Chapter 24

352 17 0
                                    

Chapter 24
Liar

Janice’s POV

“BES! Labas naman tayo ngayon. Lagi ka na lang dito eh. Akala ko ba galit ka sa kanya pero bakit parang hinihintay mo siya?” Napatingin ako kay Kath dahil sa sinabi niya.

Nandito ako sa bahay namin. Sa bahay ng parents ko. Hindi ko alam kung gusto ko pang tumira sa bahay ni Kyle. Galit pa rin ako sa kanya. Pagkagising ko ay agad akong umalis habang tulog siya at bumalik dito sa bahay.

Hindi ko alam kung Alam na niyang buntis ako kasi si mommy at daddy ay Alam na. Pati si Kath at Jake. Pero sigurado akong naichismis na ni Jake kay Kyle. Naiwan ko din naman kasi yung box na naglalaman ng regalo ko kay Kyle.

Araw-araw na dinadalaw ako ni Kyle pero ayaw ko siyang harapin. Gusto kong patunayan niya sa akin hindi totoo ang sinasabi ni Susie. Ilang araw na ang lumipas mula nung araw ng birthday niya. I hate that day. I hate Susie Anne. Ang pangit ng pangalan. So cheap like her.

“Wala akong ganang lumabas.” Sabi ko Kay Kath at nahiga sa kama ko. Madalas siyang dumalaw sa akin. Lalo na't siya ang Isa sa mga umaaliw sa akin.

Gulat na gulat yan ng malaman na buntis ako. Excited daw siyang maging ninang at Tita at ngayon kinukulit na naman niya akong lumabas at magmall. Gustuhin ko naman ay ayaw makioperate ng katawan ko. Gusto ng katawan kong mahiga lang at kumain ng maasim na mangga.

“Wala na naman? Kukutusan ko na yata ang baby mo. Laging tulog ang Alam.” Sabi niya. Mas lalo akong napasimangot. Dinamay pa yung baby ko.

“Kutusan? Ikaw kaya kutusan ko diyan. Gusto ko lang kumain ng mangga ang speaking of mangga ay pakisabi nga kay Manang Linda yung pinapabalatam kong mangga.” Sabi ko at kinuha ang phone to at binuksan yun.

Punong puno ito ng massages ni Kyle pati missed calls mula sa kanya. Nakausap ko din si Mommy niya at sinasabi niya sa akin yung mga ginagawa ni Kyle. Kung mayroon ngang balak si Kyle na bumalik ako sa kanya o wala.

“Ginawa mo pa akong utusan.” Sabi ni Kath at tumayo. “Kung hindi ka lang buntis, ay kanina ka pa kita hinila palabas ng kuwarto mo. Hindi ko na namin alam ang gagawin namin sayo.” Sabi niya.

“Yung mangga ko.” Paalala ko sa kanya. Napairap siya at lumabas ng kuwarto ko.

Napaigtad ako ng agad siyang bumalik at napabangon ako bigla ng bigla siyang pumunta sa tabi ko.

“Andiyan sa baba si Kyle. Umagang umaga ay hinahanap ka naman. Hindi na daw uubra yung katigasan ng ulo mo sa kanya. Wala ang mommy at daddy mo kaya papasukin na niya daw dito.” Sabi niya na ikinalaki mg mata ko.

“Ano?!!! Aba walang hiya talaga. Harangin mo!” Sabi ko sa kanya at pinatayo si Kath. Tumayo naman siya at agad na binuksan yung pinto ng kuwarto ko at napasinghap kami ng makita namin si Kyle na bumungad sa akin. Nanlaki ang mga mata namin at para kaming nakakita ng multo.

“Anong ginagawa mo dito? Umalis ka na dito!” Sabi ko at tumayo akamang isasarado ko ang pinto ng kuwarto ko at ng pigilan niya Yun at pumasok na siya.

“Maguusap lang kami.” Sabi niya kay Kath at napatango naman si Kath. Napatingin sa akin si Kath at sumenyas na lalabas muna daw siya.

Isinarado ni Kyle and pinto ng kuwarto ko at kinuha ang upuan sa may study table ko at doon umupo.

“Now! Mag-uusap na tayo. Pakinggan mo lang ako, kahit Yun lang. Please konting time lang naman. Hayaan mo akong magsalita. Ayaw kong hindi mo ako kinakausap. Hindi ako kinakausap o pinapansin ng girlfriend kong buntis.” Sabi niya at napatingin ako sa kanya Kaya nagtama ang mga mata namin.

Miss na miss ko na siya. Ilang araw na hindi kami nagkalapit ng ganito. Uminit ang mga mata ko. May mga nagbabadyang tumulo na mga luha mula sa mga mata ko. I miss his hugs and kisses. Our cuddle times. I miss him.

“Sige papayagan kitang magsalita ngayon. Papakinggan kita.” Sabi ko sa kanya at nagiwas ng tingin. Napunta sa sahig ang tingin ko.

“I miss you. Pero Alam kong galit ka kaya I understand. Pero walang katotohanan ang mga yun. Alam kong Hindi sa akin ang batang dinadala niya. Papatunayan ko yun sayo. Maghintay ka lang. Ikaw lang naman ang gusto kong anakan wala ng iba.” Sabi niya at nanlaki ang mga mata ko sa huling mga salita niya.

“Sige patunayan mo! Hihintayin ko. Pakibilisan lang naiinip na ako.” Sabi ko sa kanya. Napangiti naman siya. Ang nginingiti ngiti niya?

“Huwag kang ngumiti. Nakakainis.” Sabi ko sa kanya. Sarap niyang hampasin. Naiinis kami ng anak niya sa mukha niya.

“Pinaglilihian mo ako.” Sabi niya at mas lalong ngumiti at mas lalong ikinainis ko.

“Sabing huwag kang ngumiti. Umalis ka na nga lang dito.” Sabi ko sa kanya. Tumayo ako at pinatayo siya. Tumigil ako sa pagtulak sa kanya ng tumayo siya.

“Okay okay. Basta kainan mo yung mga pagkain na niluto ko para sayo. Madami akong dala alam kong gustong gusto mo yung luto ko. May dala din akong mga mangga.” Sabi niya at lumabas na ng kuwarto ko.

Hindi ko alam pero hindi ko magawang magalit sa kanya ng todo. Hinabol ko siya at niyakap mula sa likod bago pa siya makababa ng hagdan.

I sobbed. “Mag-iingat ka. Mahal kita.” Sabi ko sa kanya. Wala eh miss mo na siya. Napaluha ako. I love him so much.

Tinanggal niya ang pagkakayakap ko sa likod at hinarap ako para yakapin. “Ikaw din mag-iingat ka dito. Alagaan mo yung sarili mo. Hintayin mo ako.” Sabi niya sa akin at mabilisang hinalikan ako sa labi at sa noo.

Humiwalay na siya at nagpaalam sa akin. Pinanood ko siyang naglakad paalis ng bahay.

“Hihintayin kita.” Bulong ko sa hangin.

TWO DAYS PASSED at sa tanging text lang ang paramdam ni Kyle. Seroyoso yata siyang gumagawa ng paraan para patunayan na hindi nga siya ang ama ng dinadala ni Susie. Ang bruha na yun. Gagawin talaga ang lahat para lang mapasankanya si Kyle.

Dahil din sa kanya kanya ay hindi ako lumalabas ng bahay. Nag-aalala ako na baka may gawin siya sa akin na masama para lang mapasankanya si Kyle. Baliw yata yung babaeng yun. Sobrang baliw kay Kyle. Kung mapatunayan ngang hindi so Kyle ang ama ng baby niya ay maaawa na lang ako sa batang dinadala niya. Wala pa sa mundo ay ginagamit na.

Ngayon ay hindi ko alam kung anong pakana nila mommy, daddy at Kath at pinagbibihis ako. Kakatapos ko lang mag-agahan. Buti na lang at nakaligo na ako. Hindi ko alam pero may nararamdaman akong kakaiba.

Hinawakan ko ang tiyan ko at nagdasal bago lumabas ng kuwarto ko. Another day na lalabas ulit ako. Ayaw kong may mangyaring masama so I need to pray first for my safety.

Sumakay na kami Van namin at habang nasa biyahe kami ay kinakabahan ako. Saan ba kasi kami pupunta?

“Saan tayo pupunta?” Tanong ko kay Kath. Katabi ko siya.

“Basta. Ready yourself.” Sabi niya at tumingin ulit sa phone. Katext niya yata si Jake. Ngumingiti ngiti pa siya na parang kinikilig. Jusko! Harot din eh.

Napakunot noo ako ng makita ko ang daan papunta sa bahay ni Kyle. Si Kyle ba ang pupuntahan namin? “Kath, saan ba tayo pupunta?” Tanong ko ulit.

“Huwag ka ng tanong ng Tanong diyan buntis. Naku! Naiistress ako sayo.” Sabi niya. Napairap naman ako. Alam kong papunta ito sa bahay ni Kyle. Anong gagawin namin doon? May party ba?

At Tama nga ako, sa bahay ni Kyle ang punta namin. Tumigil ang sasakyan namin sa harap ng bahay niya. May Isa pang tumigil na sasakyan. Nakita kong lumabas doon si Susie na nakangiti pa. Anong ginagawa ng bruha na ito dito?

“Pakipigil nga ako baka masabunot ko yung babaeng yan.” Sabi ko kay Kath pagkababa namin.

Natawa naman siya. “Kung hindi ka lang buntis girl ay hindi kita pipigilan pero ako na lang ang sasabunot sa kanya para sayo.” Sabi niya. Napatingin sa gawi namin so Susie. Unti unting nawala ang ngiti niya. Assummera. Sigurado akong may dahilan kung bakit siya nandito.

Napatingin si Susie sa amin. Nakita kong kasama din niya ang mga magulang niya.

“Anong ginagawa mo dito?” Tanong niya sa akin. I crossed my arms.

“Bakit bawal na ba ako sa bahay ng boyfriend ko? Baka nga bawal dito ang higad eh.” Sabi ko sa kanya.

“Watch your words woman. Hindi ka yata pinalaki ng maayos ng mga magulang mo.” Sabi ng mommy ni Susie. Akmang magsasalita si mommy ng pigilan siya ni daddy.

“Sorry po pero sinsabi ko lang po ang totoo. Kayo po ba napalaki po ba ninyo ng maayos yang anak ninyo? Sa pagkakaalam ko eh, mangaagaw siya ng boyfriend. Ang hilig niyang ipagsisiksikan ang sarili siya sa taong ayaw siya. Napalaki ba ninyo ng maayos?” Tanong ko sa kanila at hindi sila nakapagsalita. Napatawa naman ang mga kasama ko pati yung mga guard ni Kyle.

Pinapasok na kami at sumalubong sa akin ay si Kyle na niyakap ako agad at hinalikan sa noo. Napangiti ako. Sigurado akong nakita Yun ni Susie at yung mga magulang niyang ang pangit magbigay ng pangalan sa anak. Susie Anne? Eww!

Humiwalay siya sa pagkakayakap sa akin at pinaupo kami sa couch dito sa sala. Nandito din pala ang parents ni Kyle. Niyakap at binati ko din sila.

“Ako ba Kyle? Hindi mo ba ako papaupuhin?” Tanong ng malandi Kay Kyle. Tiningnan lang siya ni Kyle at may lalakeng pinapasok. Hindi ko siya kilala.

I saw Susie gasped. Nanlaki ang mga mata niya.

“Anong ginagawa ng lalakeng 'yan dito?” Tanong ni Susie. Kilala niya yung lalake.

“This is Edward.” Pakilala ni Kyle at tumingin kay Susie. “Your Ex and siguro akong siya ang ama ng anak mo.” Sabi ni Kyle. Nanlaki ang mga mata namin.

“Hindi totoo yan. Ikaw and ama ng batang ito.” Sabi niya.

“Huwag ka ng magsinungaling hija. Mas mabuting umamin ka na lang.” Sabi ng mommy ni Kyle.

“I’m not lying.” Paninindigan niya.

“Then ito yung mga pruweba ko.” Sabi ni Kyle at ipinakita sa amin ang ilang papel. Ayon sa test mo. Your 4 weeks pregnant na hindi naman sakto sa date na sinasabi mong may nangyari sa atin. Isa pa pinuntahan namin ang bar kung saan tayo nagkita at base sa mga CCTV nila ay ikaw nga ang naguwi sa akin pero ang Sabi ng driver mo ay iniuwi mo ako agad.” Sabi ni Kyle.

Napangiti ako at parang nabunutan ako ng tinink sa lalamunan. Lumabas na ang totoo.

“So kung Hindi ikaw ang ama edi sinong ama?” Tanong ng daddy ni Susie.

“I am.” Sagot ni Edward.

“I can’t believe this… Susie your lying?” Sabi ng mommy ni Susie at tumayo. “Let’s go. Aalis na tayo dito. Nakakahiya. Gumawa ka pa talaga ng gulo.” Sabi nito at hinila palabas ng bahay ni Kyle.

Agad namang sumunod si Edward sa kanila.

Napatahimik lang kami at bumuntong hininga ako. At least Alam na namin ang totoo. She’s a liar.

“That girl!” Nanggigigil na Sabi ng mommy ni Kyle.

“I can’t believe that she can do that.” Sabi naman ni mommy.

Nagtama ang tingin namin ni Kyle. Napangiti siya.

“Hihiramin ko lang po si Janice.” Paalam ni Kyle sa akin at dinala niya ako sa balcony ng second floor. Agad niya akong niyakap.

“Tapos na. Huwag na kayong aalis ulit. Mababaliw yata ako kakasuyo sayo. Ang tigas ng ulo mo.” Sabi niya sa akin.

“Naiinis ako sa mukha mo, huwag mo ng dagdagan.” Sabi ko sa kanya.

Humalakhak siya. “I love you.” Sabi niya. Bumilis naman ang tibok ng puso ko.

“I love you too.” Sabi ko and we kissed.





____
______

^_^

My Commander And Me (Maid Series #2)[Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon