Chapter 4

415 18 0
                                    

Chapter 4
The commander

Janice’s POV

Napairap na lang ako sa hangin habang pinapanood ko ang love triangle. Halata namang may gusto kay Kath yung master niya at ito naman si Kyle hindi naman lang mapansin na may gusto yung kaibigan niya kay Kath.

Hindi naman ako bitter, konti lang.

Lahat ng inuutos ni Jake kay Kath ay ginagawa ni Kyle. Balimbing lang ang peg. Pag saakin ang sama ng ugali pero kapag kay Kath ang bait. Napaka plastic.

“Wow....ang sweet naman ni Kyle.” Tudyo naman ni Ate Ericka.

“Anong sweet sa lalaking yun? Hindi kaya.” Sabi ko naman at umirap. Duh!

Dumating naman siya na may dalang nga inumin. Madami Kaya para sa amin yun. Per dahil may trust issues ako sa kanya ay hindi ko yan iinumin.

“Hindi ko iinumin yan, baka may lason.” Sabi ko ng abutan niya ako.

“Judgemental ka!” Sigaw sa akin ni Kath.

“Sino ba kasing nagsabi na uminom ka. Hindi kita pinipilit.” Sabi nung kumag na Kyle. Paano ko naman maeenjoy itong vacation na ito kung mukha niya ang makikita ko.

Halos masuka ako kina Kyle at Kath. Pwe.

“Tsk! Huwag kayo dito maglandian sa harapan ko.” Napalingon kami kay Jake dahil sa sinabi niya. Madilim ang mukha at halatang galit pero syempre konting tago din baka mahalatang nagseselos.

“Grabe ka naman, Lil brother! Inggit ka no!” Sabi ni Ate Ericka.

“Haha...o baka naman bakla ka at crush mo si Kyle.” Sabi ko naman. Kasi naman mukha talagang bakla eh. Ang galing pang umirap, mas magaling pa sa akin.

Iniimagine ko na pa lang na babakla bakla siya at kinikilabutan ako. Pero paano kung totoo. Baka lang naman eh.

“Hindi ako bakla.” Tanggi ni Jake.

Hindi naman kami naniwala. Let’s see kung anong gagawin niya.

“Oo nga gusto niyo patunayan ko pa.” Sabi niya at nag-smirk. Tumango naman kami bilang sagot. Ang saya nila panoorin.

“Watch.” Sabi niya at biglang tumayo.

Nanlaki ang mga mata namin sa nakita. Bigla niyang hinila patayo si Kath at hinalikan sa labi. Like omg. Napatingin ako kay Kyle. Nakita kong dumaan ang pain sa mga mata niya. Bigla siyang tumalikod.

I tsked.

Naghiwalay sila bigla ng dumating sila manang Elma at yung ibang kasambahay. Nakita Kong masama ang tingin ng Isa sa mga kasambahay. Bigla itong naglakad para makaalis.

Bigla namang sumunod si Kath doon. Anong nangyayari? Hindi language love triangle? Square?

Naloloka ako sa nangyari. Kaya agad akong nagpasalamat ng matapos na sng vacation. Na-stress ako sa dami ng problema ni Kath at ngayon ay problema ko na ang kahaharapin ko.

I can’t believe that this is really happening. Hindi na talaga. Nagbago ang isip ni daddy. And this day at ipapakilala na niya ako sa magiging amo ko, which is his business partner na kinausap pa niya.

“Anak, huwag kang passway mamaya.” Sabi sa akin ni mama habang inaayos ang suot Kong dress.

“Mom. I hate this. Itutuloy ninyo talaga? Sayang ang beauty ko doon. Baka ako pa ang mapagkamalang mayari ng bahay dahil sa ganda ko.” Sabi ko na ikinatawa niya.

“Puro ka talaga kalokohan. You’re always lifting you chair.” Sabi niya.

“Nasaan na pala si daddy, mom?” Tanong ko.

“Nauna na sa meeting place. Basta be nice to them. Kasama din nila yung anak nila na kaedad mo rin lang.” Sabi ni mommy.

“Anong oras ba dapat nandoon na tayo?” Tanong ko sa kanya.

“Two hours from now. So you better be there. Pupunta na ako. Mag-uusap pa kasi kami about business so mabobored ka lang. Plus Wala pa daw doon ang anak nila na puwede mong makausap kung sakali lang.” Sabi niya.

I nodded. “Pumunta ka na Mom.” Sabi ko sa kanya.

Kinuha naman niya ang bag niya. “Ok. Basta pumunta ka. Kung ayaw mong dagdagan na naman ng daddy mo yung parusa mo. Huwag matigas ang ulo.” Paalala niya bago umalis.

Naupo na lang ako sa sofa namin at nagpalipas ng oras. Makalipas ang ilang minuto ay tumunog yung phone ko. May tumatawag sa akin.

Si Kath.

“Hello? Kath.” Sagot ko sa tawag niya.

“Hello! Janice! May problema tayo.” Sabi niya na ikinakunot ng noo ko.

“Hah? Anong problema? Ano yun? May nangyari ba?” Nagaalalang tanong ko sa kanya. Naku! Anong nangyari? Kung about Yun sa bruhildang Sam na yun talagang hahanpasin ko siya ng 5 inches heels ko ng mahiya naman.

“Nabunyag na yung totoo. Alam na nila kung sino ako dito sa bahay na kinalalagyan ko ngayon. Help me. Sunduin mo ako dito. Now na.” Sabi niya sa akin. Shemay!

Tumayo naman ako agad at kinuha ang bag ko. “Ok. Ok. Pupunta na ako diyan. Wait for me. Bye.” Sabi ko at pumunta sa kotse ko.

Buti na lang at nasa labas na.

“Ok bye. Pakibilisan please.” Sabi niya bago pinatay ang tawag.

Bago ko naman mapaandar ang sasakyan ay humarang ang driver. Ay oo nga pala bawal pala ako magdrive.

“Ma’am Janice, saan po kayo pupunta?” Tanong niya.

“Kuya sorry pero hindi ka puwedeng sumama. Emergency kasi ng kaibigan ko Kaya nagmamadali ako manong.” Sabi ko sa kanya.

“Pero ma'am ako po ang malalagot sa daddy mo.” Sabi niya.

“Kuya ako na ang bahala sa iyo. Umalis ka na emergency ito.” Sabi ko sa kanya at Wala na siyang nagawa pa ng paandarin ko ang kotse ko.

Pumunta agad ako sa bahay nila Jake kung nasaan si Kath. Naku. Baka nagkakagulo na doon. Malay ko ba kung bayolente pala yung Jake na yun. Loko loko pa naman.


Nagring naman ang phone ko. Si Mom pala.

“Hello mom?” Sagot ko.

“Janice, umalis ka daw ng hindi kasama ang driver mo.” Sabi niya. Ang bilis naman makapagsumbong ni Kuyang driver.

“Mom. Kailangan ako ni Kath.” Sabi ko sa kanya. Feeling ko uuwi na din yun. Miss na din yun ng daddy niya.

“Ano bang nangyari?” Tanong niya.

“Basta mom. Mabilis lang ito. Hindi naman gaanong malayo yung lugar. Susunduin ko siya. Uuwi na yata.” Sabi ko.

“Ok. Pero makakarating ka ba?” Tanong niya.

“Oo Mom. Pero late na Mom.” Sagot ko.

“Ok. Ingat ka anak. Pakibilisan mo na lang any pagbalik. Ingat sa pagmamaneho.” Sabi niya bago nagpaalam.

Pagdating ko sa bahay nila Jake ay bumusina ako. Para malaman ni Kath na dumating na ako.

Nakita ko naman siyang lumabas agad ng bahay. Halatang malungkot at parang umiyak siya. Nasaan ba yung Sam na yun.

Ipinasok niya yung mga gamit niya sa compartment ng sasakyan ko.

Nakita ko pang may tiningnan pa siya bago pumasok ng kotse. Si Jake na nasa veranda ng bahay niya.

“Let's go na Janice.” Sabi niya sa akin. Agad ko naman siyang sinunod.

“Ok.” Sabi ko at pinaandar na ang sasakyan. Buong biyahe ay tahimik lang siya at nakatingin sa may bintana. Balak ko pa sanang magpatutog ng malungkot para naman damang dama niya pero baka umiyak na lang bigla Kaya huwag na lang.

Hinatid ko na siya sa bahay nila kasi Yun ang Sabi niya. Iuwi ko na kang daw siya. Buti naman kasi baka ipakidnap na ako ng daddy para lang sabihin kung nasaan siya.

Pagkahatid sa kanya ay agad din akong nagpaalam kasi may pupuntahan ako. Tinignan ko ang oras. 20 minutes na akong late.

Pagpasok sa isang restaurant ay nagulat ako ng may bumangga sa akin. Isang lalake. Handa na sana akong sigawan siya ng biglang nanlaki ang mga mata ko ng makilala ito.

“Ikaw na naman.” Inis na Sabi ko kay Kyle. Hanggang dito ba naman makikita ko siya.

“Hey! Woman sorry.” Sabi niya.

“Hey! Lagi mo na lang bang balak sirain ang araw ko?” Sabi ko sa kanya.

“Sorry pero isipin mo na ang gusto mong isipin.” Sabi niya at nauna nang pumasok sa restaurant.

Huminga ako ng malalim para mapakalma ko ang sarili ko.

“Janice.” Tawag sa akin ni Mommy akaya agad akong nagpunta sa table nila at nakakainis ng makita ko ang pagmumukha ni Kyle sa table.

Huwag mong sabihin na siya yung tinutukoy na anak ng business partner niya. Haha small world.







My Commander And Me (Maid Series #2)[Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon