Chapter 17
Yes
Janice's POV
NAPANGIWI na lang ako habang nakatingin kay Kyle habang ginagamot niya yung pasa niya sa gilid ng labi. Napalakas yata yung pagsuntok ko sa kanya. Nasuntok ko kasi siya kanina. Nagdilim yata yung paningin ko. Nakakahiya kasi kay Darren. Baka kung ano yung isipin niya tungkol sa akin at kay Kyle.
“Ano bang mayroon sa inyo guys?” Tanong ni Darren sa amin. Ano nga ba kami? Anong bang mayroon sa amin? Wala naman.
Sasagot na sana ako ng maunahan ako ni Kyle.
“I like her and she likes me too. So she’s off limits because she’s mine.” Sabi niya.
Nalaglag ang panga ko sa sinabi niya. “Hoy! Kailan ko inamin na may gusto ako sayo?” Sabi ko sa kanya. Hindi ko pa naman talaga inamin eh, nadulas lang yung bibig ko.
“Anong hindi? Inamin mo Kaya sa loob pa ng kuwarto ko.” Sabi niya na ikilaki ng mata ko. Napatingin ako kay Darren.
“You know guys. Aalis na lang ako. Para makapaglinawan na kayo ng feelings. Madami pa kasi akong gagawin sa clinic.” Sabi ni Darren at tumayo na.
“Uhmm. Aalis ka na agad?” Tanong ko sa kanya.
“Yes. Baka masakal ako ni Kyle kapag nandito pa ako.” Sabi niya at nagpaalam na.
“Putek ka! Kung ano ano sinasabi mo.” Sabi ko kay Kyle. Tumayo naman siya at umupo sa tabi ko.
“Bakit totoo naman ah.” Sabi niya. Sinamaan ko siya ng tingin.
“Huwag kang mang inis. Tatamaan ka sa akin ulit. Baka mabasag ko na yung mga bones mo sa katawan.” Banta lo sa kanya. Tumawa lang siya at inakbayan ako.
Naiinis naman akong pumunta sa kuwarto ko. Nagtext ako kay Kath na bibisita ako sa kanya. Wala kasi akong nagawa dito sa bahay ni Commander. Ayaw ko namang maglinis kasi may naglilinis naman na pupunta dito sa bahay niya. Dalawang beses sa isang linggo.
Nagpalit na ako ng damit at inyos ang sarili ko. Paglabas ko ng kuwarto ko at nakita kong lumabas din ng kuwarto niya si Kyle.
“Saan ang punta mo?” Tanong ko sa kanya.
“Bakit ka curious?” Tanong niya at may mapanuksong ngiti sa labi.
“Wala naman. Pupuntahan ko pala si Kath. Puwede naman hindi ba?” Sabi ko sa kanya. Papayag naman siya siguro.
“Puwedeng puwede.” Sabi niya at nag-smirk. Napakunot noo ako. Parang may nararamdaman akong may binabalak siya. Sa smirk pa lang niya parang may masama na siya binabalak sayo.
Pagkarating ko sa bahay nila Kath ay sobrang excited akong magkuwento kay Kath at syempre makichismis. Dapat updated ako sa mga importanteng happenings.
“Hello. Kath.” Bati ko sa kanya. Nandito kami sa sala.
“May ikukwento ako sayo bes. Nakakaloka yung mga nangyari kagabi sa party. Blah blah blah.” Ikwinento ko sa kanya yung kagabi sa party ng mapansin kong parang hindi na siya nakikinig sa akin at parang wala sa sarili niya. Nagde-daydream ba siya?
“Kath!!!” Sigaw ko para mabalik na siya sa reyalidad.
“Bakit?” Tanong niya sa akin.
Kumunot ang noo ko. “Bakit parang wala ka sa sarili mo? Alam mo bang kanina pa ako salita mg salita dito at nagkukwento sayo hindi ka naman pala nakikinig. May nangyari ba na Hindi ko alam? Share mo naman sa akin.” Sabi ko at nameywang. Sabi na eh. Hindi na ako updated sa mga ganap. Ako pa naman ang dakilang chismosa dito.
“Wala! Walang nangyari.” Sabi niya kahit na alam kong mayroon talaga. Umiwas pa siya sa akin ng tingin.
“Owwsss?? Bakit hindi ka makatingin sa akin? Wahhh!!!! Bes naman eh may tinatago ka!!!” Sabi ko at nagdrama.
“Wala nga okay!” Sabi pa niya.
“Siguraduhin mo lang ahh.” Sabi ko sa kanya. Wala akong makalap na chismis. Maskreto itong si Kath. Ayaw magkuwento.
“Oo nga. Pero ikaw baka may ikukwento ka sa akin na tungkol sa inyo ni Kyle.” Sabi niya bigla sa akin. Nanlaki ang mga mata ko. Aba ako pa ang kukuhanan niya Ng chismis. Kaibigan ko talaga siya, marunong din kasi siyang makichismis.
“A-anong samin ni K-kyle?” Nauutal na Sabi ko. Bakit ako nauutal?
“Ayy ang manhid mo gurl. Hindi mo ba nahahalata na may something na sainyo ni Kyle. Hindi mo ba nararamdaman?” Sabi niya.
“Anong something? Walang something sa amin ng panget na yun. Baka siya ang may something sayo. Di ba lagi siyang sweet sayo. Gusto ka yata nun eh.” Sabi ko at parang nakaramdam ako ng sells. Konto lang naman. Eh kasi naman siya yung unang nagustuhan ni Kyle. Malay ko ba kung siya pa rin hanggang ngayon at niloloko lang ako ni Kyle.
“Walang ding something sa amin. Hindi ko na crush yun.” Sabi niya.
Nagkuwentuhan lang kami hanggang sa biglang sumulpot ang daddy niya. Sobrang lawak ng ngiti nito. Ang ganda siguro ng gising niya.
“Dad? Where are you going? And what's with the smile?” Tanong ni Kath sa kanya.
Ngumiti siya sa amin. “Somewhere important at sasama kayong dalawa sa akin. Kaya ikaw Kath magpalit ka na dahil ayaw mo naman siguro magmukhang pangit diba? Kaya magpalit ka na ng dress.” Sabi niya kay Kath.
Mabilis namang pumayag si Kath at pumunta sa kuwarto niya magpalit. Naiwan naman ako kasama ang daddy niya dito sa sala. Bakit kaya kailangan nakadress din si Kath. Dahil ba naka dress ako?
“Tito, saan po tayo pupunta?” Tanong ko sa daddy ni Kath.
“Secret muna. Magugustuhan ninyo doon.” Sabi niya sa akin. Owwwkayy.
Pagkatapos magayos ni Kath ay umalis na kami agad. Sumakay kami sa van nila Kath. Natawa ngs ako kasi kinukulit ni Kath ang daddy kung saan kami pupunta. Pati rin ako ay curious na curious kung saan kami pupunta. Bakit nga ba kasi nasama ako dito sa mag-ama na ito?
Pagkaraan ng ilang minuto ay may humarang na sasakyan sa daanan namin na van din kaya kami tumigil. Bigla naman akong kinabahan. Bigla na lang silang humarang sa sasakyan namin.
“Kath what's happening?” Tanong ko kay Kath.
“Hindi ko din alam eh.” Sagot ni Kath.
Nanlaki ang mga mata namin ng magsilabasan ang mga nakaitim na mga lalake sa sasakyan na humarang sa amin. Lalo along kinakabahan.
Napasigaw kami ni Kath ng bigla nilang buksan ang van na sinsakyan namin at pinalalabas nila kami.
“Kath!” Tawa ko Kay Kath ng bigla tinakpan nila ang ulo ko. Wala akong makita.
Nagpumiglas ako. “Tulong! Tulong. Sino ba kayo? Pakawalan ninyo ako lagot kayo sa daddy ko. Ipapakulong ko kayo.” Sabi ko sa kanila.
Biglang may itinakip silang tela sa bibig at ilong dahilan para maamoy ko ang hindi kaayaayang amoy. Nangsimula na akong mahilo at bigla na lang akong nawalan ng malay.
NAGISING ako dahil may gumising sa akin. Iminulat ko ang mata pero may takip pa rin ako sa ulo kaya wala pa rin ako makita. Nagsimula na akong magpanic ng maalala kong may dumukot sa akin. Nakaupo ako sa isang upuan at nakatali ang mga kamay ko.
“Tulong!” Sigaw ko ng may humaplos sa akin at may naramdaman akong hininga na kumikiliti sa tainga ko.
“Janice.” Sabi ng isang lalake at napakunot ako ng noo.
“Commander? Kyle?” Sabi ko. Kaboses niya kasi eh at saka kilala niya ako.
“Oo ako nga ito.” Sabi niya.
“Dinukot ka din ba?” Tanong ko sa kanya. Sobrang tahimik ng paligid. Nakakabingi.
“Oo.” Sagot niya.
“Humingi tayo ng tulong.” Sabi ko sa kanya. Para akong maiiyak. Anong kailangan nila sa amin?
“Huwag kang maingay. Andiyan na sila.” Sabi niya. Bumilis ang tibok Ng puso ko.
“Anong andiyan na sila?” Tanong ko ng may nararamdaman na akong nagtatanggal ng tali sa mga kamay ko.
“Kuya!!!! Kung Sino ka man. Huwag mo akong papatayin. Parang awa mo na sayang ang lahi ko! Please! Kuya unahin na ninyo na lang si Kyle. Yung lalake. Mayaman ako kuya. Bibigyan na lang kita ng pera” Sabi ko at nagulat ako ng may narinig akong tumatawa. Si Kyle yun.
“Bakit ka tumawa diyan?” Tanong ko sa kanya. Natanggal na ang tali sa kamay ko.
Bigla namang may natanggal ng takip sa ulo ko.
Napanganga ako sa nakita. Isang magandang garden na punong puno ng mga ilaw. Hapon na at nag-aagaw na ang liwanang at dilim. May table din na may mga kandila. Ano ang mga ito? Ito na ba ang bagong setting ng mga kidnapper.
Napatingin ako kay Kyle na nasa kabilang dulo ng table. Nakangiti siya. Alam ko na kung Sino ang Mastermind.
“Surprise. Nagustuhan mo ba?” Tanong niya.
Sinamaan ko siya Ng tingin. Tumayo ako sa kinauupuan ko at pinagpapalo ko siya. Agad niya hinuli ang kamay ko.
“Nakakainis ka. Ikaw pala may pakana nito. Akala ko kung ano na eh. Sobra along kinabahan. Nakakainis ka.” Sabi ko sa kanya at naluluha na. Sobra talaga akong kinabahan akala ko totoong may dumukot na sa akin.
Niyakap niya ako.
“Sorry na. Huwag kang iiyak. Mas lalo kang pumupangit.” Sabi niya at pinalo ko ang dibdib niya.
“Pero seroyoso. Seryoso talaga ako sayo. I like you. I remember when you almost hit my car. That’s our first meeting. And then naging maid kita pero parang ako yung ginagawa mong kasambahay. Alam mo bang ayaw ko sa mabunganga at madaldal pero nagustuhan kita. Kaya huway ka ng magtaka kaoag nagagalit ako kapag may kasama kang lalake kahit ang pinsan ko pang si Darren, kahit yung mga lalakeng tumitingin sayo.” Sabi niya at pinakawalan ako.
I’m speechless.
Tumingin siya sa akin at hinaplos pa ang mukha ko at ngumiti.
“Now, gusto long sabihin sa'yo na liligawan na kita. Pero kung gusto mo lang naman. Eh sagutin mo na ako agad.” Sabi niya.
“Yes.” Sambit at nagtaka naman siya.
“Sinasagot mo na ba ako?” Tanong niya.
Pilya akong napangiti. “Yes.” Sabi ko at nanlaki mga mata niya.------
😱😂🥰
BINABASA MO ANG
My Commander And Me (Maid Series #2)[Completed]
Romance[Maid Series #2] Janice, also known as the spoiled brat at sakit sa ulo ng mga magulang. Pero ng masagad na niya ang mga pasensiya ng mga magulang niya ay ginawa nila itong maid ng kanilang business partner para parusahan. pero hindi niya inaasahan...