Chapter 20
Commander is Waving
Janice’s POV
AGAD gaming nakarating sa hospital kung saan isinugod si Jake. Naabutan namin sa labas ng emergency room ang mga family ni Jake. Kung naaksidente si Jake? Edi nasaan si Kath? Makikita sila eh.
“Tita ano pong nangyari?” Bungad na tanong ni Jake nang makarating kami. Nakita kong umiiyak na ang mommy ni Jake at nakikita ko din sa kanila at sobrang pagaalala.
“Hindi din namin alam. Ang Alam namin may pupuntahan siya and then may nagsabi sa amin na may naaksidente na siya.” Sagot ni Ate Ericka.
“Magkikita po sana sila ni Kath.” Sabi ko sa kanila.
“Edi kung ganun nasaan si Kath?” Tanong Ng daddy ni Jake.
“Tatawagan ko po siya.” Sabi ko sa kanila at kinuha ang phone ko. Mabilis ko siyang tinawagan. Pagkatapos Ng ilang ring ay sumagot din ito.
“Hello Janice.” Sabi niya pagkasagot niya ng tawag ko. Tahimik akong nagpasalamat dahil ligtas siya at hindi na sama sa aksidenteng nangyari.
“K-kath. Alam mo na ba yung nangyari kay Jake?” Sabi ko sa kanya. Kinakabahan along sabihin sa kanya ang nangyari kay Jake. Sigurado akong masasaktan siya. I know na may feelings na siya para kay Jake.
“Bakit may nangyari ba sa kanyang masama? Hindi kasi siya sumipot kanina.” Sabi niya.
“Oo meron. Naaksidente siya kanina lang at nandito kami sa Hospital. Pumunta ka na dito dali. I-te-text ko sayo yung address ng hospital.” Sabi ko sa kanya at ibinaba ang tawag. Napatingin ako kay Kyle na nasa tabi ko na pala.
“Papunta na po siya dito. Hindi na nasipot ni Jake si Kath.” Sabi ko sa kanila.
Hinintay na lang namin din na dumating si Kath habang hinihintay din namin ang doktor tungkol sa kalagayan ni Jake. Sa dami ba naman ng tao si Jake pa ang naaksidente. Pero sigurado akong may plano ang diyos para sa kanya. This is just a test.
Mabilis namang dumating si Kath. I fee sorry for her. Sabi naman ng doktor ay nakaligtas mula sa kamatayan si Jake, Kaya nga lang ay hindi namin alam kung kailan ito gigising. Sapat na rin yun para kumalma saglit ang kanyang family at si Kath.
Gabi na kaming nakauwi ni Kyle. Dumaan muna kami sa isang kainan para doon na kumain at umuwi naman kami agad. I know that he’s sad and worried to Jake, kasi best friend niya si Jake. Maski naman ako kapag nangyari Yun sa best friend ko malulungkot ako.
Nandito kami sa sala. Kumuha muna ako Ng tubig sa fridge at bumalik sa sala at umupo sa tabi niya.
“Are you tired? Magpahinga ka na sa kuwarto mo. Ako na ang titingin kay Griffin.” Sabi ko sa kanya.
“No. Pagkatapos mong pakainin si Griffin ay bumalik ka dito.” Sabi niya at binuksan yung tv.
Inayos ko ang buhok ko at huminga ng malalim
“Okay. Mabilis lang ako. Gusto mo ba Ng massage? Imassage kita mamaya?” Sabi ko sa kanya.
Napatingin naman siya sa akin. “Okay.” Sabi niya.
Pumunta ako sa kulungan ni Griffin at inilabas siya. Naawa naman ako kasi mukha siyang malungkot. Kailangan ko na yatang bigyan siya Ng kalaro para kahit Wala kami ni Kyle ay may kasama siya dito. Bigla naman siyang naging masaya ng makita niya ako.
Kinuhanan ko siya ng pagkain at inumin niya. Pinalabas ko din siya sa kulungan niya para naman makagalaw galaw.
“Be a good boy.” Sabi ko sa kanya sabay haplos sa ulo niya. Ako na mommy nito.
Pagkatapos ay bumalik na ako sa sala at nakita kong natutulog na si Kyle sa sofa. Hawak pa niya ang remote ng tv.
I sighed. “Sabi kasing magpahinga ka na sa kuwarto mo eh. Ang tigas ng ulo mo.” Sabi ko sa kanya.
Sinubukan ko siyang itayo para dalhin sa kuwarto niya pero hindi ko na lang itinuloy kasi sobrang bigat niya at aakyat pa ako sa hagdan. Baka mabitawan ko siya at mahulog pa sa hagdan.
Kumuha na lang ako ng kumot sa kuwarto niya at ikinumot Yun sa kanya. Tinanggal ko din ang sapatos niya. Naisip kong hindi siya magiging comfortable sa damit niya Kaya kumuha ako Ng damit pamabahay niya.
“Teka lang. Huhubaran ko ang lalakeng ito?” Tanong ko sa sarili ko. Baka gawan niya Ng malisya yung gagawin ko pero hindi naman so comfortable.
Pikit matang tinanggal ko ang polo niya. Mabilis na tinakpan ko yung katawan niya. Parang sobrang tagal ng oras at nagsisimula na akong pawisan. First time kong manghubad Ng isang lalake at si Kyle pa. Grabe naman itong experience na ito. Grabe sobrang init ba Ng paligid? Pinapawisan na ako.
Kinuha ko ang t-shirt niya at isinuot yung sa kanya. Inuna ko sa ulo at nanlaki ang mga mata ko ng aksidenteng nahawi ako ang kumot kaya nakita ko tuloy yung naglalakihan niyang mga aba. Jusmiyo! Ang lalaki.
Nagmamadaling isinuot ko sa kanya yung damit niya. Baka iba pa ang gawin ko at makain ko yung mga maseserep niyang mga pandesal.
Hanggang sa natapos na din ako. Hindi ko na lang pinalitan ang pangibaba niya kasi ayoko ko lang. Baka maging manyakis ang utak ko kapag nakita ko ang Commander siya sa ibaba.
Pumunta na ako sa kuwarto ko at natulog. Nagising ako dahil may naramdaman akong tumutusok sa akin. May naramdaman din ako nakapulupot sa akin.
Iminulat ko ang mata ko at nagulat ako Ng makita si Kyle sa tabi ko nakayakap siya sa akin. Inalis ko ang kamay niya sa beywang ko at napasigaw ako Ng makita ko ang Commander niya sa ibaba na sumasaludo. Tayong tayo mga ghorl. Nakaboxers na lang siya.
“Kyle! Kyle! Yung ano mo! Gumising ka diyan!” Sigaw ko sa kanya at niyugyug siya para magising. Para akong nakakita ng multo.
Natatawang bumangon siya. “That’s normal.” Sabi niya.
Lalong nanlaki ang mata ko. “Normal?!!” Sigaw ko sa kanya.
“Oo. Lalo na dahil katabi kita Kaya mas lalong nagalit si Commander.” Sabi niya Kaya pinagpapalo ko siya.
“Manyakis ka. Umalis ka dito. Bakit ka pumasok dito.” Sabi ko sa kanya.
“Makareact ka naman parang Wala pang nangyari sa atin.” Sabi niya.
“So feeling virgin ako? Ganun?” Sabi ko sa kanya at pinalo ko siya Ng unan. “Lagi ka na lang pumapasok dito sa kuwarto ko. Manyakis ka.” Sabi ko sa kanya.
“Owwsss….baka ikaw nga yung manyak diyan eh. Pinalitan mo ako Ng damit. Angong ginawa mo sa akin habang tulog ako?” Sabi niya. Inaakusahan ba ako nito?
“Wala akong ginagawa sayo.” Sabi ko sa kanya.
“Okay, Sabi ko eh. By the way gusto mo bang makidate sa akin?” Sabi niya.
“Niyaya mo akong magdate?” Tanong ko sa kanya.
“Oo. So ano date tayo? Pagkatapos nating dalawin si Jake sa hospital?” Sabi niya.
“Okay.” Sagot ko.------
A/N: Joke lang pala yung three chapters left.
BINABASA MO ANG
My Commander And Me (Maid Series #2)[Completed]
Romance[Maid Series #2] Janice, also known as the spoiled brat at sakit sa ulo ng mga magulang. Pero ng masagad na niya ang mga pasensiya ng mga magulang niya ay ginawa nila itong maid ng kanilang business partner para parusahan. pero hindi niya inaasahan...