Chapter 5

366 15 0
                                    

Chapter 5
The commander part 2

Janice’s POV

“Maupo ka na anak.” Sabi ni mommy sa akin kahit na kinakabahan na ako ngayon. Nagsumbong Kaya si Kyle sa parents ko na muntik ko na siyang mabangga?

Agad naman akong sumunod kahit na kinakabahan na ako. Sumulyap ako Kay Kyle and he’s grinning.

“Karol and Lance, this is my daughter, Janice.” Pakilala ni Daddy sa akin sa parents ni Kyle. Nginitian ko na lang sila. Kahit na ayaw ko naman talagang nandito.

“And this is our son. Kyle.” Pakilala din nila Kay Kyle. Binati pa niya ang parents ko. Patagong umirap ako dahil doon. Plastic talaga. Kunyari mabait yun pala hindi.

“So kumpleto na tayo. Kumain muna tayo bago ang mga paguusapan natin.” Sabi ng daddy ni Kyle.

So yun nga dahil gutom ako dahil sa biyahe ay kumain na lang ako ng kumain. Syempre hindi ko naman pinakitang patay gutom ako, nakakahiya naman sa mga kasama namin. Baka sabihin nilang hindi ako naturuan ng maayos.

Nagusap usap pa ang my parents namin at hindi ako relate. Ano pang ginagawa ko dito? Wala yata akong idea sa mga topic nila.

Nagkatinginan kami ni Kyle at binigyan ko siya ng masamang tingin. Napakasakit sa matang makita siya. Sumpa ko na yatang makita siya madalas.

Tumikhim si daddy Kaya napatingin ako sa kanya.

“So may sasabihin kami. And this is about sa parusa mo Janice.” Sabi ni daddy at napakunot naman ang noo ko. Bumilis din ang tibok Ng puso ko. Parang may hindi magandang mangyayari.

“So, ang Sabi sa akin ng daddy mo. Kukunin ka naming maid kasi Yun ang parusa mo pero dahil madami na kaming maid at….” Sabi ng daddy ni Kyle at tumingin kay Kyle. Napalunok na lang ako. “Since nakahiwalay na ng bahay itong si Kyle naisip naming magiging maid ka sa bahay ni Kyle. And Kyle is your boss.” Patuloy niya na nagpatigil sa akin.

“What?” Nanlalaki ang matang tanong ko at napatayo. Parang hindi ko kayang tanggapin yung sinabi niya. Ano kamo? “Ako magiging maid? Ng lalakeng yan?” Tanong ko at itinuro si Kyle.

Maski siya ay nagulat pero mas making nanlaki ang mata ko ng ngumiti siya ng nakakaloko.

“Don’t worry po Tito and Tita, I’ll make sure your daughter is going to be safe in my house. I'll educate her to the best of my ability.” Sabi ni Kyle.

Putek!!






Malipas ang ilang araw ay dumating na ang araw na ayaw ko ang pumunta sa bahay ni Kyle at maging maid. I’m sure papahirapan lang niya ako doon at Sino ang magmumukhang talo? Of course it’s me.

Ok na Sana yung maging maid lang ako pero yung si Kyle ang magiging amo ko? Para akong iapapdala sa impyerno na kasama si satanas.

“Mom, dad. Huwag na ninyong ituloy ito. Pls.” Sabi kina daddy at nagpaawa. No! Ayoko doon.

“My daughter. Ito lang ang paraan para magtanda ka. And please trust us. Hindi ka papabayaan ni Kyle doon kasi baka siya pa ang maging katulong mo doon kasi Hindi ka naman marunong magluto.” Sabi ni daddy.

“Parang pinapalayas mo na yata ako dito daddy.” Sabi ko sa kanya at parang maiiyak.

Humikbi hikbi pa ako. “Hindi naman ganun.” Sabi niya.




Pagdating sa bahay ni Satanas ay para akong maiiyakna ayaw lumabas. Satanas na lang ang tawag ko sa kanya bagay naman sa kanya yun. Kaya nga lang baka baklang satanas.

“Ma’am lumabas na po kayo.” Sabi nung guard ni Satanas.

“Manong nandiyan na po ba si Satanas—este Kyle?” Tanong ko sa kanya. Natawag ko pa tuloy na satanas si Kyle.

“Hindi ko po alam kung gising na po siya ma'am minsan po kasi late siyang nagigising kapg ganitong araw.” Sagot niya.

Huminga ako ng malalim bago lumabas ng sasakyan. Wala akong magagawa kahit na ayaw ko siyang makita dahil siya nga pala ang amo ko.

Pinapasok ako ng guard sa bahay ni satanas. Nagpapasalamat ako kasi Wala siyang sumalubong sa akin pero laking gulat ko ng makita ko siya sa second floor. Parang hinihintay ako. Biglang kumulo ang dugo ko ng ngisian niya ako.

Akala ko ba late siyang nagigising kapag ganitong araw. Niloko lang ba ang ng guard niya?

“Welcome.” Bati niya sa akin. “Upo ka.” Sabi niya at itinuro ang sofa niya.

Ang laki ng bahay niya. Huwag niyang sabihin na lilinisin ko ang bahay dahil makakapatay ako ng demonyo.

“Nakakatawa, ang babaeng muntik ng makabunggo sa akin ay kasambahay ko na ngayon.” Sabi niya.

“Manahimik ka.” Sabi ko sa kanya.

“Simula ngayon. Ang tawag mo sa akin ay Commander.” Sabi niya sa akin.

Peke akong tumawa. “Ano naman sa tingin mo? Susunduin kita?” Sabi ko sa kanya.

“Ok. Ayaw mo akong sundin? Tatawagan ko agad ang mga magulang mo. I have their numbers.” Sabi niya at inilabas ang phone niya.

Ang satanas balak pa yata akong iblackmail. Pero hindi niya magagwa yun. Over my super duper gorgeous, sexy toned dead body.

“Ok. Edi hindi kita tutulungan kay Kath or Stacey.” Sabi ko sa kanya.

Nanlaki naman ang mata niya.

“So Alam mo kung nasaan si Stacey?” Tanong niya.

“Oo.” Sabi ko sa kanya.

“Ok. Let’s have a deal. Hindi kita aalipinin dito sa bahay ko basta tulungan mo lang ako kay Stacey. Pero tatawagin mo pa rin akong commander.” Sabi niya. I frowned.

“So parang ikaw lang ang nakinabang.” Tamad na Sabi ko sa kanya. Madaya naman yata siya. Lugi ako doon. Magtratrabaho pa rin ko dito? No way. Mahal ang talent fee ko bilang cupid.

“Hindi naman kita isusumbong eh at saka ang report ko sa mga magulang mo ay napakasipag at nabait ka dito.” Sabi niya.

Napaisip ako. Mukhang magandang idea yan kasi Hindi ako aabalahin ni mommy ang daddy plus. Paano kung yayain akong lumabas ni Kath edi parang Malaya na ako.

“May day off ba ako?” Tanong ko sa kanya. Normal lang nanam Yun sa maid ang magkaroon ng day off.

“Oo. Isang araw.” Sabi niya.

“Make it two.” Sabi ko.

He sighed. “Ok. Dalawa.” Sabi niya. Napangiti naman ako. Hindi naman pala masaya yung nangyari sa akin.

“Ok. Deal.” Sabi ko.

---------------

Sorry sa errors. :)


My Commander And Me (Maid Series #2)[Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon