Chapter 11
Susie Anne
Janice’s POV
Hindi ko na sunod yung bilin sa akin ni mama na matulog ng maaga. Hindi kasi ako pinatulog ng mgs nangyari kagabi. Yung halik ni Commander sa pisngi ko. Yung mga pinagsasabi niya at higit sa lahat yung puso ko na may kakaibang tibok.
Jusko! Heart! Kalma lang.
Napatingin ako sa bintana. Umuulan. Tamad akong bumanagon mula sa kama ko para gawin yung mga routines ko. Umpisa na naman ng kalbaryo ko. Pero sana maawa sa akin kasi maskit talaga yung paa kapag naglalakad.
Sana din ay hindi niya maalala yung mga pinaggagawa siya kagabi. Nakakahiya. Ano na lang kayang reaction niya kapag nalaman niyang hinalikan niya. Jusko! Baka palayasin na niya ako dito at pabalikin kina mommy.
Pagkatapos kong gawin yung routine ko ay bumaba na ako sa sala. Palinga linga ako, hindi ko makita si Commander. Nasaan Kaya Yun?
Pumunta ako sa kusina at nakita ko siya doon na nakasubsob ang mukha sa lamesa. May hang over.
Dahan dahan na umupo sa isang upuan. Wala pang breakfast? Mukhang hindi pa siya nakakapagluto. Gutom na ako. Dahan dahan akong tumayo pero gumawa ito ng tunog kaya napa-angat si Commander. Napatingin siya sa akin.
“Good morning, Commander.” Bati ko sa kanya. Kinuha ko yung milk powder at nagtimpla ako ng gatas. Kinuha ko din yung cookies na natira ko kahapon.
“Arw you already hungry?” Tanong niya.
“Oo. Kaya magluto ka na.” Sabi ko sa kanya. Tumango naman siya at nagtaka naman ako kasi ang malumanay niyang magsalita. Halatang may hang over pa nga.
Tumayo naman siya at tahimik na nagluto ng breakfast namin. Pinanood ko lang siya habang naghahanda ng breakfast namin. Tapos bigla siyang humarap sa akin. Parang nagslow motion pa at may kimukinang sa paligid niya. Nalaglag ang panga ko.
He looks so handsome. Parang siya yung mga hot na lalake sa mga panood.
“Janice!” Tawag niya sa akin kaya naputol yung mga iniisip. Bigla naman ang napangiwi sa mga iniisip ko. Yuck! Pinagpapantasyahan ko ba si Commander? No way!
“Bakit mo ako tinititigan?” He said and grinned at me.
My lips parted. Tinititigan ko ba siya?
“W-wala naman. May iniisip lang naman ako at pinapangunahan na kita hindi kita iniisip, iniisip na ang gwapo na parang ikaw yung mga—”
He chuckled. “So I’m handsome?” Putol niya sa akin at nanlaki ang mata ko ng marealize ko yung sinabi ko.
Pinalo ko yung bibig ko.
“No need to deny it. Haha buti naman at inamin mo ng gwapo ako. Ikaw ha? Pinagnanasahan mo na pala ako.” Sabi niya habang may sinusupil na ngiti sa labi. Sinamaan ko siya ng tingin.
“Hindi kita pinagnanasahan.” Sabi ko sa kanya.
“Sige…itanggi mo lang.” Sabi niya pa.
“Hindi nga sabi eh!!!” Sigaw ko sa kanya. Hindi ko naman kasi siya pinagnanasahan eh. Kadiri siya! Pinagtawanan niya ako at may binulong bulong pa na hindi ko naman narinig.
Pagkatapos niyang magluto ay isinalin niya yung sa mga plato. Kumunot naman ang noo ng pumunta pa siya sa tabi ko at yumukod para magpantay ang ulo namin. Naestatwa ako at parang hindi ako makagalaw.
I heard him sniff. “You smell like milk. A very sweet milk.” Sabi niya at tumayo ng maayos at umupo sa upuan niya kanina. I saw him smirking.
Anong nangyari sa kanya? Kasi litong lito na ako. Super landi niya na parang Wala siyang gusto sa kaibigan ko. Yung mga salita na lumalabas sa kanya. Parang hindi siya yung Commander na nakilala. Yung, masungit, masama ang ugali at kaaway ko bawat oras.
Pagkatapos naming kumain ay siya na ang nagprisintang maghugas ng mga pinagkain namin kasi baka makabasag na naman daw ako.
Nanood na lang ako ng tv. Narinig kong may nagdoorbell. Sino naman yun?
Tumayo ako para tingnan kung sino yun. Lumabas ako ng bahay. Nakita ko ang isang babae na kausap ng mga guard namin.
“Manong? Sino ho sila?” Tanong ko. Bumaling sila sa akin.
Nakita ko ang isang babae. She’s smiling brightly. She looks luxurious. Pero I think mas mayaman pa rin ako sa kanya. Hindi na kasi updated ang mga gamit niya. Hindi mga new release at mukhang mga luma pa.
“Who are you?” Tanong niya sa akin.
“Ikaw? Sino ka?” Tanong ko sa kanya at tinaasan siya ng kilay.
“Nandito ba si Kyle?” Tanong niya na mas lalong ikinataas ng kilay ko.
“Oo bakit? Ano bang kailangan mo?” Sagot ko sa kanya.
“Can I see him?” Tanong niya. Ano bang kailangan nito sa Commander ko? Ito ba yung bagong babae ni Commander? Dumilim ang paningin ko. Akala ko ba may gusto yun kay Kath di ba?
Pinapasok ko siya. Ang gaga tuwang tuwa pa.
“Commander!!!!” Sigaw ko at agad naman na lumabas si Commander ng kusina. Halatang kakatapos niya lang mag hugas.
“Ano Yun?” Tanong ni Kyle.
“Hi! Kyle!” Bati ni Haliparot.
“May bisita ka.” Sabi ko sa kanya at umupo sa pang isahang sofa. I crossed my arms at tamad na pinanood sila.
“Sino ka?” Tanong ni Kyle.
“Hi! Ako yung kagabi sa bar. I just want to return your watch. Naiwan mo kasi sa car ko ng ihatid kita.” Sabi ni Haliparot na maarte. She’s so maarte. Nakakacringe siyang pakinggan.
“Uhm…ok. Thanks na lang. Puwede ka ng umalis.” Sabi ni Commander na ikinatanga ni haliparot.
Lihim naman ako napangiti. “What?” Tanong pa niya.
Nawalang siya ng ngiti at parang hindi makapaniwala sa narinig na sinabi ni Commander.
“Akala ko mag-kaibigan na tayo. We had fun sa club kagabi.” Sabi niya.
Napatingin ako kay Commander na nakatingin pala sa akin.
Tumayo ako at hinarap siya.
“Miss kung Sino ka man ay umalis ka. Pinapaalis ka ng ng may-ari.” Sabi ko sa kanya at pilit na pinaalis.
“I’m Susie Anne Dela Cruz.” Pakilala niya.
Susian? Ano daw? Hindi ko masyadong naintindihan yung pangalan niya.
“Ano uli pangalan mo? Susian? But anyways wala akong pake diyan. Alis na baka ipahila pa kita kina Manong guard.” Sabi ko sa kanya.
Narinig ko namang napatawa si Commander sa likod ko.
“How dare you! You’re just a maid.” Sigaw niya.
Napanganga ako. Peke akong napatawa. Tumabi sa akin si Kyle at inakbayan ako.
“You have no rights to insult her. Just me.” Sabi niya at maganda na Sana eh Kaya lang ay hindi ko nagustuhan yung huli niyang sentence. Siya lang daw ang may karapatan na insultuhin ako. Gago talaga.
“Makikita pa tayo, Kyle.” Sabi niya Kay Kyle at tumingin sa akin. “Humanda ka sa akin.” Sabi niya at naglakad palabas ng biglang sumulpot si Griffin. Kinaholan niya ito st biglang napasigaw at napatakbo palabas.
Bigla akong napatawa ng malakas. Biglang nawala ng kaartehan sa katawan makalayo lang kay Griffin. Lumapit sa akin si Griffin.
Umupo ako para mapantayan siya. “Good boy!” Sabi ko sa kanya.
“Palaaway mo talaga noh?” Biglang Sabi ni Kyle.
“Ikaw naman sobrang sungit.” Sabi ko sa kanya. Tumawa lang siya.
“Halata namang may gusto sayo yun.” Sabi ko sa kanya. Halata naman eh.
“Ikaw naman. Pinasok mo ba ang kuwarto ko kahapon?” Tanong bigla na ikinatigil ko. Naalala ba niya yung nangyari kagabi? Napahawak ako sa pisngi ko.
“Ha? Oo nung ihatid ka namin nina manong guard sa kuwarto mo.” Sabi ko sa kanya.
“Is that so? Amoy milk kasi yung kama ko. I’m wondering, paano naman madidikit yung amoy ng ininom mong gatas kung inihatid mo lang ako.” Sabi niya at tumingin sa akin. Nagtama ang mga mata namin at agad akong umiwas.
“Unless may iba ka pang ginawa.” Sabi niya. “Meron nga ba?”
“W-wala.” Sagot ko. Nagiinit yung pisngi ko
“Bakit ka Nauutal? May iba ka pang ginawa noh?” Sabi niya at tiningnan ako ng nakakaloko.
“Wala nga sabi eh.” Sabi sa kanya.
Kinababihan ay nagdecide akong matutulog ng maaga kasi kulang ako sa tulog. Ayaw ko namang magmukhang panda dahil sa kakapuyat ko.
Pero bago ako makatulog ay bumukas ang pinto ng kuwarto ko at may naramdaman akong may tumabi sa akin. May narinig pa akong tinig bago ako tutouyang makatulog.
“I really like your smell after you drink milk. Smell like a sweet baby.”-----
🥛😴 Hehe
BINABASA MO ANG
My Commander And Me (Maid Series #2)[Completed]
Romance[Maid Series #2] Janice, also known as the spoiled brat at sakit sa ulo ng mga magulang. Pero ng masagad na niya ang mga pasensiya ng mga magulang niya ay ginawa nila itong maid ng kanilang business partner para parusahan. pero hindi niya inaasahan...