Chapter 8

324 19 0
                                    

Chapter 8
Wondering

Janice’s POV

Lumipas ang dalawang araw. Medyo naging maayos naman ang buhay ko dito. Naging busy din si Kyle sa work niya kaya sa umaga ay hindi na kami nagkikita at sa gabi naman ay late n siyang umuuwi.

Pero ayos na din para wala akong kaaway. Nilulutuan niya ako ng ulam at kanin ko sa kada umaga bago siya umalis. Hindi naman pala sobrang sama. Workaholic lang siya. Hihi.

Wala pa kaming matinong paguusap kung anong plano niya. Kung gusto niyang makipagkita kay Kath o kaya gusto niyang makausap ay handa naman akong tulungan siya. Hehe. Mabait naman kasi ako, maganda pa.

Ngayong araw ay sabado. Weekends ang day off ko. Sabado at linggo kaya para tuloy akong student na may pasok sa Monday to Friday.

Agad akong naligo kahit na sobrang tamad ko talagang bumangon tuwing Saturday. Nag suot ako ng  oversized shirt na ang kulay ay light violet or purple. Then skirt na checkered na kulay purple. Hindi naman ako nagsasawa sa kulay na yan because it’s my favorite color. Nagdala din ako ng sling bag na rabbit hehe. Yan lang nadala ko eh. Then ang sapatos ko ay isang white shoes at high socks. Hehe.

Pagkatapos kong magayos ng sarili ay pumunta na ako sa kusina. Baka may breakfast na ako doon. Pupunta din daw ngayon yung laging naglilinis ng bahay ni Kyle. Hindi naman kasi ako naglinis ang ginawa ko lang ay nagwalis para matanggal yung mga alikabok.

Kakalabas ko lang ng kuwarto ko kay may bumungad na sa akin.

“Saan ang punta mo?” Tanong ni Commander Kyle. Napangiwi ako dahil mukha siyang nanay na sobrang strict. Yung parang nanay na sobrang bantay sarado sa anak. Hehe. Nakacrossed arms pa siya.

“Gagala.” Sagot ko sa kanya.

“Gagala?” Tanong pa niya at tiningnan ang buong ako. He's checking me.

“Oo. Day off ko ngayon di ba?” Sabi ko sa kanya. Nakita ko namang tumabi sa kanya si Griffin. Umupo it sa tabi niya habang nakatingin din sa akin.

“Hi! Griffin.” Bati ko sa kanya. Per ang aso naging snobber. Ayaw akong pansinin. Salbaheng aso. Manang mana sa amo.

“May date ka?” Tanong niya.

Napataas ako ng kilay. “Bakit ka naman nagtatanong ng ganyan?” Tanong ko sa kanya at pinaningkitan siya.

“Wala. Masama bang magtanong?” Sabi niya.

“Ang sabihin mo, concerned ka lang sa akin.” Sabi ko sa kanya at tinusok tusok ang tagiliran niya.

“Malalagot lang ako sa mga magulang mo kapag may nangyari saying hindi maganda.” Dahilan.

“Owwwkay.” Sabi ko at tumango tango.

“Bakit nga ba ganyan ang suot mo? Puro magkakaparehas ng kulay.” Tanong niya. Napairap na lang. Pati ba naman itong maganda Kong outfit pupunahin pa niya?

“Commander, masanay ka na lang. Magsasawa ka sa kulay na ito. Favorite ko ito eh kaya puro ganito ang kulay ng damit ko.” Sabi ko sa kanya.

“Ok. Papayagan kitang lumabas basta kasama mo yung driver ko. Ayaw Kong magmaneho ka baka maibangga mo yung kotse.” Sabi niya.

“Hindi na kailangan. May susundo sa akin.” Sabi ko sa kanya. Susunduin ako ni Kath.

“Susunduin ka nung kadate mo?” Tanong niya na ikinagulat ko.

“Anong ka date? Hindi ako makikipagdate. Kung ano ano iniisip mo.” Sabi ko sa kanya.

“Eh sinong susundo sayo?” Tanong na naman niya. Bakit ba parang interested siya sa akin.

My Commander And Me (Maid Series #2)[Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon