Chapter 10

323 13 1
                                    

Chapter 10
Drunken kiss

Janice’s POV

“Yan kasi! Ingat ingat din pag may time. Nasosobrahan ka na yata sa kamalasan.” Sermon sa akin ni Kath. Dinalaw niya kasi ako dito sa bahay ni Kyle. As usual busy siya. Himala at hindi niya hinarap so Kath.

Tungkol naman sa nangyari sa akin. Hindi ako makalad ng paayos at paikaika lang. Masakit eh. Nilagyan pa ni Commander ng betadine na sobrang sakit. Hindi ko na din pinaalam kina mommy and daddy kasi baka awayin pa nila si Kyle. Haha hinabilin daw ako sa kanya eh.

Sabi pa naman ni Kyle, he'll keep me safe.

“Ayy grabe ka naman.” Sabi ko sa kanya na ikinatawa niya.

“Anyway! Dinalhan kita ng ube flavored cookies. Ayan para hindi ka malungkot dito and syempre may pizza.” Sabi niya.

“Ok. Ikaw musta ka naman? Hindi ba namimiss si you know?” Tanong ko sa kanya.

Tinutukoy ko yung si Jake yung ex-master niya. Isang linggo na din kasi ang lumipas ng umalis na siya doon. Ewan ko lang, baka nagkikita pala sila ng hindi ko alam.

She pursed her lips. “Uhm….” She hummed.

“Ano?”

“I miss him.” Sabi niya at napabuga pa ng hangin na parang kanina pa niya pinigilan ang paghinga.

“Yan. Pero bakit mo na mimiss?” Tanong ko sa kanya. Pinaningkitan ko siya Ng mata. May hindi yata siya sinasabi sa akin.

“Hindi ko alam.” Sabi niya ng biglang pumasok si Manong guard.

“Ma’am may naghahanap po sa inyo sa labas. Magulang daw po ninyo.” Sabi niya sa akin.

Nanlaki ang my mata ko. “Ako po?” Tanong ko sa kanya at itinuro ang sarili.

“Oo hija.” Sagot niya at lumabas na.

“Ako na ang haharap. Dito ka na lang.” Sabi ni Kath. I nodded.

Ang lakas ng tibok Ng puso ko. Bakit nandito si mommy at daddy?

“Janice!” Nakita Kong pumasok si mommy kasunod nito si daddy at Kath. Tumabi sa akin si mommy at hinalikan ako sa noo.

“Bakit kayo nandito? Dad? Mom?” Tanong ko sa kanila. Nagulat ako ng tingnan ni mommy ang paa ko.

“Tumawag si Kyle kaninang umaga. Sinabi niya ang nangyari sayo. And we’re worried Kaya nandito kami.” Sabi ni mommy at kinandong ang paa ko.

“Lapitin po talaga ng disgrasya ko iyang anak ninyo tita.” Sabi ni Kath. Simaan ko ng tingin si Kath. Natawa lang siya.

“Nasaan ba ang amo mo? Si Kyle?” Tanong ni daddy sa akin.

“Nasa office po niya yata? Busy po.” Sabi ko. Napatango naman si daddy

“Ok. Dinalhan ka namin ng maraming foods and your favorite milk. Uminom ka lagi bago matulog at huag kang magpupuyat para gumaling na yan agad.” Sabi ni mommy. Natawa na lang ako. Super caring niya.

“Mahal. Ayan ka na naman sa mga bilin mo. Kaya hindi nagmamature yang anak natin. Parang bata pa rin kung bigyan mo ng mga paalala.” Sabi ni daddy sa kanya.

“But dad. I’m just worried. Kung busy si Kyle, sinong magaalaga sa kanya dito? Alangan namang lumakad lakad pa siya. Masakit yang sugat niya.” Sabi ni mommy Kay daddy.

Ang sarap sa feeling hehe.

“Kung pabalikin na lang po ako ninyo sa bahay.” Suggest ko sa kanila. Malay ba natin kung umubra.

“Huwag mo akong utakan young lady, tuloy ang parusa mo. Ang Sabi sa akin ni Kyle ay kahit papaano ay marunong ka ng maglinis.” Sabi ni daddy. Napangiwi ako.

“Sinusubukan lang naman dad.” Sabi ko.

“Ok. Aalis na kami. Ibinilin na lang kita ulit kay Kyle. Mag-iingat ka my lovely daughter.” Sabi ni mommy at tumayo na.

“Aalis na kayo agad?” Takang tanong ko sa kanila.

“Yes anak. May date pa kami ng mommy mo.” Sabi ni daddy at agad siyang pinalo ni mommy.

“Anong date. May meeting tayo lang tayo.” Sabi ni mommy. Natawa kami. After so many years, they’re still together kaya pangarap ko ang mahanap ng lalakeng makakasama ko din ng mahabang panahon. They’re so sweet and romantic to each other.

After that ay nagpaalam na sila at pati si Kath ay nagpaalam na din. May bonding pa daw sila ng dad niya.

Napatingin ako sa malaking Wall clock ni Commander dito sa sala. Malapit na palang maglunch time.

Nakita kong bumaba na si Commander mula sa lungga niya. Mukhang siyang may pupuntahan.

“May pupuntahan ka ba Commander?” Tanong ko sa kanya habang kumakain ng pizza. Hehe ang sarap ng cheese. May cookies pa ako kaya naman mabubusog ako nito.

Hindi siya tumingin sa akin at inayos ang damit niya.

“Yes! Late din ako uuwi. And kung gusto mong kumain ng kanin ay mayroon pa sa kusina at may natira pang ulam. Kapag dinner naman ay magpadeliver ka na lang.” Sabi niya sa akin ng hindi tumitingin. I think, iniiwasan niyang nagkatinginan kami.

Anong problema niya?

“Pumunta pala dito kanina si mommy at daddy.” Sabi ko sa kanya at napatingin na siya sa akin.

“Bakit hindi mo ako tinawag?” Tanong niya.

“Sabi nila huwag na daw.” Sagot ko.

“Ok. Aalis na ako.” Sabi niya at lumabas na. Sasabihan ko pa naman sana siyang magingat pero mukhang nagmamadali. Ang weird niya din. Iniiwasan niya yata ako? Pinagalitan ba siya ni daddy? Or may iba pang reason.

Napabuga na lang ako ng hangin at tumingin sa mga pizza ko. Hmpp…bakit ko ba kasi iniisip? Wala na akong pakiaalam sa kanya.

Buong araw lang akong nandito sa sala. Tumayo naman ako kasi kailangan kong magbanyo at halos mapasigaw ako sa sakit ng paa ko. Nagpadeliver din ako ng fried chicken para sa dinner ko.

Kinagabihan ay hirap na hirap akong nagayos ng mga pinagkainan ko. Bakit ba kasi sobra along minamalas eh. Andito ako sa kusina at nagtitimpla ng gatas ko. Hehe I miss my favorite milk. Buti na lang at naturuan akong magtimpla ng sariling gatas.

Pagkaubos ko nun ay biglang may kumatok sa main door. Si Kyle na ba yun?

“Ms. Janice!” Tawag ng guard namin sa akin. Napakunot naman ang noo ko.

“Sandali lang!” Sigaw ko at paika ikang lumakad. Masakit pa rin siya.

Pinagbuksan ko sila ng pinto at laking gulat ko ng makita ko si Kyle na buhat buhat nila. Patay na ba?

“Mga Manong guard?! Anong nangyari?” Tanong ko. Dalawa sila.

“Lasing po ma'am.” Sabi niya. Mas lalong nanlaki ang mga mata ko. Wala naman yung sasakyan niya paano ito nakauwi?

“Kuya? Paano po ito nakauwi?” Tanong ko.

“Babae po ma'am ang nagdala sa kanya dito.” Sabi ni Manong. Babae? Aba?! Akala ko ba may gusto ito sa Kay Kath. Bakit siya nambabae? Lagot ka sa akin bukas pagkagising mo master.

Tutustahin kita kapag malaman kong niloloko mo lang kami.

“Ok. Manong pakipasok na lang po siya sa kuwarto niya. Hindi ko po yan mabubuhat.” Sabi ko sa kanila.

Sinabi ko sa kanila kung nasaan ang kuwato ni Kyle. Nagpasalamat ako sa kanila ng mailapag na nila si Commander sa kama nito. Agad din silang umalis.

Hay! Commander. “Nakaka-stress ka.” Sabi ko na lang at napahawak sa noo ko. Hindi ko alam ang gagawin sa lasing. Bahala na siya diyan.

Inayos ko na lang yung pagkakahiga niya. Baka sabihin niya kasi Wala akong puso at pinabayaan ko na lang siya. Tinanggal ko ang suot niya sapatos at medyas. In fairness ha hindi mabaho ang paa niya.

Then next ay inayos ko yung pagkakakumot sa kanya. Bigla akong napasigaw ng hilain niya ako Kaya napahiga ako sa kama niya. Niyakap pa niya ang braso ko.

“Mhm…smell like milk.” Sambit niya. Gising pa ang loko! Pinilit kong bawiin ang kamay ko at tanggaling ang pagkakayakap niya sa kamay ko pero ayaw niya talagang bitawan.

“Ano ba Commander? Ako toh! Si Janice. Bitawan mo nga ako.” Mahinang sabi ko sa kanya. Hanggang sa tuluyan na akong napahiga sa tabi niya.

“Janice? My beautiful? Maid?” Sabi niya at natawa. Omg. Sinabihan niya akong maganda. Mas maganda yatang lasing na lang siya. Pinupuri ako eh.

Hindi ako umumik. Pinakinggan ko lang siya. Baka may masagap akong chismis.

“You know. I like Kath but my best friend like her too….” Sabi niya at tumawa na naman. “But I'm confused about my feelings now. I met a girl….haha.” Sabi niya at tumawa na naman. Pero ano itong piangsasabi niya?

May nakilala siyang babae? Hindi kaya yu yung naghatid sa kanya kanina?

“Milk! You smell like a baby! My baby!” He said. Kinilabutan ako bigla. Napalunok din ng laway. Umiinit ang temperature sa paligid. Hindi ba nakabukas yung aircon? 

Nabaliw na ata. Kung ano ano ng pinagsasabi.

“Commander.” Tawag ko sa kanya akala ko tulog na siya pero nagulat ako ng halikan niya ang pisngi ko.

Napanganga ako at napabalikwas. Sa gulat ko ay agad agad akong tumakbo paalis at pumunta ng kuwarto ko. Agad akong napahawak sa dibdib ko at pinakiramdaman sng puso ko na kanina pa nagwawala.

Anong nangyayari sa akin? Heart?! Please stop na! Bakit ba ang bilis ng tibok mo? Nasa hindi Tama yung naiisip ko. Ayokong mahulog sa kanya. Ayokong mahulog sa kaaway ko. Ayaw Kong mahulog sa lalakeng may gusto nang iba.

Commander, what are doing to me?

------

Sorry sa errors 💋🍕

My Commander And Me (Maid Series #2)[Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon