Chapter 25

448 13 0
                                    

Chapter 25
Finale

Janice’s POV

NANDITO kami sa balcony ng kuwarto ni Kyle at nakaupo siya habang kandong niya ako. Nakapalibot ang mga kamay niya sa beywang ko na para bang ayaw niya akong mahiwalay sa kanya. Simula 'nung araw na bumalik ako sa bahay niya ay ayaw niyang mawala ako sa paningin niya.

May isang linggo din siyang leave sa kompanya nila na binigay pa ng daddy niya sa kanya para magkasama kami. Super clingy niya.

Hindi ko alam kung bakit mahal ko ito? Eh ang sama ng ugali niyan sa akin noon. Lagi akong iniinis at inaaway.

“Ang taba mo na.” Sabi niya sa akin at pinisil pisil yung braso ko na nanaba na dahil sa kakakain ko. Iniinis na naman niya ako. Napasimangot ako.

“Huwag kang manginis. Kahit na mataba ako, maganda naman ako. Magmumukhang basahan pa rin yung mga admirers mo kapag katabi ako.” Sabi ko sa kanya.

He chuckled. “You’re so boastful.” Sabi niya at mas hinigpitan pa ang pagkakayakap sa akin.

“Bakit totoo naman ah.” Sabi ko sa kanya. Tumaas ng konti yung boses ko.

“Yeah I know.” Sabi niya.

“Mas lalo akong naiinis sa kaka-english mo. Tigilan mo yan. Nahihilo kami ni baby.” Sabi ko sa kanya.

“Sorry na. Mas nakakagwapo kasi kapag nageenglish.” Dahilan niya sa akin.

Pinisil ko yung ilong niya. “Yung mangga ko po.” Sabi ko sa kanya. Siya yung tagabalat ng mangga ko. Nagugutom ulit ako at gusto ko ng manggang maasim.

“Bakit ka pa naghahanap ng mangga? Eh andito naman ako.” Sabi siya sa akin.

Sinamaan ko siya ng tingin. “Ipagbabalat mo ako o hindi ako matutulog sa kuwarto mo.” Banta ko sa kanya.

Napangiti lang siya at pinatayo ako. Hinawakan niya ang kamay ko at hinila ako papunta sa kusina. Pinaupo niya ako sa isang upuan. Pinanood kong siyang hugasan yung mga mangga. Kumuha siya ng knife at binalatan yun. Naglaway naman ako dahil sa mga mangga. Natatakam na ako.

Pero sa kalagitnaan ng paghihiwa niya ng my mangga ko ay nasugatan siya.

“Lah? Anong nangyari? Masakit?” Tanong ko sa kanya at tumayo. Dinalhan ko siya at kinuha ko yung first aid kit niya dito sa bahay.

“Okay lang ako.” Sabi ni Kyle habang nililinisan namin ang sugat. Andaming dugo ang lumabas sa kamay. Bigla na lang ako naluluha. Ewan ko ba. Parang dahil yata sa akin nasugatan siya.

“Wait! Are you crying? Why are you crying?” Tanong niya sa akin.

“I don’t know. I feel bad. Dahil yata sa akin nasugatan ka. I’m sorry.” Sabi ko sa kanya at humikbi. Hormones yata ito ng buntis. Kaya sobrang emotional ko eh.

Pinunasan niya gamit ang kamay niya yung pisngi ko na may mga luha. “Don’t cry. Pumupangit ka. It’s my fault okay?” Sabi niya.

Pero napatigil ako sa pagiyak ng marinig ko siyang tumawa. Sumama ang tingin ko sa kanya. Inaasar na naman niya ako.

“Bakit ka tumatawa?” Tanong ko sa kanya.

“You’re so adorable. Don’t be a cry baby. Bumalik ka na sa upuan mo at ihahanda ko na ang mangga mo.” Sabi niya tumango at bumalik nga sa upuan ko.

Nakita kong may nag-text sa akin. Unknown number. Binasa ko yung text.

From: Unknown
Message: This is Susie. Gusto kitang makausap. I want to make things clear. Hindi ako manggugulo.

Yan yung text niya. Napakagat ako sa ibabang labi ko. Nag reply ako sa kanya. ‘Ok itext mo kung saan tayo magkikita'.

Kinabukasan ay maaga akong nag hands para sa pagkikita namin ni Susie. Hindi Yun Alam ni Kyle kasi Alam kong Hindi niya ako papayagan.

“Pupunta ka na naman sa mall? Sinong kasama mo?”  Tanong niya sa akin. Nakakunot ang noo niya habang nakapameywang na nakatingin da akin. Para naman akong makikipagkita sa ibang lalake.

“Oo nga. Bakit bawal ba? Bored na ako dito. At saka saglita lang naman ako eh.” Sabi ko sa kanya. “Hindi naman ako makikipagkita sa ibang lalake.” Sabi ko sa kanya.

“Siguraduhin mo lang.” Sabi niya.

Nagpahatid ako sa lugar kung saan gustong makipagkita ni Susie sa akin. Sobrang dami ng tanong ni Kyle. Sobrang dami ng comment niya at nagdahilan na lang ako para Wala na siyang comment.

Nakita ko si Susie sa isang table. Naglakad ako papunta doon at umupo sa kaharap niyang upuan.

“Sabihin mo na lahat ng gusto mong sabihin.” Sabi ko sa kanya at inilapag ang bag ko sa table. She looks nice naman this time. Kaya I trust her na Wala siyang gagawin masama, na hindi siya manggugulo.

“First, gusto ko lang sabihin na I sorry. Sorry sa gulo. Nabulag lang ako ng pagmamahal ko Kay Kyle. Magkaklase kami noong highschool. Gustong gusto ko talaga siya. Akala ko may pag-asa na ako sa kanya per dumating ka Kaya nagawa ko Yun.” Sabi niya. Nanatiling tahimik lang ako at nakinig sa kanya.

Now, alam ko na yung mga dahilan niya. Mas lalong gumaan ang pakiramdam ko. Blinded lang siya ng kanyang pagmamahal.

“Sorry for all the bad things na nagawa ko sa mga masasama kong nasabi. Sana maging friends tayo at magbati na tayo.” Sabi niya.

Ngumiti ako. “Puwede naman.” Sabi ko sa kanya.

Bigla kaming napatingin sa bukana ng café. Dalawang lalakeng humahangos at pumasok at sinuyod ng tingin ang buong café hanggang sa makita bill kami. It’s Kyle and Edward.

“Anong ginagawa ninyo dito?” Tanong ko sakanilang dalawa. Lumapit sila sa amin.

“Bakit kayo nandito?” Tanong ni Kyle.

“Relax, Wala naman ginagawang masama si Susie. Friends na kami.” Sabi ko kay Kyle.

“Ok. Akala ko kung and na ang nangyari. Nagalala lang ako sayo.” Sabi niya.

“Sorry pero kailangan na naming umalis.” Singit ni Edward sa amin. Nagpaalam na silang dalawa. Pagkaalis nila ay pinalo ko si Kyle.

“Ikaw talaga. Tinakot mo yata si Susie.” Sabi ko sa kanya.

“Sorry naman.” Sabi niya.

Lumipas ang ilang araw at mas lumalo ang pag-iinarte ko lalo na kapag inaasar ako ni Kyle. Madalas naman akong dalawin ni Kath tuwing may trabaho si Jake.

Ngayong araw ay papunta kami ni Kath sa office ni Kyle. Babantayan ko siya. Madalas kasing may dumalaw sa kanyang mga admirer niya at naiinis ako dahil doon. Sinabihan ko yung guard ng building na ireport sa akin yung mga ganoon.

At ngayon babantayan ko na si Kyle. Sasampulan ko lang naman ng yung mga yun. Hindi naman sila maganda. Habang nasa biyahe kami ay tumawag sa akin si Manong guard at sinabi nitong may babae na naman daw. Napakagwapo ba ni Kyle? Parang hindi naman eh.

Agad naming binati ang guard na bumungad sa amin pagpasok. Tapos naglakad kami papunta sa elevator at sumakay.

Panay ang tingin sa amin ng mga empleyado ni Kyle. Napangiti ako sa kanila. Taas noong naglakad kami ni Kath papunta sa office ni Kyle. Sino bang harot ang dinalaw siya?

Binuksan ni Ken and pinto at handa na Sana akong makigyera ng makita ko ang sandamakmak ma rose petals sa sahig at ang will you marry me sa likod ni Kyle habang siya naman ay nakaupo sa swivel chair niya at nakatingin sa akin.

“Ano toh?” Tanong love sa kanya. “Nasaan yung babae mo?”

“Surprise! Walang ibang babae dito. Sinabi lang yung ni Manong guard para bilisian mo ang pagpunta dito.” Sabi niya at tumayo.

Kumabog ang dibdib ko. Ang bilis ng tibok ng puso ko habang palapait siya sa akin. Nanlaki ang mga mata ko ng lumuhod siya sa harapan ko at mangiyak ngiyak na tumingala sa akin.

“Hindi naman maganda ang simula natin pero yun ang Isa sa mga magandang bagay na nangyari sa akin, ang makilala ka. Mahal na Mahal kita. Gusto mo ba akong makasama habang buhay? Gusto mo ba akong pakasalan? Will you marry me?” Tanong niya na nagpaluha sa akin.

Tumulo ang isang luha sa pisngi ko at tumango ako. “Yes! I will.” Sigaw ko at agad na napangiti. Isinuot niya at singsing sa daliri ko at agad niya akong niyakap. Ang pinakabest na araw sa buhay ko.

“I love you too Kyle.” Sabi love sa kanya.


--------
--------------

😊

My Commander And Me (Maid Series #2)[Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon