Chapter 6
Life
Janice’s POV
“Janice, pakikuha nga yung charger ng laptop ko.” Utos niya sa akin. Unang araw ko pa lang pero parang hindi na siya sumusunod sa deal.
Patience! Sana humaba ka pa. Kausap ko sa sarili ko.
“Saan?” Nauubusan na ang pasensiyang tanong ko sa kanya. I pursed my lips to stop myself from cursing him.
“Sa office.” Sabi niya.
Kaagad na pumunta sa office niya. Hindi ako naligaw kasi na tour na niya ako sa buong bahay.
Pagpasok ko ay nakita ko sa loob ang malinis na office. As in mahihiya kang tumapak sa sobrang linis. Meron itong color black na theme kaya sobrang manly.
Agad kong hinanap sa mga drawer ng table niya yung charger pero napatigil ako ng isang larawan ang bumungad sa akin sa pangalawang drawer.
Larawan ito ng isang babae na may hulay purple dress. Taena Sino? Parang ginaya niya ang pananamit ko? Parang ang age palang niya ay pang pre-school. Kaibigan niya siguro.
Nanlaki naman ang mga mata ko sa naisip. Nandiri ako. Kasi naisip kong baka pedophile yung si Satanas/ Commander. Tapos baka bakla din siya pero naisip ko din na may gusto siya kay Kath. Nakakalito naman.
Inipit ko na lang sa isa sa mga libro niya ang picture. At kinuha ang charger niya at saka lumabas.
Agad Kong binigay sa kanya yung charger. Nandito siya sa may dining room. Nagtratrabaho daw siya eh. Workaholic si Commander.
“Yaya, kuhanan mo nga ako ng baso.” Utos na naman niya sa akin na ikinalaglag ko ng balikat.
“Ako ba ay pinaglalaruan mo? Ang nasa deal natin ay hindi mo ako masyadong uutusan at pagtratrabahuin pero bakit Utos ka ng Utos?” Sabi ko sa kanya.
“Paang ilang Utos ko na ba yun? Kung makareklamo ka naman parang pinaglaba kita o kaya’y pinaghugas ng pinggan.” Sabi niya.
“Eh sa napapagod na ako sa kakalakad!” Singhal ko sa kanya. Akala ba niya hindi yun nakakapagod? Utusan niya ako?
“Umupo ka na mga lang diyan. Ako na ang kukuha ng baso ko. Basta ikaw din ang bahala sa pagkain mo hindi kita lulutuan.” Sabi niya.
Bigla akong kinabahan. “Anong ibig mong sabihin?” Tanong ko sa kanya.
“Ayaw mo akong sundin? Edi magkanya kanya na lang tayo. Ikaw na ang bahala sa buhay mo. Ikaw ang magluluto para sa sarili mo, magpapalaba, kapag aalis ka you'll commute.” Sabi niya sa akin.
“Pero hindi ko alam magluto.” Dahilan ko sa kanya pero may ideyang biglang umeksena sa akin.
“Ok. Kanya kanya pala. Edi magkanya ka na din kasi Hindi kita tutulungan kay Kath. Remember? Hindi mo pa alam kung nasaan siya.” Sabi ko sa kanya.
“I can hire a private investigator to find her. I don’t need your help.” Sabi niya. Aba.
“Minamaliit mo ba ako? I’m the best friend of Kath. Alam ko ang favorites niya, yung ayaw niya at yung gusto niya sa lalake. Yung private investigator ba ay malalaman yun? Utak naman! And you know, may iba pa namang lalake diyan na puwede niyang idate kasi maraming gustong manligaw sa kanya at sa village nila may crush siya doon.” Sabi ko sa kanya na nagpatigil sa kanya.
I smirked. “Puwede naman nating pag-usapan yan.” He said.
“May pa hire hire ka pa ng private investigator! Bakit kata ba niyang malaman lahat ng alam ko? Matagal na kaming magbest friend ni Kath. Lahat ay alam ko na sa kanya.” Sabi ko pa.
“Ok suko na ako. Basta tutulungan ko ako kay Stacey.” Sabi niya. Buti naman at tuluyan na siyang sumuko. Lumawak ang ngiti ko. I win!!
“It’s Katherine. Her full name is Katherine Hermosa and Kath is her nickname.” Sabi ko sa kanya.
Napatango naman siya.
Aalis na sana ako para pumunta sa kuwarto ko ng magtanong siya ulit.
“Saan ka pupunta?” Tanong niya.
“Sa kuwarto ko. Bakit? Bawal ba?” Tanong ko sa kanya at tinaasan siya ng kilay.
He sighed. “K. Basta bumaba ka mamaya. I will teach you how to cook simple dishes.” Sabi niya.
Tinalikuran ko sa siya at nagpunta sa kuwarto ko. Buti na lang at nagustuhan ko yung kuwarto ko. Super minimalist yung design. I like it here. Humiga na lang ako sa kama ko at nanood ng mga video sa youtube.
Agad akong napatayo ng makarinig ng sigaw. Sigaw ni Commander. Sinisigaw niya yung pangalan ko.
“Janice!!!!!”
Agad along lumabas ng kuwarto ko at hinanap siya. Nakita ko siya sa office niya. Nanlilisik ang mga mata at madilim ang mukha. Bigla akong nanginig. He's livid.
“Ano yun?” Tanong ko sa kanya.
“Pinakealaman mo ba yung mga gamit ko sa drawer?!!!” Sigaw niya sa akin. Namumula din siya dahil sa galit.
“Uhm…oo medyo.” Sagot ko sa kanya.
“Bakit mo pinakealaman? At saka kinuha mo yung picture? Ha? May kinuha ka ba?!!!” Sabi niya.
Nanahimik lang ako at inisip yung sinasabi niyang picture. Ng bigla Kong naalala yung larawan ng babaeng nakatalikod at may suot ng purple dress.
“SAGOT!!!” Sigaw niya sa akin kaya nagulat ako.
“Hindi ko naman yun kinuha.” Sagot ko sa kanya. Para akong maiiyak. Nakakatakot siya para niya along gustong gusto na niyang suntukin kung hindi lang ako babae.
“Eh bakit Wala na dito sa drawer ko? Saan mo nilagay?” Tanong niya. Nanlilisik pa rin ang mga mata. I looked down. Ayoko siyang makita kasi nakakatakot siya.
“Pero sa isang libro ko lang naman yun inipit. Bakit ba galit na galit ka?” Sabi ko sa kanya.
“That picture is very important to me. Kaya kung ayaw mong magkaproblema tayo ay huwag kang mangingialam ng hindi mo gamit. Maid kita at dapat wala tayong pakialam sa isa't isa.” Sabi niya.
“Grabe ka naman.” Bulong ko lang.
“Now go to your room habang may pasensya pa ako sayo. Ayaw muna kitang makita.” Sabi niya.
“Sorry naman. Hindi ko alam na mahalaga yung picture na yun sayo.” Sabi ko at tumalikod at pumunta sa kuwarto ko.
Nagiinit ang mga gilid ng mata ko. First time kong masigawan. Sina mommy kasi laging kalmado kapag may ginawa akong Mali kasi ayaw nila akong masigawan. Malambot kaya ang puso ko at madaling masaktan. Konting kamali lang naman yun.
Puwede naman siyang magtanong ng hindi sumisigaw. Feeling ko tuloy ako yung pinakamasamang tao sa paningin niya.
Sobrang halaga ba yung picture na yung para sa kanya para magalit siyang ng ganun? Naramdaman ko na lang na may mga luhang lumalabas na sa mata kocat umaagos sa pisngi ko.
Humiga all sa kama ko at nagtakip ng unan sa ulo at doon umiyak. Ayokong marinig niya ako umiiyak.
--------Bflower :)
BINABASA MO ANG
My Commander And Me (Maid Series #2)[Completed]
Romance[Maid Series #2] Janice, also known as the spoiled brat at sakit sa ulo ng mga magulang. Pero ng masagad na niya ang mga pasensiya ng mga magulang niya ay ginawa nila itong maid ng kanilang business partner para parusahan. pero hindi niya inaasahan...