Chapter 18

276 16 0
                                    

Chapter 18
Lady in violet dress

Janice’s POV

NATAWA ako habang nakatingin sa manliligaw ko. Nakasimangot siya at nakakunot ang noo. Nagtatampo daw sa akin.

Siya lang ang naging manliligaw ko na ganyan. Sobrang demanding. Oo manliligaw ko pa lang yan. Joke ko lang naman yung yes ko noon nung sinabi niyang liligawan niya ako. Dalawang araw na ang nakalipas nun pero nagtatampo pa rin daw siya sa akin. Suyuin ko daw siya. Haha

Nagsisigawan kasi siya pero nung sinabi kong joke, ayun nagtampo. Buti nga siya kasama niya sa iisang bahay yung nililigawan niya. Dapat na ba akong umuwi sa bahay? Oo nga pala hindi pa nila alam. Biglaan din kasi yung plano na yun ni Commander Kyle.

Napaisip ako. Kung sabihin ko din kayang tawagin niya akong Commander? Nang makabawi bawi man lang kahit konti.

Andito kami sa sala at nanonood ng tv. Katabi niya si Griffin na pinagsusumbungan niya. Isumbong ba naman ako sa aso.

“Huy!” Kuha ko ng pansin niya.

Tumingin siya sa akin at inirapan ako. Bakla ba siya? Ang galing umirap.

“Nagtatampo ako. Suyuin mo ako.” Sabi niya. Napanganga ako sa sinabi niya.

Napatawa ako. “Ano ka? Babae? Joke ko lang naman kasi yun eh. Hindi ka pa rin makamove on?” Sabi ko sa kanya.

“Hindi. At bakit babae lang ba ang sinusuyo?” Sabi niya.

“Lutuan mo na kang ako ng pagkain. Please?” Sabi ko sa kanya at lumapit. Napatingin naman siya sa akin.

“Gusto ko sama pero nagtatampo pa rin ako sayo.” Sabi niya at nalukot naman ang mukha ko.

“Ano bang klase kang manliligaw? Hinahayaan mo akong magutom.” Sabi ko sa kanya. Huwag ko Kaya siyang sagutin. Lagi naman niya akong inaaway at iniinis. Maaga akong mamamatay sa kanya.

“Oo na magluluto na po.” Sabi niya at tumayo. Napatawa naman ako sa kanya.

Naghintay ako sa sala. Hindi ko alam kung ano niluluto niya pero sure naman akong masarap Yun. Magaling siyang magluto. Gustong gusto ng panlasa ko.

Nakita kong si Kyle na lumabas sa kitchen at may dala dalang mga pagkain. Binigay niya sa akin yung isang pinggan na may lamang fries.

Natuwa naman ako sa ginawa niya. Hindi na din niya ako pinapagawa ng mga gawaing bahay. Buhay Reyna na ako sa bahay niya. Naisipan kong bigyan siya mamay ng reward. Hihi.

Bigla namang may tumawag sa kanya. Lumabas pa siya para sagutin yung tawag.

“May pupuntahan lang ako saglit sa upisina. May meeting kami nila dad.” Sabi niya at tumango naman ako. Pumunta naman siya sa kuwarto niya. Para magpalit siguro.

Pagkatapos ng ilang minuto ay bumaba na siya. Naka office attire na siya. Nakita kong hindi maayos yung neck tie niya Kaya nilapitan ko siya.

Inayos ko ito. Napangiti naman siya sa ginagawa ko. Kinikilig ba siya?

Hinalikan ko siya sa pisngi. “Reward ko yan at para hindi ka na magtampo.” Sabi ko sa kanya.

Nakita ko siyang napangiti. “Ganda ng reward ko. Pero mas maganda Sana kung sa lips.” Sabi niya.

“Huwag ka ng maarte.” Sabi niya. Nagpaalam naman agad siya kasi male-late na daw siya.

Dahil bored na bored na ako ay naisipan kong maglinis sa ng office niya. Hindi naman ako maglilikot doon kasi baka magalit. Pagdating ko doon ay isang bagay lang ang napansin ko. Isang picture frame na laman yung babaeng nakasuot ng violet na dress.

Sino naman ito? Parang may ganito along dress noon. Sigurado naman akong ganito din kaganda ang kutis ko. Maganda pa din naman hanggang ngayon. Nakasuot ito ng black doll shoes.

Pinicturan ko na lang.

PAGDATING niya ng bahay niya ay hindi na siya na tanong tungkol sa picture na yun. Natatakot din kasi ako Lalo na't sobrang mahalaga yung sa kanya at magalit na naman siya kasi nangialam na naman ako.

Hindi sapat ang like niya lang ako kasi kahit like niya lang ako at magagalit at magagalit siya sa akin.

KINABUKASAN ay pumunta kami sa bahay. Hay I miss my home. Namimiss ko na yung kuwarto ko doon.

“Sa tingin mo anong reaction nila kapag sinabi na natin na nililigawan kita?” Tanong niya sa akin. Pabulong pa.

Nandito kami sa sala ng bahay namin.

“Bakit mo naman tinatanong?” Tanong ko sa kanya

“Wala lang. Malay ko ba kung may iba na gusto sila para sayo.” Sabi niya. Umiling iling na lang ako.

Dumating na sila Mommy and Daddy. Nandito kaming lahat sa living room.

“Bakit kayo nandito?” Tanong ni mommy sa amin.

“Ma may sasabihin sa akin si Kyle.” Sabi ko sa kanila.

Napatingin naman sila kay Kyle. “Ano yun?” Tanong nilang dalawa.

Napangiti naman ako. Mukhang siyang kinakabahan Kaya lihim akong napatawa. Si Commander kinakabahan. Sarap niyang kuhanan ng picture.

“Ano po kasi….. nililigawan ko po ang anak ninyo.” Sabi niya Kaya tuluyan na akong napangiti. Napanganga naman silang dalawa.

Nagtinginan si mommy and daddy.

“Sigurado ka ba Kay Janice hijo?” Tanong ni daddy. Nawala ang ngiti ko at tiningnan ko siya Ng masama.

“Daddy naman eh” Sabi ko.

“Eh kasi naman. Nabigla lang kami. Napakatigas pa naman ng ulo mo.” Sabi niya. Natawa na lang sila.

“Dito na kayo kumain ng lunch.” Sabi ni mommy. Pumayag na kami kasi tinatamad daw na magluto si Kyle.

Niyaya ni Dad si Kyle na magkuwentuhan sila sa may malapit sa pool. Silang dalawa lang daw. Boy lang daw ang puwede.

Nilapitan ko si Mommy. “Mom nasaan yung mga pictures ko nung Bata pa ako? Yung dress ko violet.” Sabi ko sa kanya.

Kumunot ang noo nito. “Bakit mo naman hinahanap? Nasa kuwarto Yun. Sa mga boxes.” Sagot ni mom.

“Basta mom.” Sagot ko sa kanya at pumunta sa kuwarto ko. Marami kasi anong mga box na nakatago dito sa kuwarto ko. Ito yung mga mahahalagang bagay.

Gustong gusto ko talagang makita yung mga picture ko noon. Pagkatapos long halungkatin ang dalawang box ay Wala pa rin doon ang mga pictures ko at sa pangatlong box ay nakita ko na ang limang album ko. Inisa Isa ko itong tiningnan. Hanggang nakita ko na nga ang hinahanap ko.

Napalunok ako. Agad kong kinuha ang phone ko at binuksan iyon. Pinagkumpara ko lahat ng mga iyon sa picture sa office ni Kyle.

Nanlaki ang mga mata ko. Parehas na parehas. Sa buhok, sa pananamit at sa sapatos sa black. Anong ibig sabihin nito?

---------

A/N: Ang lame nitong chapter. Hehe.

My Commander And Me (Maid Series #2)[Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon