Chapter 23
Two pregnant
Janice's POV
PINANOOD ko ang papalayong sasakyan ni Kyle. Papunta na siya sa trabaho niya at kailangan siya ng daddy niya sa kompanya nila.
Balak ko ngayong araw na magpunta sa hospital para magpatingin kung totoo nga talagang buntis ako, lalo na't pupunta kami sa ibang bansa para makausap ni Jake si Kath. Hindi ko naman kasi Alam kung puwede ba sa buntis ang pumunta sa ibang bansa kung totoong buntis nga ako. I need to be more careful now kung totoo nga.
Hindi alam ni Kyle na sa hospital ako pupunta at ang alam niya lang gagala lang ako sa mall. Binigyan ko muna ng pagkain at inumin si Griffin bago ako umakyat sa kuwarto ko at nagpalit ng damit. Pagkatapos ay kinuha ko yung Susi ng kotse ko at nag-drive.
Nainis ako dahil medyo traffic na ako habang papunta sa hospital pero okay naman kasi hindi naman ganun katagal. Pagdating ko sa hospital ay agad akong pumunta sa doktor na nakausap ko.
“Kailangan mo munang matry ng pregnancy test kit.” Sabi sa akin ni Dra. Mendez. Binigay niya sa akin yung pt kit at itinuro niya yung isang banyo.
Huminga muna ako ng malalim bago ginagawa yung my steps. Nanginginig akong hinintay ang results at kung ano naman yun ay handa akong tanggapin ng buong buo. Kung may nabuo man ay magiging masaya ako.
Lumbas ako hindi na hinintay pa sa loob ng cr ang resulta at ibinigay na yun agad Kay Dra. Mendez at pagkaraan ng ilang minuto ay nagulat ako sa sinabi niya.
“You’re 6 weeks pregnant. Congratulations!” Sabi niya sa akin. Nagiinit ang gilid ng mga mata ko. I’m going to be a mom. There’s a life inside me. Hindi ko maexplain kung ano ang nararamdaman ko basta masaya ako at excited sa blessing.
Nagbigay so Dra. Mendez ng reseta ng mga vitamins ko at sinabi niya sa akin yung mga hindi puwede at dapat kong gawin.
“Dra. Mendez, may tanong lang ako sayo. Puwede pa sa akin ang bumayahe? Lalabas kasi kami ng bansa.” Sabi love sa kanya.
“Okay lang naman. Basta iwas pagod at stress ka para mas maalagaan si Baby.” Sabi niya at napangiti naman ako.
Masaya akong umalis ng hospital at pumunta ng supermarket para bumili ng mga kailangan ko. Tsaka ko na lang sasabihin kay Kyle. Malapit na kaya ang birthday niya at doon ko na lang sasabihin sa kanya at magandang surprise yun.
Lumipas ang ilang araw at alam na din ng mga magulang namin na kami na ni Kyle. Sobrang saya nila kasi nagpaplano na pala siyang i- arranged marriage kami. Naging sweet naman bigla si Kyle pero most of the time ay nang-aasar.
Nakauwi na din dito sa Philippines si Kath. Naging maayos yung pagpunta namin noon sa Canada para kausapin siya.
Bumangon ako at nakita ko si Kyle sa may malapit sa pool na may kausap sa phone. Nakakunot ang noo niya na parang galit sa kausap. Sino bang kausap niya?
Pumunta na lang ako sa dining area at nakita ko yung mga gusto long kainin na sinasabi ko sa kanya. Naglilihi na yata ako. Medyo dumadami na ang mga kaartehan ko sa katawan. Alam kong nagtataka na doon si Kyle at tinitiis niya lang yung mga kaartehan ko.
Bukas na ang birthday day at simple handa lang ang gusto niya kasama ang family niya at sina Jake at ang family ko. Doon ko balak sabihin sa kanya na buntis ako. Sharp shooter ang loko. Isang beses lang may nangyari sa amin at meron agad.
Dumating siya at nakunot pa rin ang noo. “Bakit?” Tanong ko sa kanya habang kumakain.
“Wala naman sa opisina lang yun.” Sabi niya at nginitian ako at umupo sa upuan sa tabi ko. Tumango lang ako at kumain.
Napatigil ako sa pagsubo ng makita kong nakatitig siya sa akin. “Bakit ka nakatingin sa akin ng ganyan?” Tanong ko sa kanya. Pinapanood ba niya akong kumain? Nahihiya na tuloy ako.
“Sobrang gana mong kumain nitong mga nakaraang araw. Sobrang takaw mo na Kaya ka tumatabi, but you’re still beautiful don’t worry, I just wondering. Lagi ka ding inaantok.” Sabi niya.
“May Mali ba doon?” Tanong ko sa kanya. “Masarap lang din kasi yung mga luto mo.” Sabi ko sa kanya. Nakakahalata na yata siya.
He smirked. “Ako din kaya Masarap. Masarap din si Commander.” Sabi niya sa akin na nakapagpatigil sa akin. Tumayo yung mga balahibo ko. Nagsisimula na nmaan siya sa kakaganyan niya. Nakangiti siya habang nakatingin sa akin. He's being naughty again. Minsan kinikilabutan ako sa kanya.
“Tigilan mo ako.” Banta mo sa kanya. He snaked his arm on my waist and pull me closer to him at kissed me. Wala na akong nagawa kung hindi ang tumugon. Siya ang pumutol sa halikan namin. Habol namin ang mga hininga. Agad akong nagbaba ng tingin. Naginit yung mga pisngi ko. Sigurado akong kulay kamatis na ang pisngi ko. Nakakahiya.
“Bakit ka ba biglang nanghahalik?” Tanong ko sa kanya at tinampal ang balikat niya.
“Why? Girlfriend naman kita?” Sagot niya.
Buong araw kaming nandito lang sa bahay niya. Ako naman ay tamad na tamad na gumalaw. Nakipagkulitan siya kay Griffin habang ako ay nandito lang sa sala at nanonood ng tv. Hindi ko namalayang nakatulog na pala ako.
Naalimpungatan ako at nakita kong buhat buhat na ako ni Kyle at naglalakad siya sa hagdanan. “Kyle.” Sambit ko.
“Ssshhh…matulog ka lang. Ililipat lang kita sa kuwarto.” Sabi niya at pumikit na lang ako at sinunod ang sinabi niya. I feel safe and comfortable in his arms so madali akong nakatulog.
Nagising akong katabi siya sa isang kama. Nakayakap siya sa akin. Sa kuwarto niya pala ako dinala. Amoy na amaoy ko ang pabango siya dito sa loob ng kuwarto niya.
Napangiti ako. He's sleeping. Iginala ko ang paningin ko sa loob ng kuwarto niya at napansin kong mahilig siya sa mga abstract paintings. Akala ko para lang design ng bahay niya pero pati pala din dito sa kuwarto niya. Madami.
“Your awake.” Sabi niya. Gising na pala siya.
“I want cuddles.” Sabi ko sa kanya at sumiksik sa kanya. He smells so good. Ang bango niya. Buti at hindi ayaw ni Baby sa amoy niya.
Kinabukasan ay maaga kaming gumising para birthday niya. Simpleng salo alo lang naman sa umaga at may dinner date kami ni Kyle sa gabi.
Nag-rent ng isang restaurant ang parents ni Kyle at doon kami kumain. I’m happy kasi maayos ang lahat at Wala ng nanggugulo sa amin so far.
“Ingat kayo sa dinner date ninyo.” Sabi ng mommy ni Kyle.
“Oo nga.” Sabi din ni mommy. Napangiti na lang kami.
Nagpaalam na kami sa kanila at umuwi sa bahay. Napangiti naman ako ng makita kong masaya si Kyle.
“Masaya ka ba?” Tanong sa kanya.
“Oo naman. Sana Wala ng gumulo sa atin.” Sabi niya.
“Maganda yung regalo ko sayo mamaya.” Sabi ko sa kanya.
Nagtaka naman siya. “Ano naman yun?”
“Secret muna kasi surprise yun.” Sabi ko sa kanya.
“Well, I can’t wait for it.” Sabi niya.
“I love you.” Sabi ko sa kanya.
“I love you too.” Sagot niya.
Dito lang naman sa bahay niya ang venue ng dinner date namin. Gusto niya kasing solo lang namin. Akala ko pa naman lalabas pa kami pero dito lang pala sa bahay ang dinner namin.
Inihanda ko ang regalo ko sa kanya na ultrasound ng baby namin. Kinakabahan ako sa magiging reaction niya.
Mamaya ay tinawag na ako nung driver niya na pumunta na daw sa garden. Napairap ako ng makita long madami siyang pailaw sa paligid namin. Takaw pansin itong bahay niya.
Andoon siya sa tabi ng table namin naghihintay sa akin. Andaming pakana. Dapat ako nga ang gumagawa nito kasi siya ang may birthday pero siya pa yung nagprepare.
Inilahad naman niya yung kamay niya at ibinigay ko naman ang kamay ko.
“Ano ka ba? Naghanda ka pa ng ganito.” Sabi ko sa kanya.
“Masama ba? Mahal kita eh.” Sabi niya. Pinaupo sa ako sa isang upuan at umupo sa naman siya sa upuan niya. May mga pagkain na at nakatakam naman ako bigla. Umaakto naman bigla yung cravings ko.
“You like it? Ako yung nagluto niyan kanina.” Sabi niya. Oo nga napansin kong mainit pa. Kasi umuusok pa.
“Mukha siyang masarap.” Sabi ko sa kanya.
Inilapag ko sa mess ang isang maliit na box na naglalaman ng regalo ko sa kanya. Napatingin naman siya doon.
“Ano yan?” Tanong niya.
“Regalo ko at mamaya mo pa bubuksan.” Sabi ko sa kanya.
“Bakit mamaya pa?” Tanong naman niya at ngumuso.
“Huwag kang ngumuso diyan. Mas lalo kang pumangit.” Sabi ko sa kanya.
“So pangit ako?” Tanong niya at parang nagpaawa naman.
“Hindi ko alam.” Sagot ko sa kanya. Tinatawanan ko lang siya at kumain na kaming dalawa.
Bigla naman siyang tumayo at naglakad ulit ng kamay.
“Bakit?” Tanong ko sa kanya. Kumakain pa ako eh.
“Sasayaw tayo.” Sabi niya at may speaker na binuksan at tumugtog doon ang pangromantik na tugtog.
Kinuha niya ang kamay ko at sumayaw kami sa tabi ng table namin. Ang mga kamay ko ay nasa mga balikat niya at nasa beywang ko naman ang mga kamay niya.
“Lapit ka pa.” Sabi niya at mas inilapit ang katawan ko sa kanya.
“I love you, Kyle.” Sabi ko sa kanya. Walang halong biro at kung ano ano. Sa mga nakalipas na buwan ay hindi ko alam na magiging ganito kaming dalawa ang Alam ko lang kasi ay amo ko siya at kaaway ko siya. Isa siya sa mga kinaiinisan kong tao sa mundo.
“Love mo na ako ngayon noo at inaaway mo lang ako.” Sabi niya at ngumuso ulit. Aysus!
“Pero kahit ganon ay Love din kita. Tandaan mo yan palagi at kahit ano pang sabihin nila ay magtitiwala ka sa akin. Promise?” Sabi niya at bigla na lang siya naging seryoso.
“Seroyoso mo naman yata.” Sabi ko sa kanya. Nagiba kasi and mood niya parang iba eh.
“Basta promise ka sa akin na kahit anong mangyari ay hindi mo ako iiwan kapag nagkaproblema tayo.” Sabi niya at sasagot Sana ako ng mapalingon kami sa mga bagong dating.
“Ma’am sandali lang po.” Sabi ni Manong guard at hinahabol nito si Susie? Anong ginagawa niya dito?
“Sir pasensya na po ayaw po niyang magpapigil po.” Sabi ni Manong guard.
“Now! May date pala kayo bakit hindi ninyo man lang sinabi sa akin. Para naman makasali ako.” Sabi ni Susie.
“Umalis ka na dito Susie.” Sabi ni Kyle sa kanya.
Sumenyas siyang tumahimik kami. “Bakit mo ako pinapaalis? Anytime soon ay maaring dito mo ako itira, kami ng magiging anak mo.” Sabi nito na ikinakunot ng noo ko.
“Anong ibig mong sabihin?” Tanong ko. Napalunok ako dahil may mga ideya na akong naiisip kung ano ang ibig sabihin niya.
“Huwag kang makinig sa kanya.” Sabi sa akin ni Kyle.
“Makinig ka sa akin Janice. I’m pregnant and Kyle is the father. May nangyari sa amin nung gabing inuwi ko siya.” Sabi ni Susie.
Para akong nabingi sa narinig. Napatigil at at parang Wala akong Lakas na gumalaw. Lumapit sa akin si Kyle.
“Baby huwag kang makinig sa kanya that’s not true.” Sabi ni Kyle sa akin at pikit na pinaalis si Susie.
“Tama ba yung sinabi niya? Totoo ba?” Tanong ko kay Kyle at para along mawawalan ng Lakas sa mga narinig. Ayokong maniwala pero paano nga kung totoo.
“Hindi hindi Yun totoo.” Sabi niya at bigla na lang akong mahilo at nawalan ng malay at ang huling narinig ko ay ang pagsigaw ni Kyle ng pangalan ko.
_____(TT):'(
BINABASA MO ANG
My Commander And Me (Maid Series #2)[Completed]
Romance[Maid Series #2] Janice, also known as the spoiled brat at sakit sa ulo ng mga magulang. Pero ng masagad na niya ang mga pasensiya ng mga magulang niya ay ginawa nila itong maid ng kanilang business partner para parusahan. pero hindi niya inaasahan...