Chapter 19
Little girl
Janice’s POV
AFTER we visited my family, we went to Grocery store. Kailangan na kasi naming bumili ng mga pagkain at kung ano ano pa. Ako naman ay malapit na akong datnan ulit at kailangan ko ng sanitary pad. Ubos na din ang mga pangskin care ko at sa Watsons lang ako lagi bumibili kaya siguro sa susunod na lang.
Napatingin ako kay Kyle. Hindi ko alam kung sasabihin ko ba sa kanya yung nalaman ko. Excited ako pero natatakot din. Paano pala kung may galit siya sa akin at hinahanap lang niya ako. Dapat timing. Mamaya na lang pagdating namin sa bahay niya.
Kinakabahan lang ako konti lang.
Pagdating namin sa bahay ay hapon na. Agd akong umupo sa isang sofa at sumunod naman siya sa akin at umupo sa tabi ko. Inakbayan niya ako. Inihilig ko ang ulo ko sa dibdib niya. Napangiti naman ako kasi hinayaan niya lang ako.
“I enjoyed this day.” Sabi niya.
Umayos along upo at tumingin sa kanya. Chansing na naman siya eh. Hindi pa naman kami.
“Sweet mo na ha. Dati inaaway mo lang ako. Sobrang sungit ko sa akin.” Sabi ko sa kanya.
“Talaga? Parang hindi naman. Naiinis lang ako sa kadaldalan mo.” Sagot niya sa akin.
“Alam kong madaldal ako noh.” Sabi ko sa kanya
Tumawa siya. Bully talaga nito.
Pagkatapos naming nagkuwentuhan ay umakyat na ako sa kuwarto ko at naligo. After that ay sabay kaming kumain. Nagiging extra sweet na si Kyle pero inaaway pa din niya ako.
After we finished our foods ay pumunta na kami sa kanya kanyang kuwarto. Pagkapasok ko sa kuwarto ko ay inilabas ko ang laman ng sling bag ko. Naramdaman kong naiihi ako Kaya nagpunta ako sa banyo.
Pagkalabas ko ya may gumulat sa akin.
“Saan mo ito nakuha?” Tanong niya habang nakatingin sa akin at ipinakita niya ang hawak niyang picture ko na kinuha ko mula sa bahay.
“Bakit mo hawak yan?” Tanong ko sa kanya ng maalala kong inilabas ko ang mgs lman ng bag ko Kaya nakita niya. Pero bakit kasi siya nandito sa kuwarto ko?
“I want to know who is this girl.”
“Bakit gusto mong malaman? May atraso ba siya sa'yo?” Tanong ko sa kanya.
“I met this little girl noong bata pa ako and I just want to know her and I treasure her because she save me from the kidnappers who wants to get me…..and honestly she was my first love.” Sabi niya.
Hindi ko alam kung maiinis ko ako hindi. Sabi niya she was…ibig sabihin hindi na niya yung love. Ayyy ewn ko ba.
I pursed my lips to stop from smiling and burst out laughing. Hindi ko maalala yung mga sinsabi niya maybe because I’m too young at that time.
“Why are you smiling? Please answer my question.” Sabi niya. Nakanunot na noo.
Napangiti ako. “Because ako yan. Ako yung babaeng nandiyaan. Hindi mo napansin? Favorite ko at kulay na violet and lagi kong suot ay may kulay na violet or purple simula ng bata ako. Kanina ko lang din nalaman yan kasi tiningnan ko yung mga old photos of sa mga album ko. Sorry ngayon ko lang nasabi eh pero balak ko naman talagang sabihin eh.”
Umawang ang labi at napatanga siya. Tila naumid ang dila niya dahil sa mga sanabi ko. Maski ako din naman kasi nagulat. I think he’s incapable of speaking. Nakatingin lang siya sa akin. Natulala na ba siya sa kagandahan ko?
“W-what?” Sabi niya at bakas pa rin sa mukha niya ang gulat na parang hindi ito naniniwala sa mga salitang lumabas sa bibig ko. “Paano nangyari Yun?” Sabi niya.
Napaikot ang mga mata ko. Sinabi ko na't lahat lahat ay ayaw pa ring maniwala. “Kung ayaw mong maniwala edi huwag. Umalis ka na nga lang dito sa kuwarto ko.” Sabi ko sa kanya at itinulak siya palabas ng kuwarto ko.
Pero bago pa siya makalabas ay hinuli niya ako sa beywang ko. Nakapalibot ang mga kamay niya sa beywang ko parang nakayakap siya sa akin. Sobrang lapit Ng katawan namin sa isa't isa. Tumibok ng mabilis ang puso na parang tumakbo ako ng sobrang layo.
“I am speechless. I don’t know how to describe how happy I am. Alam mo bang crush kita at plinano kitang hanapin pero paano ko naman hahanapin ang isang taong nung bata ko lang nakita at hindi ko alam ang pangalan. Napapaginipan pa kita. I’m happy to finally meet you again. Sorry kung masigawan kita noon dahil dito.” Mahabang Sabi niya.
Speechless daw pero ang daming sinabi. Natawa na lang ako. “Naiyak ako nung pinagalitan mo ako. Ikaw naman kasi galit na galit ka.” Sabi ko sa kanya. Namaga pa yung mata ko nung araw na yun.
“Sorry na nga.” Sabi niya.
“Heh! Pumunta ka na nga sa kuwarto mo. Bakit ka ba nandito? Matutulog na ako eh. May lakad pa kami ni Kath bukas.” Sabi ko sa kanya. Room invader talaga nito. Papadagdagan ko na yata yung lock ng kuwarto ko.
“Dito ako matutulog.” Sabi niya at tinulak ko siya palayo dahilan para maghiwalay ang katawan namin at napabitaw siya sa pagkakayakap sa akin.
“Anong matutulog dito? Namimihasa ka na. Hindi puwede, doon ka matulog sa kuwarto mo. Manliligaw pa lang kita pero kung makadikit ka na sa akin wagas. Kung umuwi na lang kayo ako sa amin.” Sabi ko sa kanya.
“Hindi hahayaan yan. Sasabihin kong may nangyari sa atin.” He said while grinning.
Pinanlakihan ko siya Ng mata. “Heh! Lumabas ka na lang kung Hindi magagalit ako sa'yo.” Sabi ko sa kanya.
Natatawang lumabas naman siya. Agad kong isinarado ang pinto Ng kuwarto ko at inilocked yun.
Hindi pa ako nakakatulog ng may lalakeng bumisita sa amin. Si Jake. Anong ginagawa niya dito? Kailangan ko kasi ng tubig kasi nauuhaw ako Kaya napalibas ako at nakita ko na lang silang dalawa ni Kyle na nagiinoman.
Hinayaan ko na lang silang dalawa.
KINABUKASAN ay hindi kami natuloy ni Kath nay lakad daw pala sila ni Jake. Magkikita sila. Sana magkausap na yung dalawang Yun para malinawan na si Kath sa lahat lahat.
Pumunta ako sa pupuntahan ko at pagkatapos ay pinuntahan ko si Kyle sa company nila. Pero hinarang ako ng guard nila.
“Ano ba naman Kuyang guard? Bibisitahin ko lang naman si Kyle.” Sabi ko sa kanya. Kaloka. Kanina pa ako pinagtitinginan ng nga tao dito.
“Mahigpit po ang pagbabantay namin ma'am. Maramaing beses na po kasi may babaeng nagwala dito. Patay na patay kay Sir Kyle.” Sabi niya. Nanlaki ang mgs mata ko.
“Ano?!” Gulantang na Sabi ko. Aba walang sinasabi sa akin si Kyle.
Tinawagan ko si Kyle.
“Hello? Janice? Babe?” Sagot niya at napakunot naman ako ng noo sa itinawag niya sa akin.
“Anong babe ka diyan? Andito ako sa labas ng komopamya mo, ayaw akong papasukin. Sunduin mo na ako dito.” Sabi ko sa kanya.
“Oo na. Bakit ka ba nandito sa labas ng company?” Tanong niya.
“Masama bang dumalaw? Bakit gusto mo bang ibang babae and dumalaw sa iyo?”
Gwapo kasi kaya ayan napakadaming babae ang nagkakagusto sa kanya. Baka pa to dito sa company nila madami siyang admirer. Pero maganda naman ako kaya patas lang.
“Ma’am hindi po talaga kayo puwedeng pumasok ng walang gagawin na trabaho dito.” Sabi nung guard. Naku Manong guard umalis ka na ngayon dito paparating na ang sundo ko. Bahala ka diyan, nanganganib na ang trabaho mo.
“Wait ka lang diyan kuya.” Sabi ko at saktong dumating na din si Kyle.
“Janice.” Tawag siya sa akin.
“Sir Kyle. Nagpupumilit pong pumasok.” Sabi nung guard.
“Nah. Huwag ninyo siyang haharangan kapag pumasok. She’s my future girlfriend.” Sabi niya Kaya nanlaki ang mga mata nila.
“Sorry po ma'am.” Sabi nila.
Hinawakan ni Kyle ang kamay ko at hinila na ako na ako papasok sa loob ng building. Hindi pa lang kami nakakalayo ng tumunog ang phone niya. Sinagot niya ito at nanlaki ang mga mata niya.
“Ha? Ano okay okay. Pupunta na kami diyan Tita.” Sabi niya at napatingin sa akin.
“Si Jake, naaksidente.” Sabi niya at pumunta kaming hospital.-------
A/N: Three chapters left. Lapit na ang end. Sorry sa errors.
BINABASA MO ANG
My Commander And Me (Maid Series #2)[Completed]
Romance[Maid Series #2] Janice, also known as the spoiled brat at sakit sa ulo ng mga magulang. Pero ng masagad na niya ang mga pasensiya ng mga magulang niya ay ginawa nila itong maid ng kanilang business partner para parusahan. pero hindi niya inaasahan...