III - Good News

738 52 1
                                    

Makalipas ang isang linggo...

"Inang, pakiramdam ko hindi pa tuluyang bulag ang aking anak. Tingnan mo o, tumitingin sya sa akin eh." Puna ni Merla.

Ang totoo nyan, nung isang araw pa nya iyon napansin.

Sa tuwing kakausapin nya ang anak ay tumitingin talaga ito sa kanya at ngumingiti pa, na para bang nauunawaan sya nito.

"Kaya kailangan natin syang maagapan Merla. Haaay nako! Kung may pera lang sana tayo eh napa-check up na natin sya ano?" Sabi ni Guada.

"Kaya nga---" Biting sambit ni Merla dahil nakarinig na sila ng pagsigaw mula kay Estong.

"Inaaaang... Merlaaaa... Inaaaang... Merlaaaa..." Paulit-ulit na sigaw mula sa labas ng kanilang bahay.

Kunot-noo silang nagkatinginang mag-ina. Si Estong kasi ang bantay ngayon dun sa pwesto nila sa palengke.

"Ano't napasugod sya ng uwe? May nangyari kaya?" Kinakabahang tanong ni Guada.

Hindi naman naka-imik si Merla. Hindi nya rin kasi alam ang dahilan.

Syang sulpot ni Estong. At dito na nila malalaman ang kasagutan ng biglaan nitong pag-uwe.

"Hah! Hah! Hah!" Paghingal naman ng lalake.

Mula kasi sa palengke hanggang sa kanilang bahay ay nanakbo talaga sya.

Agad namang kumuha ng tubig si Guada at ibinigay iyon sa manugang.

"Salamat inang." Sabi ni Estong matapos nitong tunggain ang lahat ng laman ng sartin na baso.

"Ano bang nangyayare? Pinapakaba mo naman kami ng husto eh. May gulo ba sa palengke? May sunog ba? Ano? Tay naman iiiih. Ninenerbiyos na talaga ako ah." Sunud-sunod na tanong ni Merla.

Dahil sa sobrang kaba ay naibulalas na nya ang pangambang nasa utak nya. Yun nga, yung gulo at sunog daw sa palengke.

"Wala. Walang ganon. Narito ako para ibalita sa inyong may dadalaw ditong duktor na ang espesyalista ay sa mata. Bukas nay, inang. Bukas daw dadating ang duktor na iyon. At ang balita ko pa, libre daw ang mission nya dito." Sabi ni Estong.

Nagliwanag naman ang mukha ni Merla at Guada sa narinig. Napangiti sila at maya-maya lang ay nangilid na ang luha sa kanilang mga mata.

Kani-kanina lang kase ay iyon ang pinag-uusapan nilang mag-ina, ang tungkol sa kalagayan ng bata.

Problemado sila kanina pero ngayon, bigla silang nabuhayan ng loob.

"Salamat sa Diyos. Mapapatingin na natin si baby." Luluhang sambit ni Merla.

"Kaya nga nay. Blessing in disguise ang duktorang pupunta dito sa lugar natin bukas." Sabi naman ni Estong.

Samantala, tahimik naman si Guada habang lumuluha. Nananalangin kasi sya.

Nagpapasalamat sya sa itaas dahil sa wakas ay mapapagamot na rin nila ang kanyang apo.

At isa lang ang hiling nya, na sana ay hindi tuluyang mabulag ang bata, na sana ay maagapan pa ang mga mata nito.

..........

Kinabukasan nga'y maagang gumayak sila Merla, Estong at ang kanilang anak.

Si Guada na ang nagboluntaryong magbantay sa tindahan. Ang mag-asawa daw kase ang nararapat na kasama ng bata.

At saka, hindi pwedeng hindi sila magbukas ng pwesto. Iyon lang kasi ang tanging pinagkukunan nila ng kanilang kakarampot na kita.

Ala sais pa lang ay nasa klinika na ang mag-anak.

ESMERALDA Book 4Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon