"Dito tayo Kristine." Sabi ni Greta sa dalagita.
Matapos nya itong akaying tumayo ay iginiya naman nya itong maglakad.
Huminto sila ilang hakbang lang mula sa pinanggalingan nito.
Pagkatapos non ay inalalayan na nya itong umupo sa pahabang upuan na gawa sa kahoy.
Dalawa lang silang magkatabi ngayon. Ay iba ay pinalayo nya muna.
Hindi naman nya pinalabas ang mga iyon. Nanatili lang din ang mga iyon sa kanyang munting sala.
"Iha, ineng at batang nuknukan sa kulet--- Kailangan ko ng katahimikan ha?" Bilin naman nya sa bata.
"Opo nay." Magalang na sagot naman ni Merla.
Alam na nya ang ibig non sabihin---
Kailangan nyang itikom ang kanyang bibig habang abala ito sa gagawin.
Ilang saglit pa nga'y nagsimula na rin si Greta.
Matapos nyang gagapin ang dalawang palad ni Kristine ay pumikit na sya.
Tahimik namang nakamasid ang apat---
Sina Mila, Randy at ang mag-inang Guada at Merla.
Bumuka na ang bibig ni Greta.
Umusal sya ng orasyong tanging sya lamang ang nakakarinig.
Tahimik na nakamasid pa rin yung apat.
Pero pagkalipas ng ilang minuto ay nagulat na lang sila nung bigla na lang tumirik ang mga mata ni Greta.
At natakot sila nung makitang wala ng itim ang mga mata nito.
Kulay puti na ang mga iyon at nanginginig pa habang nakatirik paitaas.
Maya-maya ay kay Kristine naman napadako ang tingin nila.
Bigla kasing nangisay ang katawan ng dalagita na animo nakukuryente.
Nanginginig iyon ng sobra na animo kinukombulsyon.
At kung bakit ganon ang nangyayari dito?
Kasalukuyan na kasing ipinapakita ni Greta dito ang totoong nangyari kung bakit ito naging tulala sa loob ng ilang linggo.
At maya-maya lang ay ipapakita na rin nya dito yung totoong anyo nung engkanto.
..........
Samantala sa isipan ni Kristine...
"Mahal mabuti't nagpakita ka sa akin..." Masayang sambit ni Kristine nung bigla na lang sumulpot sa harapan nya si Arion---
Ang engkantong nagkagusto sa kanya...
Ang engkantong ginamitan sya ng mahika upang sya ay mapa-ibig nito...
Kasalukuyan silang nasa ilog ngayon kung saan madalas maligo si Kristine kasama ang mga kaibigan nito.
Sa malaking puno sa may gilid, doon nanggaling si Arion.
Hindi iyon ang tahanan nya ngunit ang punong iyon ang nagsisilbing portal nya sa mundo ng mga tao.
At nung makita nga nya si Kristine ay nabighani agad sya dito.
Gamit ang mahika ay iniba nya ang kanyang itsura.
Pagkatapos non ay saka sya nagpakita sa dalagita nung matiyempuhan nya itong nag-iisa.
Dun nagsimula ang lahat.
BINABASA MO ANG
ESMERALDA Book 4
HorrorMga matang hindi pangkaraniwan... Mga matang nakakakita ng mga kababalaghan... Ito ba'y isang sumpa? O isang magandang biyaya? Sino nga ba si Esmeralda? At saan nga ba nagmula ang angking galing nya? Tara! Alamin po natin kung paano sya nagkaroon ng...
