Present time...
Luhaan si Rica matapos nyang makita ng malinaw ang malupit na sinapit nya noon sa kamay ni Oscar.
Buong akala nya ay si Fredo ang lumapastangan sa kanya...
Ang gumahasa sa kanya ng paulit-ulit...
Ang taong bumaboy at pumatay sa kanya...
Ang taong wala talagang awa dahil matapos ang lahat ay basta na lamang syang iniwan sa madilim na kasukalang iyon...
.
.
Hindi pala...
Mali pala ang akala nya...
Mali pala ang taong kinasuklaman nya ng mahabang panahon...
Ayun, iyak sya ng iyak ngayon.
Hindi lang dahil mali ang taong nagantihan nya, kundi---
Nagsisisi sya sa nagawa nyang panggugulo hindi lang kay Fredo kundi maging sa pamilya din nito.
..........
Samantala...
Tulala naman si Fredo ngayon.
Hindi nya kasi lubos akalain na ganun pala ang nagyari noon, nung magbakasyon nga sila sa probinsya nila Oca.
Wala naman kasi itong nabanggit sa kanila. Sabagay, krimen nga iyon. Hindi nga talaga ito magkukuwento tungkol don.
At ang pagkakatanda nya, isang araw na lang ang itinagal nila doong magkakaibigan.
Pagkatapos ng gabing iyon ay maghapon lang silang natulog na magkakaibigan.
Then kinabukasan ay nagyaya na rin si Oscar na bumalik na sila ng Maynila.
Wala syang kaide-ideya sa nagawa nitong krimen.
Hindi rin sila nagduda dito sapagkat napakagaling nitong magpanggap.
At sa loob ng maraming taon, naitago nito sa kanila ang sikretong iyon.
Kaya ayun, awang-awa sya ngayon kay Rica na nasa katawan pa rin ng anak nyang si Sheryl.
"I'm sorry. Hindi ko alam. Wala akong alam don." Malungkot na sambit nya.
Totoo naman yon. Inosente talaga sya.
Ni hindi nga nya ito nahalikan. Yakap lang talaga at manaka-nakang pisil sa katawan.
Yun lang. At under influence of drugs pa sya non.
At ayun, kahit lalaki sya ay hindi nya napigilan ang pagpatak ng kanyang luha.
Sa balik-tanaw kase na ipinakita ni Esmeralda, mas nakilala nya si Rica.
Nalaman nya ang lahat tungkol dito...
Ang mga pinagdadaanan nito sa buhay...
Ang paghihirap ng pamilya nito...
At ang sapilitang pagpasok nito sa club...
Maya-maya...
Isang puting imahe ang lumabas mula sa katawan ni Sheryl.
Nagulat ang lahat sa kanilang nasaksihan, maliban kay Esme.
Para silang nasa shooting ng isang horror movie. Tapos sila-sila yung mga casts.
At ayun, napakapit na lang si Jasmine ng mahigpit sa braso ng nobyong si Isagani.
Si Chanda naman ay napa-OMG pa at pagkatapos non ay napapikit na rin ito ng mga mata.
BINABASA MO ANG
ESMERALDA Book 4
TerrorMga matang hindi pangkaraniwan... Mga matang nakakakita ng mga kababalaghan... Ito ba'y isang sumpa? O isang magandang biyaya? Sino nga ba si Esmeralda? At saan nga ba nagmula ang angking galing nya? Tara! Alamin po natin kung paano sya nagkaroon ng...
