XXXI - Masaganang Hapunan

579 48 0
                                    

"Kung hindi ako umalis kahapon, napigilan ko sana ang tiyang na gumawi sa lugar na ito. (Pause) Sorry tiyong, hindi ko man lang nabanggit sa inyo na wala ng nakatira dito, matagal na." Sambit ni Gani.

Kasalukuyan sila ngayong nasa abandonado at sira-sirang bahay na syang ginamit ni Rica upang masilo si Violy.

"Wala kang kasalanan Kuya Isagani. Tandaan mo--- Ang nakatakda ay nakatakda. Umeksena ka man o hinde--- Mangyayari at mangyayari pa rin iyon." Paliwanag ni Esmeralda.

Pagkatapos nya iyong sabihin ay pumikit na sya.

Then nagsimula ulit syang mag-concentrate.

At ayun, sa isang iglap ay nakita nya kaagad kung nasaan ang kaluluwa ni Violy.

Kagaya ng ginawa nya kanina kay Carol, inulit nya lang uli iyon.

At pagkalipas ng ilang sandali ay nagmulat na rin sya ng mga mata.

"Okay na po Mang Fredo. Nasa bahay na po ninyo ang asawa nyo." Sabi nya kaagad upang hindi na mainip ang mga ito sa resulta ng pag-oorasyon nya.

"Salamat Esme. Maraming maraming salamat talaga sa tulong mo. Kung wala ka--- Paano na kaya? Haaaay... (Pause) Isa na lang--- Si Jomar na lang..." Sabi ni Fredo.

Hindi naman sya sumagot. Pero nginitian at tinanguan naman nya ito bilang pagtugon.

"Saan ang susunod nating destinasyon?" Tanong naman ni Isagani.

"Sa bukid po." Ang sagot nya.

At dahil hapon na, malapit ng kumalat ang dilim sa kalangitan ay napagpasyahan nilang umuwi muna sa bahay.

Plano nilang kumuha ng mga flashlight upang meron silang tanglaw sa kanilang daraanan patungong bukid kung saan naroroon ang kaluluwa ni Jomar.

At ayun, pagpasok nila sa bahay ay wala na nga si Violy sa sofang kinauupuan nito kanina.

Nasa kusina na ito at naghahanda na ng hapunan.

Agad silang sinalubong ni Sheryl.

"Pa--- Akyat kaya muna natin si Jomar sa itaas? Sa kwarto nya. Para hindi na magtanong pa si mama. Katulad kasi kay Carol--- Wala din syang maalala sa mga nangyare. Pero pag napansin na po nya ang pagiging tulala ni Jomar, sigurado mag-uusisa na sya." Bulong nito.

"Tama po ang suggestion nya." Sabat ni Esme.

At hindi na hinintay pa ni Isagani na sya ay utusan ng kanyang tiyuhin, agad syang kumilos.

Matapos nyang lapitan si Jomar ay inakay na nya ito paakyat sa pangalawang palapag ng bahay.

Saktong makaakyat sila nung lumabas mula sa kusina si Violy.

"O! Jasmine mabuti't naparine ka. Dito ka na maghapunan ah? Para makabawi naman sa'yo si Ganing. Aba eh---- Palagi na lang syang sa inyo nakikikain. Nakakahiya na." Nakangiting sambit nito.

Wala na talagang naiwang senyales na sya ay galing din sa isang masamang bangungot.

At ayun, nagulat pa sya nung mapansing may iba pa palang tao sa loob ng bahay nila.

"Ooooops! May kasama ka pala..." Sambit nya habang nakatingin sa hindi pa nakikilalang bisita.

"Ay opo tiyang. Si Esme nga po pala, kaibigan ko." Sagot agad ni Jasmine.

"At kaibigan ko na rin po sya mama." Nakangiting sabat naman ni Sheryl.

"Wow! Mabuti naman at may friend ka ng bago bukod kay Ate Jas mo." Sabi nya.

ESMERALDA Book 4Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon