Weeks later...
Nasa biyahe ngayon ang mag-asawang Fredo at Violy.
At hindi lang silang dalawa ang sakay ng kotse ngayon---
Kasama nila ang dalagitang si Esmeralda.
At ang tungo nila?
Sa probisya kung saan naninirahan ang pamilya ni Rica.
Oo. Ngayon tutupatin ni Fredo ang pangako nya.
At ayun, pagkalipas ng mahaba-habang oras...
Matapos ang kulang-kulang isang araw na byahe...
Magmula sa bayang pinanggalingan nila...
Hanggang sa pier, kung saan naghihintay ang barkong sasakyan nila---
Sa wakas ay narating na rin nila ang bayang ilang dekada na rin mula noong unang marating ni Fredo.
Ang dami ng nagbago sa lugar na iyon.
Maraming mga nawala pero mas marami ang nadagdag na mga establisyimento.
At ang bar kung saan sapilitang nagtrabaho noon si Rica?
Wala na iyon doon.
Isang restaurant na ang nakatayo dun ngayon.
At dahil gutom sa mahabang biyahe, doon nila naisipang kumain.
Sarap na sarap sila sa mga putaheng inorder nila.
Halos karamihan kasi sa menu ay mga exotic dishes, na syang gustong-gusto ni Fredo.
Habang kumakain...
"Anong naba-vibes mo sa lugar na ito?" Tanong ni Violy sa dalagita.
"Dalawa po ang naba-vibes ko tita. Isang pangit at madilim na nakaraan... At isang magandang kinabukasan." Sagot ni Esme.
"Ano yung madilim?" Tanong ni Fredo.
"Dati po itong kabaret diba?Masalimuot po ang naging buhay ng mga babaeng nagtrabaho dito noon. At isa na doon si Aling Rica. (Pause) Napakalupit ng tiyahin nyang iyon. Sabagay--- Sumasamba po kasi sa pera. (Pause) Pero anong nangyare? Wala po. Lahat ng pera nya hindi naman nya nadala sa hukay." Sabi nya.
"Ang ibig mong sabihin--- Patay na yung tiyahin ni Rica?" Tanong ni Fredo.
"Opo. Dekada na rin po ang nakakaraan. Nagkaroon po kasi sya ng cancer. At ang masaklap po--- Kahit gaano karami ang pera nya ay hindi na nadugtungan pa ang buhay nya." Sagot nya.
Pero nagsinungaling sya don. Hindi nya sinabi sa mga ito ang totoo.
Hindi naman na kasi kailangan. Wala naman na kasing kinalaman ang mga ito doon.
At ang tunay na nangyare kay Aida?
.
.
.
Nakulam talaga ito at hindi nagkaroon ng kanser.
At ang taong nagpakulam?
.
.
.
Si Cora.
Isang inang labis na nagmamahal sa anak.
Kung ano ang sinapit ng pamilya ni Rica ay may pagkakahalintulad din kila Cora at sa anak nitong si Lanie.
Nagkaroon din kasi sila ng malaking pagkakautang kay Aida.
BINABASA MO ANG
ESMERALDA Book 4
HorrorMga matang hindi pangkaraniwan... Mga matang nakakakita ng mga kababalaghan... Ito ba'y isang sumpa? O isang magandang biyaya? Sino nga ba si Esmeralda? At saan nga ba nagmula ang angking galing nya? Tara! Alamin po natin kung paano sya nagkaroon ng...
